|
||||||||
|
||
Mga fans ni Jackie Chan, handa na ba kayo? Kasi ang pelikula tampok namin ngayong linggo ay pinagbibidahan niya at ito'y pinamagatang - Little Big Soldier.
Poster ng pelikula
KWENTO
Panahon ng Warring States sa China. Ang mga mandirigma ng Liang at Wei ay nagsagupaan. Matapos ang labanan, dalawa lang ang nabuhay isang foot soldier mula sa Liang (Jackie Chan) at isang Heneral ng tropang Wei (Leehom Wang).
Si Jackie Chan, bilang old soldier sa pelikula
Si Leehom Wang, bilang heneral sa pelikula
Wais ang kawal dahil nagpapanggap siyang may tama, dahil sa baluti o armor na may nakatarak na pekeng pana. Naging bihag ng kawal ang heneral, at balak niyang dalhin ito sa Liang at kolektahin ang pabuya na gagamitin nya para magbagong buhay. Syempre hindi tahimik na sasama ang heneral. Ito ay tiyak na papalag.
Sa kanilang paglalakbay madami silang naka-enkwentro na bandido. Pilit din nilang tinatakasan ang isang tropa ng mga Kawal na Wei na gusting dakpin ang Heneral. Sa gitna ng mga kaganapang ito, nagkahiwalay at muling nagtagpo ng landas ang dalawang bida. Napilitan silang maging magka-kampi para makaligtas at nagsimula na silang naging magkaibigan.
CAST
Ang mga bida ay sina Jackie Chan bilang Old Soldier at si Leehom Wang bilang General. Kasama din sina Lin Peng, Steve Yoo Sung-Jun, Du Yuming, Ken Lo Wai-Kwong, Yu Rong-Guang, Wang Baoqiang, Xu Dongmei, Wu Yue at Song Jin.
Ang direktor ng pelikula ay si Ding Sheng at ang storya ay mula kay Jackie Chan.
Komento kay Jackie Chan:
Pag sinabing Jackie Chan, may sarili syang istilo ng action. At may sariling tatak ng komedi. Sa Little Big Soldier, kulang ang martial arts, wala na ang mga death defying stunts na kinasanayan ng fans. Kapalit nito ang physical slapstick gamit ang bato, sanga at kawayan. Dahil mahirap kumawala sa nakasanayan na pagganap ni Jackie Chan, maninibago tiyak ang manonood. Pero dapat din nating isipin na 56 yrs old na sya at hindi na nya kaya ang mga dati nyang ginagawang action scenes. Sa buong pelikula sya lang ang tanging nagpapatawa. At ito ay sapat at nakatulong sa paglalahad ng istorya. Batay sa kanyang expressions, mannerisms pati ang reaction shots… comic talaga.
Sina Jackie Chan at Leehom Wang sa pelikula
Ano ba ang karakter ng Old Soldier? Tuso. Deserter dahil imbes na lumalaban, nagpapatay-patayan. Ayaw nya ng digmaan. Gusto nyang magkaroon ng lupang sasakahin at tahimik na buhay,
Sa kabila ng pagiging tuso, ipinakita din ang positibong ugali ng Old Soldier. Mahilig syang kumanta tungkol sa kanyang bayan. At madalas nyang ibinabahagi ang mga ipinayo ng kanyang ama.
Ayon sa mga kritiko, ito ang isa sa pinaka magandang pelikula ni Jackie Chan, dahil mula ng nagka career sa Hollywood medyo komersyal ang mga pelikula nya.
Komento tungkol sa Kapwa-bida
Ang Little Big Soldier ay isang pelikula tungkol sa digmaan pero higit dito, ito ay tungkol sa paghahangad ng kapayapaan, pagkakaroon ang pag-asa at ang paggawa ng tama.
Nakakabilib ang on-screen chemistry ni Leehom Wang at Jackie Chan. Magugustuhan ang kanilang karakter dahil sila ay kagiliw-giliw. Nakakatuwa ang pagiging suplado ng Heneral na unti-unting nagbago habang mas nakikilala na nila ang isa't-isa. Hindi sinapawan ni Leehom Wang si Jackie Chan.
Lokasyon ng Pelikula
Maraming mga eksena ang kinunan sa Yunan, China. Nakakamangha ang lokasyon lalo na ang kabundukan at matarik na dalisdis. Maganda ang talon at maging ang mga kweba.
Pati ang costume design ay makatotohanan at nakakabilib din.
Isang lugar sa Yunnan kung saan kinunan ang pelikula
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |