Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Public private partnership, malaki ang magagawa para sa bansa

(GMT+08:00) 2012-02-17 16:42:19       CRI

PASADO na sa National Economic Development Authority – Investment Coordination Committee ang unang bahagi ng Central Luzon Link Expressway project na tutustusan ng isang utang mula sa Japan International Cooperation Agency o JICA. Saklaw ng proyektong ito ang pagtatayo ng mga lansangan magdudugtong sa Tarlac, Nueva Ecija, Aurora at Cagayan Valley Region sa Metro Manila at sa iba pang bahagi ng Hilagang Luzon.

Ito ang buod ng talumpati ni Socio-Economic Planning Secretary Cayetano Paderanga sa kanyang pagharap kay Japanese Vice Minister for International Affairs Hideichi Okada at mga kinatawan ng Japan External Trade Organization (JETRO) sa isang pagtitipon sa Dusit Thani Hotel-Makati kaninang umaga.

Umaasa umano si Kalihim Paderanga na magmumula sa Public Private Partnership ang salaping gagastusin sa mga susunod na bahagi ng proyekto.

Ipinaliwanag ni Kalihim Paderanga na ang PPP ang isa sa flagship programs ng pamahalaan ni Pangulong Aquino na naglalayong anyayahan ang pribadong sektor sa pagtatayp ng basic public infrastructure sa pamamagitan ng konstruksyon, investments at operations at pagpapatakbo. Kinikilala rin ang kahalagahan ng pribadong sektor bilang kabalikat sa mga infrastructure projects na magpapaunlad sa kalagayan ng mga Filipino.

Ito raw ang isang focused strategy upang matamo ang kaunlaran ng mga Filipino kaya't malaki ang inaasahan sa PPP para sa Philippine Development Plan na nagsimula noong 2011 at magtatapos sa 2016.

Ayon kay Kalihim Paderanga, maganda na ang business environment sa bansa sa pagkakaroon ng diin sa transparency, accountability at maayos na pagpapatakbo ng pamahalaan. Sa ganitong pagkakataon, magkakaroon ng mga bagong hanapbuhay, gaganda ang delivery ng basic socio-economic services at magkakaroon ng positibong economic growth.

Binanggit ni Kalihim Paderanga ang ilan sa mga proyektong iaalok sa pribadong sektor tulad ng Laguindingan Airport sa Misamis Oriental, ang bagong Bohol Airport, Mactan Airport sa Cebu, Puerto Princesa Airport sa Palawan, LRT Line 1 and Line 2, ang Balara water hub at maging ang Angat Hydro-Electric power plant sa operasyon at maintenance ng planta.

Ikatlo umano ang Pilipinas sa mga napipisil ng global fund managers sapagkat ipinagpapasalamat ng international financial community ang reform agenda ng pamahalaan, dagdag pa ni Kalihim Paderanga.

PRESIDENTIAL COMMUNICATIONS SECRETRY COLOMA: SOCIAL MEDIA, MAGAGAMIT PARA SA KAMPANYA NG MGA SAMAHAN

MAGAGAMIT na ng iba't ibang samahan ang social media upang maiparating sa balana ang kani-kanilang mga mensahe tulad ng ginagawa ng Tanggapan ng Pangulo ng Pilipinas. Ito ang mensahe ni Presidential Communications Operations Office Secretary Herminio Coloma, Jr. sa kanyang talumpati sa mga pinuno at kasapi ng Institute of Management Consultants of the Philippines.

Ayon kay Kalihim Coloma, nagbago na ang pakikipagtalastasan ng mga mamamamayan dahilan sa pagbabago ng paraan ng komunikasyon.

Inanyayahan ng samahan si Kalihim Coloma upang makarinig ng mga pananaw tungkol sa pagpapalawak ng kabatiran ng madla sa mga isyung may kaukulang halaga sa bansa at mga mamamayan.

Sa kanyang talumpati, ipinaliwanag ni Ginoong Coloma na sa makalumang paraan, ang mensahe ay ipinararating sa target audience at ito'y maituturing na one-way channel mula ng maimbento ang limbagan o printing press.

Sa pagkakaroon ng internet, malaking pagbabago ang naganap sagpakat ang lahat ay mayroong paraan ng pakikipag-usap at pakikipagbalitaan sa pinakamadaling panahon.

Ang Tanggapan ng Pangulo ay mayroong sangay na nangangasiwa sa social media. Kabilang sa mga ginagamit ng tanggapan ay ang Google, Twitter, TouTube, Facebook at mga blog.

Ayon kay Ginoong Coloma, ang social media ay isang mabuti at epektibong paraan ng pagtanggap ng feedback mula sa mga mamamayan.

SA ATING IMPEACHMENT UPDATE, TATLONG BANK ACCOUNTS, ISINARA NA NOONG DISYEMBRE PA

ISINARA ni Chief Justice Renato Corona ang tatlong time deposit accounts sa Philippine Savings Bank kasabay ng pagpapasa sa Senado ng impeachment complaint laban sa kanya ng mga mambabatas sa House of Representatives noong Disyembre sa pagtatangkang itago ang ilang halaga sa kanyang statement of assets, liabilities and networth o SALN.

Ito ang pahayag ng prosecution panel sa pagtatapos ng pagdinig kahapon sa Senado ng Pilipinas.

Naging maliwanag nito sa ika-19 na araw ng paglilitis kay Chief Justice Renato Corona sa pagharap ni Pangulong Pascual Garcia ng PSBank tungkol sa peso accounts sa sangay nito sa Katipunan Avenue sa Quezon City.

Sinabi ni Ginoong Garcia sa impeachment court na mayroong ibang accounts si Ginoong Corona sa parehong sangay ng bangko matapos tumestigo ang branch manager na si Annabelle Tiongson na nagbukas at nagsara ng limang halos magkakaparehong accounts na mayroong opening balances na P 30 milyon, mula 2007 hanggang 2011.

Ayon kay Private Prosecutor Demetrio Custodio, mayroon umanong ebidensya na nagpapakita nang tatlong accounts ang isinara sa parehong pets eng ika-12 ng Disyembre, 2011 at maipakikita na isang paghahanda ito dahilan sa napipintong impeachment complaint. Ito ang tugon ni Ginoong Custodio sa tanong ni Majority Leader Vicente Sotto III na idinaan kay Senador Loren Legarda.

Sa paglilitis kahapon, sinabi ni Ginoong Custodio na umabot sa P 32.6 milyon ang deposito ni Chief Justice Corona sa tatlong bank accounts na isinara noong ika-12 ng Disyembre 2011.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>