|
||||||||
|
||
Isang fun and relaxing way po ang panonood ng sine para makakuha ng kaalaman tungkol sa isang paksa. Sa kaso pong ito, silip kasaysayan po bansang Tsina. At sa mga kabataan isang epektibong paraan ito para ituro at ipaalala nila ang importansya ng kasaysayan.
Ngayon linggo, ito kasalukuyang ginaganap ang sesyong plenaryo ng 11th Chinese People's Political Consultative Conference o CPPCC at ng National People's Congress.
Ito ang huling pulong ng kasalukuyang pamahalaan. Mahalaga ang pulong na ito lalo pat magpapalit na ng lider ang Tsina sa susunod na taon.
Sa episode na ito, ibabahagi namin ang dalawa pelikula na makakatulong para maunawaan nyo ang kasaysayan ng Tsina.
Ito ang mga pelikulang "The Founding of a Republic" at "Beginning of the Great Revival"
Poster ng pelikulang "Beginning of the Great Revival"
Beginning of the Great Revival… Tungkol naman ito sa pagkakatatag ng Communist Party Of China. Sa pelikula mapapanood natin ang mga bayani ng lahi tulad nila Mao Zedong, Li Dazhao at Zhou Enlai. Sila ang mga personalidad na nanguna sa May Fourth Movement at nagsulong sa pagpapalaganap ng kuminismo sa bansa.
Sa kanan si Fan Bingbing, bilang reyna Long Yu sa pelikulang "Beginning of the Great Revival"; sa kaliwa ay ang tunay na reyna Long Yu
Si Liu Ye, bilang batang Mao sa pelikulang "Beginning of the Great Revival"
Si Mao at ang kanyang asawa sa pelikulang "Beginning of the Great Revival"
Mapapanood din natin sa pelikula ang naging papel ni Grigori Voitinsky , isang ruso na pumunta sa Tsina para sa adhikaing ito. Ipinakita din sa sine ang tagpo sa isang Shanghai dormitory kung saan itinatag ang CPC noong ika 22 ng Hulyo 1921.
Ang batang Mao Zedong noong 1925 sa Guangzhou
Sina Huang Jianxin at Han Sanping din ang director ng pelikula, at marami sa mga cast ng Founding of a Republic at muling napanood sa Beginning of the Great Revival.
Ang pelikulang ito ay itinuturing na kasama sa mga must see films noong 2011. Bukod sa importante ang nilalamang ng istorya maganda ang pagkakagawa ng pelikula. Ipinakita nito ang human side ng mga bayani, gaya ng love story ni Mao Zedong, eksanang bago ang pulong sa Shanghai dormitory, isa sa mga kinatawan ay natakot na natakot, kaya umalis siya bago ang simula ng pulong.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |