Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pelikulang Tsino, Nood Tayo!

(GMT+08:00) 2012-02-06 23:13:21       CRI

Post

Ang OCEAN HEAVEN ay tungkol sa isang ama na may anak na autistic. Sa kasawiang palad, may taning ang buhay ng ama. Paano nya iiwan ang anak na may kapansanan sa isip? At paano nya ito ihahanda para maka pamuhay ng mag-isa? Ito po ang buod ng pelikula.

Ito ang kauna unahang pelikula ni Jet Li na drama. Higit 30 years na si Jet LI sa showbiz at kadalasang pinagbibidahan nya ay mga martial arts films.

At sa Pilipinas, nagkaroon ang mga Pilipino ng pagkakataon na mapanood ito sa katatapos lang na 6th Chinese Spring Film Festival sa Shangri-la Plaza.

Si JET LI

Si Jet Li, ama sa pelikula, lumangoy para isang pagong

Nakasanayan na laging may aksyon at labanan. Pero sa pagkakataong ito iba ang laban ni Jet Li – laban ito para sa kanyang anak na Autistic. Hindi bago ang tema ng pelikula, marami nang mga ganitong malungkot na istorya pero dahil si Jet Li ang bida at ipinakita nya dito ang kakayanang umarte sa mga eksenang ma drama.

Si WEN ZHANG

Si Wen Zhang, bilang isang autistic sa pelikula

Si Wen Zhang ay bida sa pelikulang Love Is Not Blind. Sa pelikulang Ocean Heaven, maniniwala ka naman sa paganap niya bilang autistic. Yung galaw nya, pati ang hand gestures --- tunay. Walang bahid ng pagkukunwari. Ito ang bunga ng halos isang taon nyang paghahanda para sa parte sa pelikula. Matama nyang pinag aralan ang mga autistic na bata.

Talagang seryoso at propesyonal si Wen Zhang bilang isang actor. Naniniwala siya bilang isang autistic, dahil sa kanyang espesyal na hand gestures, simple at inosenteng expression ng mata, nagkakaibang paraan ng pagsalita, at a little bit silly smile.

Nanalo si Wen Zhang ng New Rising Actors ng 14th Hua Biao Film Award, China's governmental film award at Students' Choice Award for Favorite Actor sa 18th Beijing Student Film Festival.

Si XUE XIAOLU

Si Xue Xiaolu

 Bilang writer, hindi matatawarang ang kakayanan nya dahil 14 na taon syang naging volunteer sa Beijing Stars and Rain, NGO para sa mga Autistic na bata. Pero bilang director, malayo pa ang kanyang tatahaking landas. Ang pelikula ang directorial debut nya, buti na lang sinuportahan sya ng mga de-kalibreng production staff at magagaling nga artista.

Ang isa pang mahalagang papel ni Xue Xiaolu ay propesor ng Beijing Film Academy, nagtuturo siya ng mga kurso hinggil sa writing. Lagi niyang sabi sa mga estudyante dapat pahalagahan ng tunay na pamumuhay at likhain batay dito.

Yung MARINE PARK bilang setting ng pelikula para sa akin ay magandang choice. Kapag autistic sabi nila mas malalim ang pagbibigay halaga nila sa mga bagay na nakikita nila. At dito nakita natin sa huling eksena na lumangoy kasama ni David ang isang pagong – - inakala nyang ito ang yumaong ama.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>