Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Lust, Caution

(GMT+08:00) 2012-05-01 22:20:01       CRI

Hango sa kwento ni Eileen Chang ang pelikulang LUST, CAUTION. Panahon noon ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, at ang Shanghai ay sinakop ng mga Hapon. Isang grupo ng mga estudyante na kabilang sa drama society ang nagtatanghal ng mga dulang makabayan. Paglaon, ang ang grupo ay naging bahagi ng mga rebolusyonaryo at sila ay naatasan para isagawa ang isang misyon para mag-espiya sa isang Japanese collaborator. Para din silang umaarte sa isang dula, nagkaroon sila ng mga bagong identidad, at gumalaw sa lipunang di kilala ang kalaban at tunay na kakampi. Mapanganib at sa isang iglap maaring magbuwis ang mga kabataan ng kanilang buhay.

Si Eileen Chang, manunulat ng kuwentong Lust, Caution

Naging pain si Wong Chia Chi (Tang Wei) at ang plano ay magpanggap sya bilang Mrs. Mak. Kinaibigan nya si Mrs. Yee (Joan Chen) at dapat ay akitin nya si Mr Yee (Tony Leung). Kapag nahulog na sa kanilang bitag ang Japanese collaborator ng si Mr. Yee isasagawa na nila sa pangunguna ng kanilang lider na si Kuang Yu Min (Leehom Wang) ang pagpaslang dito.

Poster ng Pelikula

Si Ang Lee ang direktor ng Lust, Caution. Sya ay isang highly acclaimed at multi- awarded Director na kilala sa pelikulang Crouching Tiger, Hidden Dragon, Brokeback Mountain at marami pang mga mega hit movies. Kabilang si Ang Lee sa A-List ng Hollywood directors.

Si Ang Lee, Direktor ng pelikula

Si Tony Leung, bilang Mr Yee sa pelikula

Si Tang Wei, bilang Wong Chia Chi sa pelikula

Si Leehom Wang, bilang Kuang Yu Min sa pelikula

Kabilang sa mga pinanalunang awards ng Lust Caution ay ang Golden Lion Award for Best Picture sa 2007 Venice International Film Festival. Nanalo din ito ng 7 awards sa 44th Golden Horse Awards at ang mga ito ay : Best Film, Best Director, Best Actor, Best Screenplay Adaptation, Best Score, Best Makeup and Costume Design, Best New Performer at ang pagkilala kay Ang Lee bilang Outstanding filmmaker of the Year in Taiwan.

Sina Tang Wei at Leehom Wang sa pelikula

Sina Tang Wei at Tony Leung sa pelikula

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>