Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Bansang Filipinas, isang primary destination para sa mga kalakal

(GMT+08:00) 2012-02-28 17:25:32       CRI

SINABI ni Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III na maraming mga balitang nagpapakita na ang bansang Filipinas ay isang primary investment destination sa Asya.

Ang kinita na P 1.995 trilyong piso ng Philippine Economic Zone Authority at ang magandang pananaw ng Japan External Trade Organization ay nagpapakita na ang Pilipinas ay totoong "primary investment destination" sa rehiyon, dagdag pa ni Pangulong Aquino.

Si Philippine Economic Zone Authority Director General Lilia de Lima mismo ang nag-ulat kay Pangulong Aquino at nagbalita si Administator de Lima mula noong 1995 hanggang 2011, ay nakarating na sa halagang halos dalawang trilyong piso ang kinita mula sa mga investments sa special economic zones.

Ito ang pahayag ng Pangulo ng Pilipinas na 22 porsiyento o may P413 bilyon ng buong kinita ng PEZA ay natamo sa loob ng 18 buwan ng siya'y manungkulan sa puesto.

Sa kanyang talumpati sa harap ng ika-4 na National Congress ng Coordinating Council of Private Educational Associations o COCOPEA, sinabi ni Pangulong Aquino na ang JETRO ay nagsagawa rin ng pag-aaral sa mga problemang kinahaharap ng mga bansa sa Asya sa pakikipagkalakalan sa bawat bansa at walang gasinong problemang binanggit sa Filipinas.

Mura umano ang lupain sa Filipinas na pagtatayuan ng mga kalakal. Pinakamataas ang rating ng mga manggagawang Filipino, dagdag pa ni Pangulong Aquino.

DALAWAMPU'T PITONG MGA PINOY, DARATING NGAYON MULA SA SYRIA

NAG-ULAT ang Embahada ng Pilipinas sa Damascus sa Kagawaran ng Ugnayang Panglabas na may 27 mga Filipino na tumanggap ng repatriation benefits, ang darating sa Maynila ngayon sakay ng Emirates Airlines (EK) Flight 334.

Ang 27 mga manggagawa na pawang kababaihan ay maituturing na distressed overseas Filipino workers na pansamantalang naninirahan sa halfway house ng embahada samantalang isinasagawa ang negosyasyon ng mga tauhan ng embahada sa Syrian employers at sa mga autoridad ng Syria upang matamo ang kailangang exit visas.

Kinabibilangan ng isang Filipino national na hindi nakasama sa nakalipas na grupo ng mga Filipino repatriates noong Sabado dahilan sa mga problema sa kanyang immigration papers.

Dalawa sa mga Filipino repatriates ay mula sa magulong governorate ng Homs. Nasa ilalim ng Crisis Alert Level No. 4 ang sumasaklaw sa buong Syria na naguutos ng mandatory evacuation sa lahat ng mga Filipinong nasa magulong bansa.

Ang mga kamag-anak ng mga nasa Syria ay maaaring tumawag sa 02 8343245 at 028343240 upang makabalita sa kanilang mga mahal sa buhay.

MGA KASAPI NG IGLESIA NI CRISTO, NAGTITIPON NGAYON SA LUNETA

HIGIT na sa isang daang libo katao ang natitipong mga kasapi ng Iglesia Ni Cristo sa Luneta, sa Rizal Park hanggang sa sinusulat ang balitang ito, Martes ng hapon.

Sinasabing pinaghandaan na ng mga tauhan ng pamahalaan ang pagdagsa ng mga kasama sa Iglesia Ni Cristo na aabot umano sa dalawang milyon pagsapit ng ika-lima ng hapon.

Ayon sa kay Chief Supt. Argimero Cruz, taga-pagsalita ng Philippine National Police, nagsimulang dumating ang mga sasama sa grand evangelical rally mga alas onse ng umaga. Wala umanong anumang security threat sa pagtitipong ito.

Bagaman, may mga impormasyong magpapadaplis ang mga Iglesia sa pamahalaan sa pamamagitan ng mga talinhaga mula sa Bibliya.

Mula alas dose ng tanghali ay humigpit na ang daloy ng mga sasakyan sa Maynila sa pagdating ng mga bus, minibus, vans, jeepneys at mga pribadong sasakyan sa paligid ng pagdarausan ng pagtitipon.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>