Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Korte Suprema, Tuloy pa rin sa mga gawain

(GMT+08:00) 2012-02-27 19:35:52       CRI

SIMULA ng uminit ang Impeachment case laban kay Chief Justice Renato C. Corona ay pilit pa ring itinutuloy ng Korte Suprema ng Pilipinas ang gawain nito sa pamamagitan ng mga en banc at division sessions.

Ito ang pahayag ni Justice Midas Marquez, ang Court Administrator at tagapagsalita ng Korte Suprema sa isang exclusive interview ng China Radio International – Filipino Service.

Ipinaliliwanag ni Senador Edgardo J. Angara (dulong kanan) ang kahalagahan ng Renewable Energy sa daigdig.  Si Senador Angara ang may akda ng Renewable Energy Act ng Pilipinas.  Nasa gitna si Philippine Energy Secretary Jose Rene Almendras at nasa dulong kaliwa naman si European Union Ambassador to the Philippines Guy Ledoux sa press conference kanina tungkol sa renewable energy.

Ani Ginoong Marquez, humarap na si Chief Justice Corona sa Senado ng Pilipinas na siyang nakaluklok bilang impeachment court at maliwanag sa punong mahistrado na kanyang iginagalang ang anumang kahihinatnan ng paglilitis.

Idinagdag pa ni Ginoong Marquez na napapanood naman sa telebisyon at napapakinggan sa mga himpilan ng radio ang paglilitis mula Lunes hanggang Huwebes at nakikita namang patas ang Senado sa pag-uusig at mga tagapagtanggol ni Ginoong Corona.

Nanawagan si Ginoong Marquez sa madlang payagang umusad ang impeachment trial sa Senado bago magkaroon ng pangsariling mga opinion . Aniya mas makabubuting pabayaan ng taongbayan ang mga senador na hukom na gawin ang kanilang pagdinig sa magkabilang panig sapagkat patas naman ang trato sa mga taga-usig at tagapagtanggol.

Subalit sa likod ng mga pahayag na ito, inamin ni Ginoong Marquez na kahit paano'y apektado ang imahen ng Korte Suprema bilang isang institusyon. Ang patuloy umanong pagpuna, pagbatikos at paratang ang magiging dahilan ng pagdududa ng ilang mga mamamayan subalit wala silang magagawa kungdi ipagpatuloy ang reporma at karaniwang mga gawain upang patunayan sa taongbayan na marami sa mga paratang na lumabas at ipinupukol sa Hudikatura ay walang basehan kungdi bahagi lamang ng masamang politika.

Bilang court administrator, sinabi ni Justice Marquez na patuloy siyang dumalaw sa iba't ibang bahagi ng bansa upang kausapin ang mga hukom at ipagpatuloy ang mga palatuntunan ng pakikipag-ugnayan sa mga taga-usig at mga abogado ng Public Attorney's Office.

Binigyang-diin ni Justice Marquez na sa dalawampung taon ng kanyang paglilingkod sa Korte Suprema, ngayon lamang niya naranasan ang ganito katinding pagsubok. Mahirap umanong ipagtanggol ang institusyon na nasa gitna ng mga akusasyon.

Marapat lamang umanong harapin ang mga akusasyon sapagkat ito ang pinakamagandang pagkakataon upang lumabas ang katotohanan.

Sa panayam ding ito, nanawagan si Justice Midas Marquez sa mga Filipino sa loob at labas ng Filipinas na subaybayang mabuti ang lahat ng nagaganap sa paglilitis na ngayo'y nasa ika-24 na araw na.

EUROPEAN UNION AT FILIPINAS, NAG-UUSAP TUNGKOL SA RENEWABLE ENERGY

ISANG pagpupulong sa pagitan ng European Union at pamahalaan ng Filipinas ang isinagawa ngayong Lunes sa isang five-star hotel sa Makati City.

Sinabi ni EU Ambassador Guy Ledoux na nagpapalitan ng mga pananaw ang mga ambassador ng European Union, Department of Energy Secretary Jose Rene Almendras at Senador Edgardo J. Angara, ang may-akda ng Renewable Energy Law upang higit na matamo ng Filipinas ang mga teknolohiya at paraan upang magkaroon ng renewable energy.

Kabilang sa posibleng tustusan ng European Union ay ang research and development arm ng pamahalaan upang higit na maging epektibo ang mga teknolohiyang maaaring pakinabangan ng madla.

Samantala, sinabi naman ni Senador Edgardo J. Angara, may-akda ng Renewable Energy Law, na ibayong research and development ang kailangan ng bansa. Idinagdag niyang maraming paraan upang magkaroon ng sapat na kuryente sa bansa tulad ng paggamit ng oceanographic waves upang magpatakbo ng turbina.

Dapat ding mabatid ng mga Filipino ang "best practices" sa larangan ng renewable energy.

Sinabi ni British Ambassador Stephen Lillie na mayroong mga 40 pinuno ng mga industriya sa larangan ng renewable energy ang nasa bansa upang pakinggan kung ano ang kailangan ng Filipinas.

MATINDING DAGOK SA EKONOMIYA MADARAMA DAHILAN SA PAGTAAS NG PRESYO NG GASOLINA

NAPAKALAKI ng dagok sa ekonomiya ng Pilipinas ng patuloy na pagtaas ng presyo ng gasolina. Ito ang pahayag ni Ginoong Edgardo Lacson, Pangulo ng Employers Confederation of the Philippines sa isang exclusive interview ng China Radio International – Filipino Service kaninang umaga.

Karamihan ng mga negosyo sa Pilipinas ay malaki ang gastos sa kuryenteng magpapatakbo ng mga makina at kagamitan sa produksyon. Nangangamba umano si Ginoong Lacson nab aka hindi na kayahin pa ng mga negosyanteng patakbuhin ang kanilang mga kalakal na malamang na sabayan pa ng paghingi ng dagdag na sahod ng mga manggagawa na magkakaroon ng epekto sa inflation rate ng bansa.

"Mahihirapan ang mga mangangalakal," dagdag pa ni Ginoong Lacson.

Wala umanong magagawa ang pamahalaan at ang taongbayan sa patuloy na pagtaas ng presyo ng petrolyo sapagkat nakasalalay ito sa pandaigdigang pamilihan at situwasyon sa MENA o Middle East at North Africa.

Kasama umano siya nananalangin na maging payapa na ang Gitnang Silangan at Hilagang Africa upang maibsan ang taas ng presyo ng petrolyo. Dalangin din umano niyang magkaroon

Kailangan umanong isulong ang paghahanap ng alternative sources of energy. Nanawagan din siyang magkaroon ng seryosong energy conservation program, at hindi ang mga pakiusap lamang. Kailangan umanong magkaroon ng sapat na panukat sa matitipid.

Maaaring napapanahon na rin ang paggamit ng Daylight Savings Time upang makatipid sa kuryente at pakinabangan ang liwanag ng araw na mas mahaba sa bawat tag-init.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>