Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pelikulang Tsino, Nood Tayo!-"The Founding of a Republic" at "Beginning of the Great Revival"

(GMT+08:00) 2012-03-05 21:58:59       CRI

Isang fun and relaxing way po ang panonood ng sine para makakuha ng kaalaman tungkol sa isang paksa. Sa kaso pong ito, silip kasaysayan po bansang Tsina. At sa mga kabataan isang epektibong paraan ito para ituro at ipaalala nila ang importansya ng kasaysayan.

Ngayon linggo, ito kasalukuyang ginaganap ang sesyong plenaryo ng 11th Chinese People's Political Consultative Conference o CPPCC at ng National People's Congress.

Ito ang huling pulong ng kasalukuyang pamahalaan. Mahalaga ang pulong na ito lalo pat magpapalit na ng lider ang Tsina sa susunod na taon.

Sa episode na ito, ibabahagi namin ang dalawa pelikula na makakatulong para maunawaan nyo ang kasaysayan ng Tsina.

Ito ang mga pelikulang "The Founding of a Republic" at "Beginning of the Great Revival"

Poster ng pelikulang "The Founding of a Republic"

The Founding of A Republic … itinaon ang pagpapalabas nito bilang paggunita sa ika 60 Anibersaryo ng pagkakatatag ng Peoples Republic of China. Ang pelikula ay Ito ay dinerehe nila Huang Jianxin at Han Sanping.

All star cast ang pelikula, kasama ang sikat na mga artista tulad nila Andy Lau, Ge You, Hu Jun, Leon Lai, Zhang Ziyi, Donnie Yen, Jackie Chan, Jet Li, Zhao Wei, Tang Guoqiang and Zhang Guoli. At mga kilalang mga film directors.

Si JackieChan, bilang journalist sa pelikulang "The Founding of a Republic"

Si Jet Li, bilang heneral sa pelikulang "The Founding of a Republic"; sa back gound, ang tunay na heneral

Si Andy Lau, bilang heneral ng Kuomintang sa pelikulang "The Founding of a Republic"

Sa kaliwa, si Zhang Ziyi, bilang isang kinatawan ng CPPCC sa  pelikulang "The Founding of a Republic"

Isinapelikula ang mga tagpo matapos ang Sino Japanese War noong 1945. Ipinakita ang mga kaganapan sa Double Tenth Agreement sa pagitan ng Communist Party of China at ng Kuomintang. Ipapakita ng pelikula ang magkaibang paninindigan ni Mao Zedong at ni Chiang Kai Shek. Mapapanood ang pagkakatatag sa Nanjing ng Republic of China at ang pagsiklab ng "War of Liberation" ng CPC kontra Koumintang. Matutunghayan sa sine ang pag urong tropa ng Koumintang sa Taiwan at ang pagwawagi ng Red Army na nagbunsod sa pagtatatag ni Mao Zedong ng Peoples Republic of China noong 1949, kung saan naging kapital ang Beijing.

Ipinagmamalaki ang katapangan at katalinuhan ni Mao Zedong at Communist Party. Para maitatag ang republiko ng People's Republic of China, marami ang nagbuwis ng buhay. Kaya dapat pahalagahan ito ng kasalukuyang henerasyon. May isang pangungusap-walang tunay na nananalo tuwing may digmaan, dahil marami ang namatay at nasugatan, karamihan sa kanila ay mga mamamayan.

Poster ng pelikulang "Beginning of the Great Revival"

Beginning of the Great Revival… Tungkol naman ito sa pagkakatatag ng Communist Party Of China. Sa pelikula mapapanood natin ang mga bayani ng lahi tulad nila Mao Zedong, Li Dazhao at Zhou Enlai. Sila ang mga personalidad na nanguna sa May Fourth Movement at nagsulong sa pagpapalaganap ng kuminismo sa bansa.

Sa kanan si Fan Bingbing, bilang reyna Long Yu sa pelikulang "Beginning of the Great Revival"; sa kaliwa ay ang tunay na reyna Long Yu

Si Liu Ye, bilang batang Mao sa pelikulang "Beginning of the Great Revival"

Si Mao at ang kanyang asawa sa pelikulang "Beginning of the Great Revival"

Mapapanood din natin sa pelikula ang naging papel ni Grigori Voitinsky , isang ruso na pumunta sa Tsina para sa adhikaing ito. Ipinakita din sa sine ang tagpo sa isang Shanghai dormitory kung saan itinatag ang CPC noong ika 22 ng Hulyo 1921.

Ang batang Mao Zedong noong 1925 sa Guangzhou

Sina Huang Jianxin at Han Sanping din ang director ng pelikula, at marami sa mga cast ng Founding of a Republic at muling napanood sa Beginning of the Great Revival.

Ang pelikulang ito ay itinuturing na kasama sa mga must see films noong 2011. Bukod sa importante ang nilalamang ng istorya maganda ang pagkakagawa ng pelikula. Ipinakita nito ang human side ng mga bayani, gaya ng love story ni Mao Zedong, eksanang bago ang pulong sa Shanghai dormitory, isa sa mga kinatawan ay natakot na natakot, kaya umalis siya bago ang simula ng pulong.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>