Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Gitnang kabisayaan, malubhang apektado ng lindol

(GMT+08:00) 2012-02-08 18:50:22       CRI

KUMIKILOS na ang pamahalaan upang maibalik ang normal na buhay ng mga mamamayan sa mga apektadong pook sa sa Negros Oriental. Sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council, 26 ang nabalitang nasawi, 52 ang sugatan at 71 ang nawawala.

Umabot na sa 1,214 na aftershocks ang naitala ng mga siyentipiko ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology. Hanggang kaninang ika-anim ng umaga, 69 na lindol ang nadama ng mga mamamayan.

Wala pa ring makarating sa Guihulngan, La Libertad at Jimalalud dahilan sa pagkapinsala ng mga lansangan at tulay. Wala pa ring kuryente at tubig ang mga bayan ng Ayungon, Tayasan, Jimalalud, La Libertad at Guihulngan. Sampung tulay sa Negros Oriental ang 'di magamit dahilan sa iba't ibang uri ng pinsalang natamo.

PANGULONG AQUINO, MAGSASALITA SA CHINESE-FILIPINO BUSINESS CLUB

PANAUHING pandangal si Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III sa ika-pitong Biennial Convention n Chinese-Filipino Business Club sa Centennial Hall ng Manila Hotel bukas.

Makakasama niya si Interior and Local Government Secretary Jesse Robredo, Ginoong Lino Uy, Pangulo ng Chinese-Filipino Business Club at Manila Hotel Chairman Don Emilio Yap.

Sasaksi rin si Pangulong Aquino sa ceremonial turnover ng 30 motorsiklo kay Police Director General Nicanor Bartolome. Ang mga motorsiklong ito ang nagapakita umano ng pakikiisa ng samahan sa mga palatuntunan ng pambansng pulisya.

Binuo ang Chinese-Filipino Business Club bilang isang socio-civic, non-profit organization na na tumutulong sa pamahalaan. Mula noong 1998, ang samahan ay mayroon nang 400 mga kasapi na kilalang haligi ng Chinese-Filipino trade and commerce, manufacturing, construction, banking at iba pang industriya.

SENADO, PINAYAGAN ANG PAGHARAP NG MGA OPISYAL NG BANGKO BILANG SAKSI SA IMPEACHMENT

KAHIT pa naging mainit ang pagtutol ng mga abogado ni Chief Justice Renato Corona, pumayag ang Senado na isa ngayong impeachment court, sa kahilingan ng taga-usig na iharap ang isang opisyal ng bangko bilang saksi sa impeachment trial ng punong mahistrado.

Ayon kay Senate President Juan Ponce Enrile, sa kawalan ng anumang temporary restraining order mula sa Korte Suprema, maipagpapatuloy ang paglilitis.

Si Chief Prosecutor and Iloilo Congressman Neil Tupas, Jr. ang tumawag sa isang opisyal ng Philippine Savings Bank upang sumaksi sa mga pinaghihinalaang bank accounts ni Ginoong Corona.

Hanggang sa mga oras na sinusulat ang balitang ito ay naka-upo pa rin sa witness stand si Ginoong Pascual Garcia III, pangulo ng PS Bank na may dalang limang peso accounts mula sa sampung bank accounts ni Ginoong Corona.

CHIEF JUSTICE CORONA, DUMULOG SA KORTE SUPREMA

HINILING ni Chief Justice Renato Corona sa Korte Suprema na pigilin ang impeachment proceedings laban sa kanya at pawalang-saysay ang Articles of Impeachment.

Ayon sa petisyon ng mga abogado ni Chief Justice Corona, matapos bigyang pansin ang nilalaman ng petisyon, kailangang maglabas ng ruling ang Korte Suprema na walang bisa ang impeachment complaint mula sa pinakasimula.

Kasabay nito, hiniling ni Corona sa Korte Suprema na pigilin ang Senado, na isang impeachment court, na utusan pa ang mga bangko na ilabas ang mga bank record ng punong mahistrado at pigilan din ang Senado na tumanggap ng mga ebidensyang may kinalaman sa Article 2 ng Articles of Impeachment.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>