|
||||||||
|
||
SINABI ni Pangalawang Pangulong Jejomar C. Binay na sa pagpapatuloy ng palatuntunan sa mas magandang pagpapatakbo ng pamahalaan at pakikipagtulungan sa iba't ibang sektor, nakatitiyak ang madla na mas maganda ang magiging kinabukasan.
Sa kanyang talumpati sa pagpapasinaya ng Philippine Corporate and Investment Pavillion sa SMX Convention Center, sinabi ni Ginoong Bionay na sa ilalim ng liderato ni Pangulong Benigno Simeon S. Aquino III, nakatitiyak ang lahat na magpapatuloy na ang kaunlaran.
Nakita na umano ng Transparency International, World Economic Forum at US Department of State ang progesong natamo ng bansa. Nakita na ang mga ginagawa ng liderado at kinakaharap na ang mas maraming stakeholders upang matiyak na magpapatuloy ang pag-unlad.
Natamo na ang "inclusive growth" at ito'y sa pagbabawan ng corruption at pagsusulong ng transparency sa pakikipagtulungan sa Asian Development Bank at civil society organizations.
Ayon kay Ginoong Binay, ang Pilipinas ang ika-walo sa pinakamalaking pinagmumulan ng isda. Patuloy pa rin ang paglago ng business process outsourcing.
Nangunguna ang Pilipinas sa voice, pangalawa sa non-voice services kahit pa napakaagang sabihing isang sandigan ang industriyang ito para sa Pilipinas. Umaasa umano ang Pilipinas na magkakaroon ng $ 25 bilyon bilang revenues at makakapagbigay ng hanapbuhay sa 1.3 milyong katao na pakikinabanangan din ng ibang industriya.
Ang PCI Pavillion ang isa sa highlights ng ika-45 Annual Meeting ng Board of Governors ng Asian Development Bank na itinataguyod ng Pilipinas.
Inanyayahan din niya ang mga panauhing dumalaw sa Underground River sa Palawan, sa Boracay sa Aklan, at maging sa Siargao.
IBA'T IBANG HAMON ANG KINAKAHARAP NG ASIA
SA likod ng inaasahang 6.9% Gross Domestic Product growth para sa taong 2012 sa Asia-Pacific region at 7.3% growth para sa taong 2013, marami pang kinakaharap na hamon ang rehiyon.
Ito ang sinabi ni Ginoong Haruhiko Kuroda, Pangulo ng Asian Development Bank sa kanyang pagharap sa mga mamamahayag ng iba't ibang bansa sa Philippine International Convention Center sa Lungsod ng Pasay.
Nahaharap ang rehiyon sa isyu ng paglaki ng agwat ng mayayaman sa mahihirap.
Ani Ginoong Kuroda, samantalang nagtagumpay ang rehiyon sa pagbabawas ng mahihirap, ang bunga ng kaunlaran ay hindi pa nakararating sa ilang daang milyong mahihirap sa Asia na nabubuhay sa kitang mas mababa sa $ 1.25 o higit lamang sa P 50.00 sa bawat araw.
Ang susi sa kaunlaran sa ekonomiya ng Asya tulad ng makabagong teknolohiya, globalization at market-oriented reforms ang naging dahilan din ng paglawak ng agwat ng mayayaman sa mahihirap.
Sa ganitong pagkakataon, sinabi ni Ginoong Kuroda na kailangan ng mga polisiya na magpaparating ng anumang kaunlaran sa mas maraming mga mamamayan. Makakasama rito ang dagdag na paggastos sa sektor ng edukasyon umang maibsan ang agwat sa larangan ng human capital, investments sa mga pagawaing bayan upang maibsan ang hindi patas na access sa government services at opportunities at paraan upang magawang kapaki-pakinabang ang kaunlaran sa mga manggagawa.
Ibinalita rin ni Ginoong Kuroda na mayroong bagong pondo para sa Special Drawing Rights 7.9 billion o $ 12.4 bilyon para sa Asian Development Fund XI na siyang concessional window para sa pinakamahihirap na bansa.
Ani Ginoong Kuroda, ang ADF ay makakatulong sa bansang mangungutang na mapaunlad ang kanilang investments pagawaing bayan, edukasyon, social safety nets, malinis at renewable na enerhiya.
Photos 1 & 2 - IKA-45 ANNUAL ADB GOVERNORS' MEETING NAGSIMULA NA.
Sinabi ni ADB President Haruhikjo Kuroda (kanan) na bagama't nakikita na ang kaunlaran sa Asya, marami pang suliraning hinaharap ang rehiyon. Binanggit niya ang lumalaking agwat sa pagitan ng mga mayayaman at mahihirap. Nasa larawan din si Bb. Ann Quon (kaliwa), Director ng Department of External Relations ng Asian Development Bank. Nagsimula ngayon ang pulong at magtatapos sa darating na Sabado, ika-lima ng Mayo, 2012.may 2, 2012
photo 1
photo 2
MGA PILIPINONG NASA IBANG BANSA, MALAKI ANG AMBAG SA KAUNLARAN
MALAKI ang nagawa ng mga manggagawang Pilipino na nasa iba't ibang bansa. Ito ang sinabi ni Ginoong Haruhiko Kuroda, pangulo ng Asian Development Bank sa kanyang pagharap sa mga mamamahayag sa pagsisimula ng ika-45 taunang pulong ng mga gobernador ng Asian Development Bank.
Partikular niyang binanggit na noong nakalipas na taon ay nakapagpadala ang mga manggagawang na sa iba't ibang bansa ng higit sa $ 20 bilyon, ang halagang pinakamalaki sa mga nakalipas na taon.
Bagama't nagkaroon ng pagbaba ng halagang naipadala ang mga manggagawang mula sa Timog Asya sa kanilang mga sariling bansa, patuloy na tumataas ang padala ng mga manggagawang Pilipino mula sa Europa, America at maging sa Gitnang Silangan.
Maganda ang trabaho ng mga Pilipino kahit pa may Eurocrisis, mayroong Arab Spring sa Gitnang Silangan at mga problema sa Estados Unidos, dagdag pa ni Ginoong Kuroda. Karamihan ng mga Pilipino ay mas maganda ang trabaho sa mga paaralan, pagamutan at mga tanggapan.
ASEAN COMMUNITY BUILDING, IDARAOS SA MAYNILA
MAGSISIMULA ngayong Miyerkoles hanggang Biyernes, ika-apat ng Mayo ang First International Conference on ASEAN Community Building sa Kagawaran ng Ugnayang Panglabas.
Layunin nitong maikintal sa isipan ng mga kasapi ang papel ng Pilipinas sa ASEAN community building at maging mas malawak ang pag-unawa sa kahulugan ng development cooperation sa panig ng ASEAN.
Makaksama ang mga tagapagsalita mula sa ASEAN secretariat at dialogue partners mula sa AusAID, Development Section ng European Union Delegation to the Philippines, isang mula sa Mission of Japan to ASEAN at isang nagmula sa Socio-Cultural Liaison ng United States Mission to ASEAN.
Makakasama sa pagsasanay ang may 80 hanggang isang daang mga delegado mula sa iba't ibang ahensya ng pamahalaan sa larangan ng ASEAN Political Security Community, ASEAN Economic Community at ASEAN Socio-Cultural Community.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |