Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pasulong ang relasyon ng Pilipinas at America

(GMT+08:00) 2012-05-01 20:58:05       CRI

PASULONG ANG RELASYON NG PILIPINAS AT AMERICA

PATULOY na tumitibay ang alyansa ng Pilipinas at Estados Unidos na nagpapakita lamang ng malalim at matagalang pagkakaibigan ng dalawang bansa na nasubok na sa pagsasakripisyo at pinag-isang layunin.

Naklita na umano ang pagkakaibigan ng dalawang bansa may 70 taon na ang nakalilipas sa Bataan at Corregidor at sa nilagdaang Mutual Defense Treaty noong 1951, nagkaisa umano ang dalawang bansa upang hadlangan ang pagkalat ng Komunismo.

Ngayon, ayon sa kanilang Joint Statement ng magkabilang panig, nagkakaisa rin ang mga Filipino at Amerikano sa mga layunin at kabilang na rito ang pagpapahalaga sa demokrasya at paggalang sa batas at pagbuo ng isang matipunong pagkakalakal at lumalalim na relasyon ng mga mamamayan.

Ang alyansang ito ay nagiging sandigan ng kapayapaan, kaayusan at pag-unlad ng Asia Pacific Region. Pinagtitibay ng magkabilang panig ang Manila Declaration na nilagdaan noong nakalipas na Nobyembre 2011 at nakatitiyak na matibay ang relasyon ng dalawang bansa at handang harapin ang pandaigdigan at pangrehiyong hamon.

Layunin ng dalawang bansa na isulong ang kapayapaan, seguridad at kaunlaran ng Asia-Pacific, suportahan ang kooperasyon sa loob ng ASEAN, ASEAN Regional Forum, ASEAN Defense Ministers' Meeting-Plus, ang Asia Pacific Economic Cooperation at ang East Asia Summit.

Pinahahalagahan ng magkabilang panig ang pinag-isang interes sa pagpapanatili ng "freedom of navigation, umimpeded lawful commerce", at ang paglalakbay ng mga mamamayan at pagsunod sa "rules-based approach" sa paglutas sa tali-taliwas na pagmamay-ari ng mga bahagi ng karagatan sa pamamagitan ng pagtutulungan, mapayapa at ultilateral and diplomatic processes ayon sa International Law, kabilang na ang nilalaman na United Nations Conventions on the Law of the Sea.

Kabilang sa kanilang napagkasunduan ang pagpapatuloy ng kooperasyon at "force inter-operability" sa larangan ng humanitarian assistance, disaster relief, at maritime security kabilang na ang may 20 pagsasanay sa ilalim ng Balikatan exercises. Nangako rin ang Pilipinas na magpapadala ng halos 1000 mga kawal, pulis at mga sibilyan sa United Nations Peacekeeping missions taun-taon.

Noong 2011, umabot sa may 100 US ship visits sa Pilipinas. Ang US Naval Ship Mercy ang maglilingkod sa Samar, Basilan at Sulu at makikipagtulungan sa mga dalubhasa sa Pilipinas tulad ng mga kawal upang magtayo at mag-ayos ng mga silid-aralan at mga health center sa darating na buwan ng Hunyo.

MGA APLIKANTE, HINDI DAPAT MABAHALA

ANG mga lumahok sa 51 Labor Day Jobs and Livelihood Fairs sa buong bansa ay hindi dapat mabahala na hindi sila natanggap ngayong araw na ito sapagkat tuloy pa rin ang pagpoproseso ng mga papeles ng mga aplikante.

Ito ang sinabi ni Kalihim Rosalinda Dimapilis Baldoz sa mga aplikante sapagkat ang mga employer ay maaaring may iba't ibang proseso bago kumuha ng mga manggagawa.

Isang malaking hamon para sa mga employer na pumili ng kanilang mga kawani at maaaring mangailangan ng panahon upang pagbalik-aralan ang mga papeles at iba pang mga credentials at makapanayam ang mga napipiling mga aplikante.

Kailangan umano ng hinahon sapagkat maraming hanapbuhay na naghihintay para sa mga kwalipikadong aplikante. Magpapatuloy ang processing at hiring kahit tapos na ang job fair, dagdag pa ni Kalihim Baldoz.

SIMBAHAN, NAGPAPASALAMAT SA MGA MANGGAGAWA

PINURI ni Arsobispo Luis Antonio Gokim Tagle ang mga manggagawa sa pagdiriwang ng International Labor Day. Sa kanyang homiliya sa Misang isinagawa sa Basilica Minore ng Itim na Nazareno sa Quipo, sinabi ng arsobispo na karapat-dapat lamang pasalamatan ang mga manggagawa. Nagmamalasakit din, aniya ang Simbahan para sa kapakanan ng mga manggagawa at sa pamamagitan ng mga turong panglipunan sa paggawa ay naitataguyod ang wasto, makatarungan at makataong patakaran sa daigdig ng paggawa.

May kaugnayan ang paggawa sa pananampalataya sapagkat ipinagkatiwala ng Diyos sa tao ang pangangasiwa sa daigdig. Kinikilala sa Diyos ang tao bilang mga katiwala sa pamamagitan ng marangal na paggawa.

Isang karapatan din ang paggagawa at isang paraan upang ipahayag at alagaan ang dangal ng tao. Ang pagtatrabaho ay siyang nakapagtataguyod ng pamilya at upang maklatulong sa pangkalahatang ikabubuti ng lipunan. Ang kakulangan ng hanapbuhay au maituturing na "panlipunang kalamidad" sapagkat tungkulin ng pamahalaan at lahat ng taong may malasakit na itaguyod ng wasto at tama ang paggawa ng mga mamamayan.

Tungkulin din ng tao ang paggawa upang makatulong sa pamilya at lipunan. Sa pamamagitan ng paggawa, nakikibahagi ang tao sa pag-ukit ng magandang kinabukasan para sa bayan at kalikasan.

Binigyang-diin ni Arsobispo Tagle na mas mahalaga ang tao kaysa kapital at tubo. Aniya ang tao ang pinakamahalagang bahagi ng isang kalakal o produksyon. Hindi kailanman nararapat pagsamantalahan ang mga manggagawa, dagdag pa ng Arsobispo ng Maynila.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>