Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Dating Pangulong Arroyo, nagpaabot ng "Not Guilty Plea" sa kasong electoral sabotage

(GMT+08:00) 2012-02-23 18:23:49       CRI

DATING PANGULONG ARROYO, NAGPAABOT NG "NOT GUILTY PLEA" SA KASONG ELECTORAL SABOTAGE

ISANG malungkot na dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ang personal na humarap sa hukuman upang magpahayag ng "not guilty plea" sa sumbong na electoral sabotage sa Pasay City Regional Trial Court kaninang umaga.

Ang dating pangulo na ngayo'y kinatawan o congresswoman ng Ikalawang Distrito ng Pampanga, ang nagpahayag ng "not guilty plea" sa harap ni Hukom Jesus Mupas mga ika-walo at lilmampu't lima ng umaga (8:55 A.M.), mga labing-limang minuto matapos dumating sa hukuman mula sa Veterans Memorial Medical Center sa Quezon City. Sa Veterans Memorial Medical Center siya nakapiit mula noong Disyembre ng nakalipas na taon.

Kasama niyang nagtungo sa hukuman ang kanyang mister na si Atty. Jose Miguel Tuazon Arroyo, mga anak na sina Juan Miguel, isa ring kinatawan ng Ang Galing Pinoy party list at Diosdado, kinatawan ng isang distrito sa Camarines Sur.

Sinabi ni Atty. Arroyo na "frustrated" ang kanyang maybahay dahilan sa kawalan ng katarungang ginagawa laban sa kanya. Ayon kay Ginoong Arroyo, walang anumang basehan ang usapin laban sa kanyang maybahay.

Nakasuot ng blusang kulay krema ang dating pangulo samantalang gamit pa rin ang kanyang neck brace.

Matapos ang arraignment, sinabi ng kanyang abogadong si Atty. Ferdinand Topacio sa mga mamamahayag na nagawa na nila ang unang hakbang upang malinis ang pangalan ng kanyang kliyente at handa na silang humarap sa paglilitis.

Bumalik na kaagad ang dating pangulo sa Veterans Memorial Medical Center matapos ang arraignment.

Ang usapin ang nagmula sa reklamo ng Commission on Elections na nagsabing nagkaroon ng malawakang dayaan noong 2007 mid-term elections tulad ng pagwawagi ng mga kandidato ng administrasyon na 12-0 sa lalawigan ng Maguindanao.

Ang mga akusado ng electoral sabotage ay sina dating Maguindanao Governor Andal Ampatuan Sr., dating Comelec Chairman Benjamin Abalos, Sr. at dating Maguindanao election supervisor Lintang Bedol. Hindi isinama sa usapin si Atty. Miguel Arroyo sa kawalan ng sapat na ebidensya.

Itinakda ang pre-trial conference sa darating na Hwebes, ika-19 ng Abril.

MGA FILIPINO, NAGPOPROTESTA SA SINGIL NG PAMAHALAAN NG ITALYA

SUMAMA ang mga Filipinong manggagawa sa Italya sa malawakang protesta na nagmula noong nakalipas na linggo dahilan sa mga sinisingil sa mga banyagang nais maghanapbuhay sa bansa.

Iba't ibang grupo ng mga manggagawa ang humiling sa pamahalaan ng Italya na huwag ipatupad ang singil na higit sa isang daang (100) Euro upang magkaroon ng kailangang "Permit of Stay."

Nagtungo ang mga migranteng nagpo-protesta mula sa iba't ibang bansa na kinabibilangan ng mga Filipino sa Largo Castello hanggang sa makarating sa San Babila, isang paboritong pamilihan ng mga turista.

Ipinakita ng mga manggagawa ang kanilang pagkontra sa bagong batas na ipinatutupad na sinasabi nilang hindi makatarungan at 'di katanggap-tanggap.

Diskriminasyon umano ang ginagawa ng pamahalaan ng Italya. Ang mga migranteng mag-aayos ng kanilang kalagayan sa Italya ay magbabayad ng higit sa 100 Euro. Ayon sa isa mga lider ng protesta, diskriminasyon itong ipinatutupad ng pamahalaan.

Nangangamba ang mga manggagawa na baka ipinapapasan sa mga manggagawang banyaga ang matinding dagok ng economic crisis sa Italya.

Ang mga manggagawang kailangan ng permit ay maaaring manirahan ng tatlong buwan hanggang isang taon ay kailangang magbayad ng 80 Euro na nagkabisa noong nakalipas na Enero.

Isang daang Euro naman ang sisingilin sa mga immigrants na kailangan ng Permit of Stay o renewal permit na balido mula isang taon hanggang dalawang taon. Ang mga immigrants na kailangan ng long-term permit ay pagbabayarin ng isa hanggang dalawang (200) Euro.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>