|
||||||||
|
||
Poster
Kadikit ng pangalang Feng Xiaogang ang mga katagang Hesui Pian o Chinese New Year's Celebration Films. Ito ay isang film genre na sinimulan ni Feng Xiaogang noong 1997, at taon taon mula noon inaabangan ang pagpapalabas ng kanyang mga comedy films tuwing sasapit ang Spring Festival.
Si Feng Xiaogang
Noong 2001 ipinalabas sa Tsina ang Big Shot's Funeral. Ito ang kauna unahang international project para sa direktor.
At gaya ng nauna niyang mga blockbusters, bida sa pelikula si Ge You bilang cameraman man na si Yoyo. Kasama din sina Rosamund Kwan bilang Lucy at Donald Sutherland bilang sikat na Hollywood director na si Tyler.
Si Donald Sutherland bilang sikat na Hollywood director na si Tyler sa pelikula
Tungkol saan ang pelikula? Ito ay tungkol kay TYLER, isang direktor na nawalan ng inspirasyon sa kanyang ginagawang pelikula. Lalo syang na-depress dahil sa maling palakad ng kanyang mga producers. Ito ay na kumikikitil sa kanyang pagkamalikhain. Dahil sa sama ng loob nagka stroke ang direktor at bilang huling habilin bago na-coma, hiling ni TYLER kay YOYO na bigyan sya ng isang COMEDY FUNERAL. At dito na nagsimula ang katatawanan.
Si Rosamund Kwan
Ang Big Shot's Funeral ay isang "satire" na pumupuna sa kababawan at kawalan ng paggalang sa sining ng Hollywood. Sa pelikula nagtatalo ang ng direktor at ang producer dahil paniwala ng direktor walang saysay ang pelikulang kanilang ginagawa. Para naman sa producer, ang kikitain ng pelikula ang pinakamalaga.
Isang tagpo sa pelikula
Kabilang din Feng Xiaogang sa mga screenwriters ng pelikula. At hindi nakaligtas sa batikang manunulat at direktor ang kaganapan sa lipunang Tsino. Bilang social satire, ipinakita sa pelikula ang komersyalismo at ang kapangyarihan ng advertising.
Ito ang naging pokus sa bahagi kung saan dinumog ng advertisers ang planong live telecast ng burol at libing ni Tyler.
May eksena dito kung saan pinagpilitan ng isang manufacturer na bigyan sya ng airtime para mailabas ang produkto nyang imitation ng isang sikat na brand ng mineral water.
May linya sa pelikula na … sa tulong ng advertising ang isang imitation ay magiging sing-sikat din ng orihinal na produkto.
May bahagi din sa pelikula kung saan ipinakita ang paninindigan kontra piracy… at syempre nakakatawa ang paglalahad nito.
Si Ge You ang nagdala ng katatawanan sa pelikula kasama si Ying Da na gumanap bilang events producer. Tatak na nya ang straight faced comedy kaya marami ang hanga sa kanya.
Si Ge You
Hindi slapstick ang uri ng komedi sa pelikula. Hindi rin kailangang maging over-acting. Di maiiwasan at mapapangiti ang isang manonood dahil sa absurdity ng sitwasyon. At ang mga punchlines ay binibitiwan sa tamang sandali.
Multi-lingual ang pelikula. At hindi asiwa kung nagpapalit sila ng dialogo mula Mandarin sa Ingles.
Sa mga eksena nila Donald Sutherland at Ge You, napaka komportable nila. At sa mga seryosong tagpo, makikita ang sinseridad maging ang lungkot sa mga mata ni Donald Sutherland. Patunay lamang ito na siya ay isa sya sa mga magagaling at beteranong actor sa Hollywood.
Sa kabuuan ang Big Shot's Funeral ay isang east meets west na pelikula na magpapagaan ng inyong kalooban at hindi nito sasayangin ang oras na ilalaan sa pelikula.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |