|
||||||||
|
||
SA katatapos na Cybersecurity Forum sa National Defense College of the Philippines, lumiwanag ang pangangailangang magtulungan ang pamahalaan at pribadong sektor sa pagbuo ng mga paraan sa pagpapatupad ng cybersecurity sa bansa.
Hiniling ng mga kinatawan ng iba't ibang pinuno ng pamahalaan at kumpanya ng bangko, remittance centers at iba pang financial institutions kay Pangalawang Pangulong Jejomar C. Binay na pamunuan ang komiteng lalaban sa mga krimeng ginagawa sa internet.
Tiniyak ni Ginoong Binay sa mga kinatawan ng iba't ibang sektor na bibigyan ng sapat na atensyon ng Administrasyon ni Pangulong Aquino ang cybersecurity.
Kailangan ang pagkakaroon ng cyber crime prevention efforts, detection at paglilitis at idinagdag pa niya na higit na magaganap ito sa ilalim ng Public – Private Partnership approach.
Ani Ginoong Binay, ang pakikipagtulungan sa pribadong sektor ang magpapagaan ng pasanin ng pamahalaan sapagkat makatutulong ang pribadong sektor sa pag-aangat ng uri ng mga kagamitang kailangan sa larangan ng information and communications technology at cybersecurity.
Dalawang pagtitipon na ang naganap sa isyu ng cybersecurity sa bansa. Una ay ang itinaguyod ng National Defense College of the Philippines, Tanggapan ng Pangalawang Pangulo ng Filipinas at ng National Defense College of the Philippines Alumni Association.
FILIPINAS, MALAKI ANG POTENSYAL SA RENEWABLE ENERGY
NAGKAISA ang mga dalubhasang mangangalakal na malaki ang potensyal ng Filipino sa renewable energy. Magugunitang dumalaw ang mga mangangalakal mula sa Great Britain at nakipag-usap sa mga dalubhasang mula sa iba't ibang industriya sa Filipinas. Interesado sila sa renewable energy, tulad ng nagmumula sa hangin at sa malalaking alon sa karagatan.
Ang mga dalubhasa ay bahagi ng isang trade mission na binuo ng UK Trade & Investment (UKTI).
Ayon kay British Ambassador Stephen Lillie, ito at ang iba pang trade activities ay nagpapakita ng interest ng United Kingdom sa mga nagaganap sa Filipinas upang higit na bumilis ang pagkakaroon ng green energy sa bansa.
Mahalaga ang renewable energy sa Filipinas tulad rin ng sa Inglatera. Idinagdag ni Ambassador Lillie na ang paggamit ng biomass, hangin, init ng araw at hydropower ang makapagbabawas ng pag-asa sa 'di tiyak na supply ng petrolyo at uling. Mahalaga umano ito sa tinatawag na energy security at pagpapahalaga sa climate change.
Sa paggamit ng green energy, malaki ang potensyal nito na makalikha ng libu-libong hanapbuhay. Sa investments sa renewable energy sa United Kingdom na nagkakahalaga ng 2.5 bilyong pounds o P 170 bilyon, makakalikha ito ng may 12,000 hanapbuhay sa buong bansa.
Sinabi pa ni Ambassador Lillie na malaki ang potensyal ng Filipinas para sa renewable energy.
Maaari umanong gamitin ang tidal energy sa Bohol/Talibon Strait, sa Basiao Channel sa Surigao Strait, Gaboc Channel, Hunatuan Passage, San Bernardino Strait, Basilan Strait at maging sa San Juanico Strait ayon sa pagsusuri ni Dave Pratt ng Nautricity.
Ipinaliwanag niyang ang first general ng tidal technology ay napakamahal kaya't ang second general tidal turbine ay makagagawa ng tidal energy at makasasabay sa tradisyonal na paraan upang magkaroon ng sapat na enerhiya.
MGA REPORMA SA HIGHER EDUCATION, SUSI SA KAUNLARAN
MAGANDA na ang mga nagawa ng Filipinas sa pagpapalawak ng access sa higher education sa mga kabataan subalit kailangan pa rin ng mga sapat na kakayahan upang makasabay sa mga manggagawa ng bansa at mapasigla ang ekonomiya.
Ito ang pahayag ni Emanuela di Gropello, lead economist ng World Bank sa kanyang talumpati sa higher education workshop ng Commission on Higher Education at World Bank sa EdSA Shangri-La Hotel sa Lungsod ng Mandaluyong.
Niliwanag ni Binibining di Gropello na kailangang bigyan ng diin ang Agham, Teknolohiya, Engineering at Mathematics (Science, Technology, Engineering and Mathematics/STEM) upang tumaas ang productivity ng mga manggagawa at magkaroon ng kakayahang tumugon sa pangkalahatang paglago ng ekonomiya.
Ang mga employer sa manufacturing at services sa silangang Asya at Pacific region, na kinabibilangan ng Filipinas, ay naghahanap ng problem-solving, communications, management at iba pang skills na makapagbibigay ng mas mataas ng productivity. Nakikita umano ang agwat sa mga kakayahan ng mga bagong-pasok na mga propesyunal. Ito umano ang nilalaman ng pinakahuling pagsusuring pinamagatang "Putting Higher Education to Work: Skills and Research for Growth in East Asia."
Ang Filipinas, kasama ang ibang low at middle-income countries sa East Asia at Pacific Region, ay nagsimula nang umakya sa technology ladder at nakatanggal na ng mahahalagang teknolohiya sa pagbubukas, pagpapayabong ng infrastructure at pagpapa-unlad ng manufacturing industry. Kailangan pa umanong pagbutihin ang kapasidad nito para innovation upang matugunan ang mga kasunod pang hakbang.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |