Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pag-uusap ng Tsina at Pilipinas, mahalaga sa paglutas ng 'di pagkakaunwaan

(GMT+08:00) 2012-02-21 19:19:26       CRI

PAG-UUSAP NG TSINA AT PILIPINAS, MAHALAGA SA PAGLUTAS NG 'DI PAGKAKAUNWAAN

NANANATILING maganda ang relasyon ng Pilipinas at Tsina. Makikita ang magandang relasyon sa pag-itan ng dalawang bansa sa matagumpay na pagdalaw ni Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III sa Beijing, Shanghai at Xiamen noong nakalipas na taon.

Ito ang pahayag ni Ginoong Zhang Hua, ang bagong Deputy Chief ng Political Section at Opisyal na Tagapagsalita ng Embahada ng Tsina sa Pilipinas. Sa isang panayam kaninang umaga, sinabi ni Ginoong Zhang na nagkasundo sina Pangulong Hu Jintao at Aquino na kilalanin ang taong ito hanggang sa 2013 bilang "Year of Friendship."

Pinaghahandaan na ng magkabilang panig ang pagdiriwang na katatampukan ng exchange visits sa pag-itan ng dalawang bansa.

Sa larangan ng kalakalan, maganda ang nagaganap sa panig ng Tsina sapagkat maraming kumpanyang Tsino ang nagbabalak magtayo ng kanilang mga kalakal sa PIlipinas. Noong nakalipas na taon, nabatid na umabot na sa dalawang bilyong dolyar ang kalakal ng mga Filipino sa Tsina samantalang halos kalahating bilyong dolyar pa lamang ang kalakal ng mga Tsino sa Filipinas.

Bagama't inamin ni Ginoong Zhang na maaaring magtagal ang paglutas sa hindi pagkakaunawaan ng Filipinas at Tsina tungkol sa South China Sea, umaasa siyang darating din ang panahong maisasaayos ito. Sinabi ni Ginoong Zhang na hindi naman biglaan ang pagkakaroon ng mga isyu sa South China Sea kaya't maaaring magtagal bago ito malutas.

Hindi umano malulutas ang 'di pagkakaunawaan sa madaliang panahon. Ang pinakamabisang paraan upang malutas ito ay ang pag-uusap ng magkabilang panig at direktang harapin ang mga isyu.

Iminungkahi rin niya ang "joint development" ng South China Sea na tinatawag ng Filipinas na West Philippine Sea. Si Ginoong Zhang ang humalili kay Ethan Y. Sun na nakatakda nang bumalik sa kanyang tanggapan sa Beijing matapos ang tatlong taong paglilingkod sa Embahada ng Tsina sa Maynila.

Narito ang bahagi ng panayam kay Ginoong Zhang Hua, Deputy Chief of Political Section at Spokesperson ng Embahada ng Tsina sa Maynila.

IMPEACHMENT TRIAL DAPAT BANTAYAN NG MGA FILIPINO

MARAPAT lamang na bantayan ng mga Filipino sa loob at labas ng bansa ang nagaganap na paglilitis ka Chief Justice Renato C. Corona na ngayo'y pumasok na sa ika-dalawampu't isang araw.

Ito ang paniniwala ni Ginoong Vergel Santos, Chairman of the Board ng BusinessWorld, isa sa mga iginagalang na pahayagan sa Filipinas. Sa isang panayam, sinabi ni Ginoong Santos na hindi mahirap unawain ang usapin sapagkat kahit ano pa ang ilagay sa online, ay lalabas ang pagtutunggali ng batas at katotohanan.

Ang batas ay maaaring pilipitin upang masuportahan ang paninindigan samantalang ang katotohanan ay hindi mababago.

Idinagdag ni Ginoong Santos na maayos naman ang isinasagawang coverage ng mga mamamahayag sa impeachment trial na sinimulan noong Lunes, ika-16 sa buwan ng Enero ng taong kasalukuyan.

Narito ang buod ng aking panayam kay Ginoong Vergel Santos.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>