Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pangulong Aquino, pamumunuan ang Ika-26 na Anibersaryo ng Edsa People Power 1

(GMT+08:00) 2012-02-24 17:57:49       CRI

MAGSASAMA-SAMA ang iba't ibang sektor ng lipunan sa pagdiriwang ng ika-dalawampu't anim na anibersaryo ng EdSA People Power 1 na naganap noong 1986. Magugunitang ang pagtitipon ng mga mamamayang Filipino ang siyang naging dahilan ng paglikas ni Pangulong Ferdinand Edralin Marcos at ng kanyang pamilya patungo sa Estados Unidos.

Ayon kay Deputy Presidential Spokesperson Atty. Abigail Valte kailangang pahalagahan ang pangako ng EdSA, ang kalayaan at ng tunay na pamahalaang taos-pusong naglilingkod sa mga mamamayan.

Isa sa mga pinahahalagahan ng Aquino Administration, ayon kay Atty. Valte, ay ang paggagawad ng katarungan sa madla, masugpo ang korupsyon at ihatid sa taongbayan ang kailangang social services, may-uring edukasyon at kalusugan at pagkakataong umunlad ang pamumuhay.

Bukas, mula pa lamang ika-anim ng umaga, magsasama-sama ang kinatawan ng iba't ibang sektor sa People Power Monument sa EdSA upang makinig sa magiging mensahe ni Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III.

Si Pangulong Aquino ang kaisa-isang anak na lalaki nina dating Senador Benigno S. Aquino at naging kauna-unahang babaeng Pangulo, ang namayapang Corazon Cojuangco Aquino.

TSINA, MANGANGAPITAL SA AGRO-INDUSTRY BUSINESS

NAKATAKDANG ilipat ng Tsina ang kanilang agro-industry sa Filipinas na nagkakahalaga ng higit sa P 86 milyon.

Ayon kay Trade Undersecretary and Board of Investments Managing Head Adrian S. Cristobal Jr., higit na lalakas ang agribusiness industry ng bansa.

Ang agribusiness, dagdag pa ni Ginoong Cristobal ay isa sa mahahalagang bahagi ng Investments Priorities Plan na magpapalaki ng kita at magdaragdag ng trabaho sa kanayunan. Kinakausap umano ng Filipinas ang Tsina dahilan sa lumalaking potensyal nito sa larangan ng exports mula sa Filipinas at ang posibilidad na pagmulan ng investments papasok sa Filipinas.

Nabatid sa reports mula sa mga ahensyang nagsusulong ng investments sa Filipinas, umabot na ang kalakal sa agribusiness sa halagang P 2.27 bilyon noong 2010.

Isa sa mga prayoridad ng Filipinas ang pag-anyaya sa mga kumpanyang Tsino na dalhin ang kalakal sa Filipinas.

Idinagdag ni Ginoong Cristobal na itatayo ang proyekto sa Lungsod ng Mandaue sa Cebu at pagmumulan ng frozen fish fillets na ipagbibili sa ibang bansa. May kapasidad ang proyekto para sa dalawang milyon, dalawang daa't limampung kilo taun-taon.

Ipagbibili sa ibang bansa ang frozen fish fillet at inaasahang magkakaroon ng 256 na bagong hanapbuhay sa oras na magsimula ang operasyon sa darating na buwan ng Mayo.

Kasama sa proyekto ang pagbili, paglalagay ng mga kagamitan tulad ng tunnel freezer, cold storage, air conditioning, generators, vacuum-packing machines at waste water facility.

Ang isdang gagamitin ay mula sa mga supplier sa Norway, Japan, New Zealand, Argentina at Netherlands.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>