|
||||||||
|
||
Noong nakaraang Huwebes, March 8 ipinagdiwang ang INTERNATIONAL WOMEN's DAY. Bilang pagpupugay sa mga kababaihan, itinampok naming ang pelikulang A SIMPLE LIFE. Marami sa mga Pilipino ang may mga yaya. At ang mga dakilang kasambahay ang syang kikilalanin namin ngayon Lunes sa Pelikulang Tsino Nood, Tayo.
Poster
Sa Pilipinas, marami nang mga sine ang tungkol sa mga yaya. Tulad ng EMIR, ANAK at YAYA ANGELINA. Tulad ng mga banggit na pelilkula, ang Simple Life ay nagpakita ng kwento ng isang yaya na naging katuwang ng magulang sa pagkalinga sa kanilang pamilya.
Poster
Naiiba ang kwento ng A SIMPLE LIFE dahil ipinakita nito ang espesyal na relasyon ng isang Yaya at ang kanyang alaga.
Matapos manilbihan ng 60 sa kanyang amo, ang bidang si Ah Tao ay dumako na sa dapit hapon ng kanyang buhay. Wala na ang liksi ng kabataan, at sa edad 70 mahina na ang katawan at may sakit.
Umikot ang istorya sa naging pagkalinga ng amo sa kanyang may karamdamang yaya.
Sina Ah Tao at Roger sa pelikula
ANG CAST
Gumanap bilang Ah Tao ang kilalang Hong Kong actress na si Deanie Ip.
Si Deanie Ip, bilang Ah Tao sa pelikula
Si Andy Lau naman ang bidang lalaki na gumanap bilang Roger, isang film producer kung saan naninilbihan si Ah Tao.
Si Andy Lau, bilang Roger sa pelikula
REAKSYON SA ACTING
Si Andy Lau at si Deanie Ip ay mga kilala, nirerespeto at pinagpipitagang mga artista sa Hong Kong. 23 taon ang lumipas bago sila nagsama ulit sa isang pelikula. Trivia, si Andy Lau ay inaanak sa tunay na buhay ni Deanie Ip.
Perfect and chemistry ng dalawang artista. Mararamdaman mo kahit hindi sila magkadugo o magkaano-ano, magkakilala naman sila buong buhay nila. Malalim ang ugnayan. Tunay ang pagkalinga. Itinuring na bahagi ng pamilya ang yaya at hindi lang isang empleyado. Hindi itinuring na isang hamak na yaya.
Nanalo ang dalawang bida ng mga acting awards dahil kanilang pag arte sa Simple Life.
Big winner ito sa Golden Horse Film Awards, nanalo ng Best Actress, Best Actor at Best Director. Maging sa Venice Film Festival, inuwi ni Deanie Ip ang Best Actress Award.
REAKSYON SA DIREKTOR.
Direktor na si Ann Hui
Si Ann Hui ang direktor ng pelikulang ito. Sya ay kilala sa kanyang galing lalo na sa paglalahad ng mga pelikulang tungkol sa pang araw araw na buhay. Ang Simple Life ay isang rich and heartwarming drama. Ayon sa isang review "it's a deeply moving story, handled with exquisite affection and grace."
Banayad and paglalahad ng mga dayalogo. Ramdam ang emosyon lalo na sa eksena sa ospital kung saan nagdesisyon si Ah Tao na titira sa isang nursing home.
May kurot sa puso ang tagpo kung saan dinala ni Roger ang matandang yaya bilang date sa movie premier ng pelikulang kanyang prinoduce. Wala na kasing pamilya si Roger sa Hong Kong, lahat nasa abroad na.
Poster
TUNGKOL SA MGA WRITERS
Ang writers ng pelikula ay sina Susan Chan at si Roger Lee.
Alam nyo bang ang istorya ay hango sa totong buhay ni Roger Lee at ang Yaya nya. Bagamat wala namang bagong anggulo ang istorya, sinalo ito ng magaling na acting nila Andy Lau at Deanie Ip. Dinagdagan pa ng pagka henyo ni Ann Hui kaya marami itong pinanalong mga awards.
RELEVANCE SA PILIPINAS AT HONG KONG
NOON Sa Pilipinas at maging sa Hong Kong talagang tumatagal ang paninilbihan ng isang kasambahay. Nagiging bahagi na sila ng pamilya at bahagi ng kultura na suksuklian ng amo ng pagkalinga ang yaya kapag iyo ay tumanda na.
PERO NGAYON madalang nang makakita ng yaya na may loyalty at handang ialay ang halos buong buhay para sa mga alaga. Bihira na ito AT SWERTE kung makaka hanap ka ng kasambahay na makakasundo at mamahalin ang mga bata na alaga.
Kung minsan sa inyong buhay ay may yaya kayong napamahal sa inyo tiyak magugustuhan at sapul sa puso ang pelikulang ito.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |