Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Gabi ng Musika ika-10 2012

(GMT+08:00) 2012-03-07 17:39:02       CRI

March 4, 2012 (Sunday)

Magandang-magandang gabi. Ito ang inyong loving DJ para sa Gabi ng Musika atbp.

Kumusta na? Okey lang ba kayo riyan? Kung okey kayo riyan, okey din kami rito; at kung wala kayo riyan, wala rin kami rito. Kayo ang lifeblood ng CRI at Serbisyo Filipino. Iyon yun, eh.

Pagdaraos ng taunang sesyon ng NPC

Maraming salamat sa lahat ng mga nagpadala ng mensaheng pambati para sa pagbubukas ng mga sesyon ng Pambansang Kongresong Bayan ng Tsina at ng Pulitikal na Konsultatibong Kapulungan ng mga Mamamayang Tsino, NPC at CPPCC.

Ang NPC, na siyang kataas-taasang organo ng kapangyarihan at lehislatura ng Tsina, ay magbubukas bukas. Pero ang CPPCC, na isang mahalagang organo ng multipartidong kooperasyon at konsultasyon na nasa ilalim ng pamumuno ng CPC, ay nagbukas na kahapon.

Mamaya, sa huling bahagi ng programang ito, babasahin ko ang ilan sa mga nabanggit kong mensaheng pambati. Samantala...

Sa tingin ba ninyo tutubo ang palay sa buhanginan? Bakit nga ba hindi? Dito sa Tsina, nakapagpatubo sila ng palay hindi naman talaga doon sa buhanginan kundi doon sa mabuhanging lupa. Ito ay nangyari sa parteng hilaga ng bansa kung saan ang tubig ay hindi kasing-dami ng sa timog.

Isang palayan sa Tsina

Matagumpay na nalinang ng mga siyentistang Tsino ang palay sa malawak ng mabuhanging lupa sa hilagang Tsina. Sa karaniwang ani ng palay bawat ektarya na umaabot sa mahigit 7,500 kilo, ang mabuhanging lupa ay naging lupang pansaka na may mataas na ani. Ang bagong teknik ng pagtatanim ng palay sa klase ng lupang ito ay nadebelop sa Lanzhou Institute of Desert Research sa Lalawigan ng Ganzu sa hilagang-kanlurang Tsina. Sinabi ni Liu Xinming, direktor ng suriang ito, na nagtanim sila ng palay sa mga 600 hektaryang mabuhanging lupa at ang teknik na ginamit nila aniya ay nagbigay ng isang bagong paraan para sa treatment ng mabuhanging lupa. Ayon sa kanya, una, inilatag nila ang isang manipis na layer ng plastic film sa isang takdang lalim para mapigil ang pagtagas ng tubig at pataba, at, pagkatapos, ginawa nilang mas produktibo ang lupa sa pamamagitan ng paggamit ng espesyal na pataba at espesyal na teknik ng irigasyon.

Salamat sa bagong teknik na ito, ang output aniya ng mabuhanging lupang ito na pinagpatungan ng plastic film ay dalawa o tatlong ulit ng sa tuyong lupang pansaka at mababa lamang ng 20 porsiyento sa mataas na aning pinatubigang lupang pansaka.

May malawak na mabuhanging lupa ang Tsina na ang mga disyerto at magiging disyerto ay malapit nang umabot sa 1.53 milyong kilometro kuwadrado o 16% ng kabuuang teritoryo ng bansa.

Kayo ay nakikinig sa himpilang China Radio International at sa programang Gabi ng Musika atbp. ng Serbisyo Filipino. Ito si Ramon Jr., ang inyong loving, ever loving DJ.

DISAPPEAR
(NAN QUAN MAMA)

Narinig ninyo ang Nan Quan Mama sa kanilang awiting "Disappear" na lifted sa album na pangalan ng grupo ang ginamit na pamagat.

Tunghayan naman natin ang e-mail ni Angie Leynes ng Bulacan, Bulacan. Sabi niya: "Magandang Gabi ng Musika," kuya Ramon. Kumusta kayo riyan sa Serbisyo Filipino? Hindi ko agad nasagot ang e-mail mo kasi marami akong pinagkaabalahan these days. Para sa akin, mahalaga ang naka-schedule na meeting ng NPC at CPPCC dahil iba na ang status ng China ngayon at anumang decision ang gawin ng Chinese Congress ay siguradong may impact sa ibang bansa. Binibisita ko rin ang inyong website kung gabi at nagugustuhan ko ang sari-sari ninyong blogs. Hello sa lahat ng mga bloggers niyo. Nami-miss ko na ang Cooking Show ninyo. Dati, regular itong napapakinggan sa radyo. Sana magbalik uli ito at maging regular na tulad noong dati. This is a real wholesome family program. Next time magpapadala ako ng mga reception reports para malaman niyo where you stand in your regular transmission. Sana basahin ninyo ang sulat na ito on the air. Mabuhay ang Serbisyo Filipino."

Thank you so much, Angie. Mukhang nawala ka yata sa sirkulasyon, ah. Ano ba ang nangyari? Welcome back.

Siguro, hindi na rin bago sa inyo ang balitang si Davy Jones, lead singer ng the Monkees, ay sumakabilang-buhay na noong Miyerkoles sa Florida, U. S. A. dahil sa atake sa puso. Siya ay 66 na taong-gulang.

Si Davy ay nagsimulang makilala noong 1966 nang ang Monkees television program ay maging paboritong programa ng televiewers sa iba't ibang panig ng mundo. Sa katotohanan, ang noon ay 21-taong-gulang na actor/singer ay isa nang showbiz veteran. Siya ay nagsimula bilang isang teen actor sa British television, at, pagkaraan, nagtanghal sa West End at Broadway casts ng musical na "Oliver."

Noong panahong iyon, ang beatles ay sikat na sikat at kinalolokohan ng mga kabataang lalaki at babae sa buong mundo. Nang makita ni Davy kung paano dumugan ng fans ang nasabing British group, biglang pumasok sa kanyang isip na gusto niyang maging pop star balang araw— at nagkatotoo naman pagkaraan ng dalawang taon.

Si Davy at ang Monkees ay nakabenta ng milyun-milyong records at kabilang sa kanilang hits ang mga awiting "I Wann Be Free," I'm a Believer," "A Little Bit Me, A Little Bit You," at "I'm Your Stepping Stone."

Si Davy ay maaalala ng kanyang fans bilang "first crush" at "teen heartthrob."

Ang programang ito ay kaisa ng lahat ng music fans sa pag-aalay ng dasal para kay Davy. May he rest in peace.

MISS YOU SO MUCH
(ZHOU BICHANG)

Zhou Bichang sa awiting "Miss You So Much" na hango sa collective album na pinamagatang "Super Girls' Voice."

Ngayon, narito iyong sinasabi ka kaninang mga mensaheng pambati para sa pagbubukas ng NPC at CPPCC.

Sabi ni Edith ng Taytay, Rizal: "Bago pa lamang po akong tagapakinig ng CRI. Gusto ko pong malaman ang hinggil sa National People's Congress, kaya tinututukan ko mga balita niyo."

Sabi naman ni Patricia ng Lungsod ng Kalookan: "Kumusta, Kuya Ramon? Welcome na welcome sa amin ang pagbubukas ng mga pulong ng NPC at CPPCC. Sa kasalukuyang panahon, mahalagang malaman namin ang mga bagay hinggil sa dalawang meetings."

Sabi naman ni Aileen ng V. Luna, Quezon City: "Salamat sa paalala niyo, Kuya Ramon. Naalala ko na may yearly meeting ang NPC at CPPCC. Lagi kong sinusundan mga balita niyo hinggil sa mga sessions nila."

Sabi ng San Andres Boys ng San Andres, Manila: "Mabuhay ang NPC at CPPCC! Kami ay mga lihim na tagahanga ng dalawang kapulungang ito!"

Sabi naman ni Edmund Navarro ng San Pedro, Laguna: "Kuya Ramon, narinig ko ang hinggil sa pagbubukas ng NPC at CPPCC. Ipinaaabot ko ang aking pagbati sa lahat ng mga representante."

Maraming-maraming salamat sa inyong mga mensaheng SMS.

At diyan sa puntong iyan nagtatapos ang edition sa araw na ito ng programang Gabi ng Musika atbp.

Para sa inyong mga reaction na may kinalaman sa programang ito o sa alinman sa mga programa ng Serbisyo Filipino, ang aming website ay filipino.cri.cn; ang e-mail, filipino_section@yahoo.com; ang facebook, crifilipinoservice@gmail.com; at ang telephone number, (Buddy Smart) 0921 257 2397.

Itong muli si Ramon Jr. Maraming-maraming salamat sa inyong walang-sawang pakikinig. God bless...

>> Pasok sa Blog ni Kuya Ramon

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>