|
||||||||
|
||
LOST ON JOURNEY. Tungkol ito sa isang mayamang negosyante na nagbyahe kasama ang isang probinsyanong manggagawa sa bakahan. Nataon ang kanilang paglalakbay sa Chinese New Year. At dahil ito ang pinaka importanteng festival sa mga Tsino, dagsa ang bumabyahe pauwi sa mga lalawigan. Papunta sila ng Changsha pero sa kasamaang palad ay madaming silang napagdaang kamalasan. At dito nagsimula ang katatawanan sa pelikula.
Poster ng pelikula
Ang mga bida ng pelikula ay sina Wang Baoqiang (Blind Shaft 2003, A World Without Thieves 2004). At si Xu Zheng (Crazy Stone 2006 at One Night in Supermarket 2009). Ang Director ng Lost on Journey ay si Raymund Yip at ang scriptwriter naman ay si Liu Yiwei.
Dahil kwento ng paglalakbay, di nakapagtataka na halos lahat ng uri ng transportasyon ay ipinakita sa pelikula. At ang mga byaheng ito ay tila may kakambal na kamalasan.
Pwedeng ipang tapat kina Vic Sotto at Jose Manalo sina Xu Zheng at Wang Baoqiang. Nagtitimpi ang mayamang si Li Chenggong, (papel ni Xu) sa kakulitan ng probinsyanong si Niu Geng (papel ni Wang). Pero nabuksan ang isipan ng supladong si Xu sa mga simpleng pananaw sa buhay ni Niu Geng. Perfect ang chemistry ng dalawang artista kaya naman kawili-wili ang pelikula.
Si Wang Baoqiang, bilang Niu Geng sa Pelikula
Xi Xu Zheng, bilang Li Chenggong sa pelikula
May isang eksena ang pelikula na tungkol sa isang pulubi. Magkaiba ng pananaw ang dalawang bida, naaawa si Niu Geng sa namamalimos na babae. Samantalang si Li Chenggong ay hindi madaling napapaniwala at di agad nag-aayuda.
Dahil stranded magkasamang ipinagdiwang ng dalawa ang Chinese New Year, at dito naging magkaibigan na ang mga bida. Sa eksenang ito, napagtanto ni Li Chenggong kung saan sya nagkulang at kung bakit bigo sya sa maraming aspeto ng kanyang buhay.
Sina Xu Zheng at Wang Baoqiang sa pelikula
Nagtapos ang pelikula sa isang eksena na patunay sa pagbabago ni Li Chenggong. Dahil kahit maraming palpak ang kanyang roadtrip, maraming natutunan ang bida sa kanyang naging paglalakbay. Nahanap nya ang tunay na sarili habang nagkaligaw-ligaw ang kanyang byahe.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |