|
||||||||
|
||
TINIYAK ni Presidential Adviser on the Peace Process Teresita Quintos-Deles na ginagawa ng pamahalaan ang lahat upang matamo ang kapayapaan sa buong Pilipinas.
Sa kanyang talumpating binasa ni Assistant Secretary Rose Romero sa "RMM Peace Communications Summit" sa Cotabato City, sinabi niya na nagpatuloy na ang peace negotiation sa Moro Islamic Liberation Front noon pa mang Pebrero ng taong 2011 sa Kuala Lumpur sa ika-20 formal exploratory meeting. Sa pulong na iyon, isinumite ng Moro Islamic Liberation Front Panel sa Government of the Philippines ang kanbilang panibagong panukala na pinamagatang "Revised Comprehensive Compact."
Wala na umanong kahilingang maging independent state o humiwalay mula sa Republika ng Pilipinas at ipinanukala na lamang nila pagkilala sa Bangsamoro identity samantalang napapanatili nila ang Filipino citizenship.
Naisumuite na rin ng Pilipinas ang "three for one formula" na siyang lulutas sa problema ng mga Bangsamoro. Iniaalok ng pamahalaan ang pakikipagtulungan sa pamamagitan ng Joint Coordinating Committee on Development na kikilala at magpapatupad ng socio-economic projects na tutugon sa development plan ng rehiyon.
Maliwanag na ang paghahanap ng kapayapaang pangmatagalan ay hindi matatamo sa pamamagitan ng negosasyon sapagkat malaki ang kaibhan nito sa ibang mga usapin. Bagaman, umasa siyang darating din ang kapayapaan sa mga susunod na panahon kahit pa ang isang mahalagang usapin ay ang lupain na nilalaman na ng isang peace agreement ng pamahalaan, at ito ay ang kasunduan sa Moro National Liberation Front.
Sa panig naman ng pakikipag-usap sa Communist Part of the Philippines, National Democratic Front at New People's Army, sinabi ni Kalihim Deles na nagsimulang muli ang pag-uusap matapos ang pitong taong "impasse." Kabilang sa mga pag-uusapan ay ang socio, political, economic and electoral reforms. Kabilang din sa paksa ang pagbabago sa saligang batas at pagwawakas sa mga labanan at patutunguhan ng mga tauhan nito.
Embahada ng Pilipinas sa London, binalaan ang mga Pilipino laban sa gawain ng mga sindikato
NANAWAGAN ang Embahada ng Pilipinas sa London sa mga Pilipinong na sa iba't ibang bahagi ng daigdig na maging maingat laban sa isang grupo ng mga 'di pa nakikilalang mga tao o grupo na sangkot sa isang "telephone scam" na nangingilap ng salapi mula sa mga kamag-anak ng mga Pilipinong na nagtatrabaho o naninirahan sa United Kingdom.
Tumatawag ang mga sindikato sa mga magulang o kamag-anak at nagsasabing nabiktima ng isang malubhang sakuna o nakulong ang kanilang mahal sa buhay. Nagpapakilala umano ang mga sindikato na kawani ng Philippine Embassy sa London. Humihingi umano ng salapi ang mga ito upang madali ang pagpapalabas sa pagamutan o sa piitan at mamadaliin ang pagpapauwi sa Pilipinas.
Niliwanag ng Kagawaran ng Ugnayang Panglabas at ang mga embahada at konsulado sa buong daigdig na tumutulong sila sa mga Pilipino nang walang anumang gastos sa mga kamag-anak sa Pilipinas. Kung mayroong mga tumatawag sa mga kamag-anak mula sa embahada ito ay upang magbigay ng updates at hindi kailanman humingi ng salapi.
Kung magkakaroon umano ng mga kaduda-dudang tawag mula umano sa Kagawaran ng Ugnayang Panglabas, embahada o konsulado, mas makabubuting tumawag sa pinakamalapit na embahada o konsulado o sa Office of Intelligence and Security sa telepono bilang +632 8318921 o sa email address na ois@dfa.gov.ph.
Pilipinas, hindi pa umano umaalis sa Huangyan Island
SINABI ni Ginoong Zha Huang, ang Political Officer at Tagapagsalita ng Embahada ng Tsina sa Maynila na naniniwala ang kanyang bansang matapat lamang manatiling payapa at maayos ang kalagayan ng Huangyan Island na kilala sa pangalang Scarborough Shoal sa Pilipinas.
Bagama't may 'di pagkakaunawaan ang Tsina at Pilipinas sa Huangyan Island, nagpahayag ang magkabilang panig na huwag na munang gagawa ng kung anong makakapagpainit sa situwasyon.
Mula ng maganap ang insidente, pinanatili ng Tsina ang pakikipag-usap sa mga opisyal na Pilipino, kabilang na si Kalihim Albert F. del Rosario at kinatawan ng Pilipinas sa Beijing. Nagkasundo na umano ang magkabilang panig na idaan sa diplomasya ang paglutas sa problema.
Umalis na umano ang mga bangkang pangisda ng Tsina upang maibsan ang tensiyon doon.
Ikinalungkot ni Ginoong Zha na hindi pa umano umaalis ang mga barko ng Hukbong Dagat ng Pilipinas at Philippine Coast Guard hanggang kahapon ng hapon.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |