|
||||||||
|
||
Magandang magandang gabi po mga kaberks. Naririto na naman po si Rhio, ang guwapong Tarlakenyo, para sa isa na namang episode ng programang Dito lang 'Yan sa Tsina.
Mga kaberks, dito sa Beijing ay papasok na po ang summer o tag-init, at opisyal namang nasa kalagitnaan ng tag-init ang Pilipinas. Siguradong marami sa atin ang gustong magpunta o nagpunta na sa mga beach; diyan sa Bora, Palawan, Bohol, Batangas, La Union, at Pangasinan, o di kaya, ay gustong magtungo sa malalamig na lugar na gaya ng Baguio, Ifugao, o Sagada.
Iyon namang iba, pinipili ang magpunta sa ibang bansa para mag relaks o magbakasyon. Kung ano man ang trip ninyo ngayong tag-init, siguradong may kasamang biyahe diyan.
Kasunod ng mabilis na pag-unlad ng Tsina sa ibat-ibang larangan, ang mabilis din na paghahangad ng mga Tsino na makita ang mundo, at makapamasyal sa ibat-ibang lugar. Katulad din ng mga Pilipino, ang mga Tsino rin ay mahilig mamasyal at tumuklas ng ibat-ibang bagay. Kaya naman, ang mga Tsino ay nakakarating sa ibat-ibang dako ng daigdig.
Ayon sa National Tourism Authority (NTA) ng Tsina, ang mainland ng Tsina ay nakatakdang maging pinakamalaking pinanggagalingan ng cross-border tourism sa mundo.
Ayon pa rito, ang mga turistang mula sa mainland ay nakagawa ng 70 milyong biyahe sa ibang bansa noong 2011, kasama na diyan ang Hong Kong, Macau, at Taiwan, mas malaki ng 22 porisyento kumpara sa tala noong 2010. Ito ay mas mataas ng 1.2 beses kaysa sa mga turistang nagmumula sa USA, at 3.5 beses naman kaysa sa mga turista mula sa Hapon, at inaasahang aabot sa 78 milyon ang biyaheng gagawin ng mga turista mula sa mainland sa taong ito.
Ang unang dahilan ay, mahilig talagang magbiyahe ang mga Tsino, mahilig silang mamasyal at magrelaks. Ito ay isang katangian na pareho sa mga Pilipino. Ang pangalawang dahilan ay ang patuloy na pagganda ng ekonomiya ng Tsina. Kasabay ng pag-angat ng ekonomiya ng Tsina, ang pagganda rin ng pamumuhay ng mga Tsino.
Sa kasalukuyan, karamihan sa mga Tsino ay may sapat na kita, at patuloy din ang paglakas ng Reminbi kontra sa Dolyar. Ang ibig sabihin nito, mas malakas ngayon ang buying power ng Reminbi.
Kaya, mas maraming mabibili at makakapgabiyahe na ang karamihan sa mga Tsino.
Malayo na ang narating ng Tsina pagdating sa mga aspektong ito, lalo na kung ikukumpara ang situwasyon ngayon, sa situwasyon 3 dekada ang nakakalipas.
Ilang taon lang ang pagitan at talagang napakalaki na ang naging pag-unlad ng Tsina. Bagay, namang dapat pamarisan ng lahat ng bansa sa Asya at buong mundo.
Narito ang aming programa ukol dito. Sana ay magustuhan ninyo!
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |