|
||||||||
|
||
SULIRANIN NG INSURGENCY, NABAWASAN NA
MATAPOS ang higit sa apatnapung taon ng pag-aaklas sa kanayunan at maging mga piling lungsod sa Pilipinas, unti-unti nang nababawasan ang mga armadong grupo na lumalaban sa pamahalaan.
Ito ang paliwanag ni Col. Arnulfo Marcelo B. Burgos, Jr., tagapagsalita ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas sa isang exclusive interview ng China Radio International-Filipino Section at CBCPOnline Radio.
Mula sa higit sa 25,000 mga armadong guerilya noong kalagitnaan ng dekada otsenta, higit na lamang sa 4,000 ang sangkot sa paglaban sa pamahalaan. Umabot na umano sa 24 na lalawigan ang kanilang napalaya mula sa mga armadong grupo.
Ngayong taong ito, layunin ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas na may dalawampu't lima pang lalawigang katatagpuan ng mga armadong grupo. Mayroong walumpung lalawigan sa buong bansa.
Bagama't mayroong lumabas na mga balitang may mga politikong nagbabayad ng mga "permit to campaign" at "permit to win" sa mga guerilya ng New People's Army, wala pang kinahihinatnan ang ginagawang pagsisiyasat ng pamahalaan.
Sa panayam ding ito, sinabi ni Col. Burgos na naglalabas na ng kaukulang impromasyon ang mga kumpanyang hinihingan ng "revolutionary taxes" ng mga guerilya. Unti-unti na umanong nabubunyag ang mga pangongolekta ng mga guerilya sa mga mangagalakal.
Binigyang diin ng taga-pagsalita ng Armed Forces of the Philippines na mayroon nang mga built-in systems upang maiwasan ang graft and corrupt practices na unang naganap noong mga nakalipas na taon.
Bumuo na umano sila ng apat na tanggapan upang mabawasan ang poder ng Comptroller at mayroon nang apat na brigadier general na namumuno sa mga tanggapang ito.
Itinanong ko rin sa kanya kung ano ang kanilang pananaw sa pagdaragdag ng gastos ng pamahalaan ng Tsina sa Tanggulang Pambansa. Ayon kay Colonel Burgos, karapatan ng bawat bansang maglaan ng kaukulang halaga sa kanilang tanggulang pambansa.
Kahit umano ang Pilipinas ay mayroon ding idinagdag sa salaping inilaan para sa Sandatahang Lakas ng bansa.
Narito ang bahagi ng aking panayam kay Colonel Arnulto Marcelo B. Burgos, Jr., tagapagsalita ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas.
Ang Exclusive Interview kay Col. Arnulfo Marcelo B. Brugos, Jr., Tagapagsalita ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas
PAMAHALAAN, NAKAPAG-LABAS NG P 212 BILYONG PISO NOONG DISYEMBRE
HALOS bumaha ng salapi sa bansa noong nakaraang Disyembre ayon na rin sa kautusan ni Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III.
Ayon kay Kalihim Florencio Abad, hindi lamang tumalad ang Disbursement Acceleration Plan at hindi lamang naisulong ang paggastos ng pamahalaan sa huling bahagi ng 2011 sapgkat nagkaroon ng mas magandang fiscal deficit level na halos kahalintulad na dalawang por siyento ng gross domestic product.
Umabot umano ang disbursements noong nakalipas na Disyembre sa P 211.7 bilyong at tumaas ng may 43.2% kung ihahambing sa releases noong Disyembre, 2010. Umabot din sa 13.6% ang naiambag nito sa total disbursements sa taong nakalipas.
Naramdaman umano ang releases noong fourt quarter sapagkat umabot sa P 487.6 bilyon at humigit sa target na P 436.1 bilyong target ng 11.8%.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |