Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

A WORLD WITHOUT THIEVES

(GMT+08:00) 2012-03-26 21:27:17       CRI

Poster ng pelikula

Possible ba na walang magnanakaw sa mundong ginagalawan natin?

Pwede pa bang magbagong buhay ang isang magnanakaw?

May kakayanan bang magpakita ng kabutihan ng kalooban ang isang halang ang kaluluwa?

Tungkol sa mga tanong na ito ang A WORLD WITHOUT THIEVES.

Ang pelikula ay likha ni FENG XIAOGANG. At ang cast ay kinabibilangan nila Andy Lau, Rene Liu, Ge You at Li Bingbing

Direktor ng pelikula na si Feng Xiaogang

Ang A World Without Thieves ay tungkol sa 2 con-artists. Manloloko at magnanakaw sina Wang Bo na ginagampanan ni Andy Lau at Wang Li papel ni Rene Liu.

Sina Andy Lau at Rene Liu sa pelikula

Kaso nagsawa na sa pangga-gantso si Wang Li at gusto na nyang magbagong buhay. Hindi madaling talikuran ang kanilang "lucrative life of crime." Para itong classic Bonnie and Clyde na pelikula. Pero naiba ang takbo ng kwento dahil sa Buddhism undertones nito.

Si Andy Lau, bilang Wang Bo sa pelikula

Si Rene Liu, bilang Wang Li sa pelikula

Naging sentro ng kwento si Sha Gen, isang trabahador na nakaipon ng malaking halaga ng pera at balak nang bamalik sa mainland. Daladala nya ang pera habang nagbyabyahe sa tren. Si Sha Gen ay may pagka engot. Simple ang pananaw sa buhay at may pagka inosente. Naniniwala sya na kung ang mga lobo o wolves ay hindi sya nilapa, mga tao pa kaya. May linya sa pelikula na "People cant be worse than wolves." Idealistic at naniniwala syang walang magnanakaw sa mundo. Medyo hindi kapani-paniwala ano? Pero dahil sa walang kamuang muang na si Sha Gen, lalo pang naging maigting ang kagustuhan ni Wang Li na magbago.

Si Wang Baoqiang, bilang Shan Gen sa pelikula

Naging setting ng pelikula ang tren na bumabyahe mula Gansu, malapit sa Tibet, papuntang Mainland. Sa ganitong mga byahe, marami ang mga mandurukot at magnanakaw. Dito na pumasok ang gangster na si Uncle Lee o ginampanan ni Ge You at ang kanyang mga alipores kasama si Xiao Ye, papel ni Li Bingbing.

Si Ge You, bilang Uncle Lee sa pelikula

Si Li Bingbing, bilang Xiao Ye sa pelikula

Nakakatuwa na ginamit sa dialogo ng pelikula ang mga kataga tulad ng "wolf" para sa mga magnanakaw. "Lamb" para sa inosenteng biktima. "Hunt o poach" kapag isasagawa ang pagnanakaw. At ang tren nagmukhang isang koral na puno ng mga walang malay na biktima.

Kawatan kontra kawatan. Pabilisan ng kamay. Pagalingan sa panlalansi. Andy Lau versus Ge You. Action, drama at comedy pinagsama-sama. Kakaiba ang mga fight scenes gamit ang blade o labaha. May isang eksena si Andy Lau at Li Bingbing na para silang nagsasayaw… fight scene na pala.

Nung simula ng pelikula kapansin pansin ang weird na buhok ni Andy Lau. Nakaka distract dahil pogi ang actor pero may dahilan pala ito at importante sa pelikula. Natanggal ang wig sa punto na nagbago si Wang Bo ng kalooban. Kung noong simula ng pelikula ay gusto nyang nakawan si Sha Gen, sa bandang gitna ng sine ay naging tagapag tanggol na siya nito dahil sa matinding banta ng grupo ni Uncle Lee.

New look… new outlook in life. Si Ge You, magaling din ang pagganap bilang kontra bida. Ramdam at walang duda na maitim ang kanyang budhi.

Nalikha ni Direk Feng Xiaogeng ang tinatawag na onscreen tension ng dalawang karakter.

2 oras ang pelikula. May mga tagpo na medyo predictable. May ilang eksena din na hindi na dapat nilagyan ng visual effects. Pero dahil magaling si Feng Xiaogang pwede nang palampasin ang mga ito. Akma ang pagpili sa Gansu bilang tagpo ng pelikula at nakapa ganda ng mga tanawin dito.

Makatotohanan ang pagganap ng mga artista lalo na si Andy Lau at Ge You. Kahit di masyadong markado ang papel ni Li Bingbing, di naman malilimutan ang seksing mga eksena nito. At ang pag arte naman ni Rene Liu ay makakakuha ng simpatya sa mga manonood.

Sa pelikulang A World Without Thieves, medyo nabago ang style ng He sui pian ni Feng Xiaogang- dahil may namatay. Ito ang kauna-unahang beses na namatay ang bida sa He sui pian ni Feng. Sa Big shot's funeral, wala namang totoong namatay kahit tungkol sa lamay at libing ang pelikula - fake death na comedy. Pero, dito sa A World Without Thieves, medyo malungkot. Lalung lalo na sa ending, napakalungkot, simple but fine and delicate ang acting ni Rene Liu, nag-iwan ng isang naka-aantig na ending. Mahusay ang pag-arte ni Rene Liu

Ang storya ay hango sa nobela ni Zhao Benfu… at ang A World Without Thieves ay nanalo sa 2005 Golden Horse Awards ng Best Screenplay Adaptation para kay Feng Xiaogang, Wang Gang, Lin Lisheng at Zhang Jialu.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>