|
||||||||
|
||
Magandang magandang gabi po mga kaberks. Naririto na naman po si Rhio, ang guwapong Tarlakenyo, para sa isa na namang episode ng programang Dito lang 'Yan sa Tsina.
Sa anumang bansa sa buong mundo, ang pag-unlad ng ekonomiya ay may kaakibat ding pagbabago sa uri ng pamumuhay ng mga mamamayan. Kadalasan, ang mga pagbabagong ito ay nagdudulot ng kalungkutan at pagkadiskontento sa buhay ng mga mamamayan. Sa loob ng ilang dekada, pagkatapos ng pagbubukas sa labas ng Tsina, unti-unting lumabas ang ganitong suliranin. At kasabay ng mabilis na pag-unlad ng ekonomiya ng Tsina, lumitaw din ang mga problemang gaya ng paglaki ng pagkakaiba sa agwat ng pamumuhay ng mga mahirap at mayaman, paglala ng polusyon, pagtaas ng implasyon, at pagkakaroon ng korupsyon. Para masolusyunan ang mga problemang nabanggit, inatasan kamakailan ni Premyer Wen Jiabao ang lahat ng opisyal sa lahat ng sangay ng pamahalaan na doblehin ang pagsisikap upang pasayahin o itaas ang pagkakontento ng mga mamamayan at solusyunan ang mga problemang nabanggit.
Ayon sa bagong atas, ang mga opisyal ng pamahalaan ng Tsina ay bibigyan ngayon ng grado, hindi sa dami ng kanilang naipatayong gusali, o naisagawang proyekto, kundi, sa lebel ng satispaksyon ng mga mamamayan.
Ayon pa nga sa mga pahayagang People's Daily at Oriental Outlook, ang bagong buzzword ngayon sa Tsina ay "happy, happy, happy." Sa probinsya naman ng Guangdong, pinangalanan nila ang kanilang panlimahang taong plano na "Happy Guangdong" bilang suporta sa adhikain na isinusulong ngayon ng pamahalaang sentral.
Narito't pakinggan ang programang "Dito Lang 'Yan Sa Tsina."
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |