|
||||||||
|
||
Poster ng Pelikula
LOVE IN DISGUISE ang directorial debut ni Leehom Wang at ito ang record holder bilang highest grossing film para sa isang first-time director sa kasaysayan ng Tsina dahil kumita ang pelikula ng higit 60 million RMB.
SINO SI LEEHOM WANG
Kilalang singer, composer, producer, actor at director Si Leehom Wang. Sya ang Pioneer ng chink-out musical style – paghalo ang musika ng Beijing opera, mga awitin ng ethnic minorities, Chinese classical orchestra sa hip-hop, rap and R&B.
Nagsimula ng kanyang career noong 1995 at naglabas na sya ng 25 albums. Sya ay nanalo na ng ilang beses sa Taiwan's Golden Melody Awards, ang "Grammys" ng Taiwanese music.
Bilang actor nakita ang husay ni Leehom Wang sa pag arte sa pelikulang Lust Caution ni Ang Lee.
ANG KWENTO
Ang LOVE IN DISGUISE ay tungkol sa isang singer na si Du Ming Han o DMH. Nasa kanya na ang lahat, kasikatan at yaman. Pero sa kabila nito may kulang pa rin sa buhay nya: tunay na pag ibig. Sa di inaasahang pangyayari nakita ni DMH ang kanyang musical soulmate, isang ordinaryong estudyante ng classical Chinese Music. Pero ito ay may pagtinging na sa iba. Nalihis ang rich boy-poor girl na tema at naituon ito sa magkaibang mundo na ginagalawan ng isang sikat na singer at isang simpleng na music major. Pero sila'y pinag lapit ng talento at sining.
ANG PELIKULA
Ang mga bida sa pelikula ay sina
• Leehom Wang as Du Minghan
• Liu Yifei as Song Xiaoqing
• Joan Chen as Joan
• Zeng Yike as Xiaotao
• Qiao Zhenyu as Mu Fan
Magaling ang cast ng LOVE IN DISGUISE dahil kaya nila ang komedi. Katawa tawa ang pagganap nila Leehom Wang, Joan Chen at Yico Zeng. Nakatulong ang paggamit ng special effects sa paglalahad ng alamat tungkol sa dalawang manunugtog na pinagbuklod ng kanilang musika. Typical na romantic comedy ang pelikula. Walang surpresa sa paksa. Pero sa anong aspeto ito naiba? Ang paglalahok ng musika. Hindi lang pangkaraniwang musika dahil ito'y pop music na hinaluan ng tradisyunal na tunog ng orchestrang Tsino. At dahil si Leehom Wang ang bida di pwedeng mawala ang mga awiting aantig sa inyong mga damdamin.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |