Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pagtutulungan ng mga bansa sa Asia, kailangan

(GMT+08:00) 2012-05-04 18:56:58       CRI

ANG pagtutulungan ng bansa sa Asia ang magiging daan upang sama-samang maharap ang mga hamon at matamo ang mga oportunidad. Kabilang dito ang pagluluwag ng kalakal sa loob misyo ng rehiyon at pagpapalakas ng paggastos sa mga pagawaing bayan at magamit ng maayos ang naiipong salapi sa magagandang investments sa sariling bansa.

Ito ang tema ng talumpati ni Pangulong Hiruhiko Kuroda ng Asian Development Bank sa pagbubukas ng plenaryo sa Philippine International Convention Center kaninang umaga. Naging panauhin din sa pagtitipon si Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III.

Nakikita na umano ang progreso ng pagtutulungan ng mga bansa sa Asia at Dagat Pasipiko. Ang kooperasyon ay nakabawas sa kahirapan sa Greater Mekong Subregion. Nagkaroon ng connectivity at pag-unlad ng ekonomiya sa Gitnang Asia at nagkakaisang hinaharap ng rehiyon ang pagbabago sa klima.

Ang ASEAN ay isa nang driving force ng pagkakaisa ng rehiyon. Sa paglahok ng Asian Development Bank, natamo at nabuo ang ASEAN Infrastructure Fund na tutugon sa mga pangangilangan sa pananalapi.

Pinuri din ni Pangulong Kuroda ang desisyon ng ASEAN + 3 (China-Japan-South Korea) na palakasin ang Chiang Mai Initiative Multilateralization upang higit na gumanda ang kalakaran sa pananalapi.

Mas magiging mabunga ito, dagdag pa ni Ginoong Kuroda kung pagtitibayin pa ang relasyon ng ASEAN sa iba pang mga umuunlad na bansa na matatagpuan sa Latin America. Marami umanong leksyong matutuhan sa mga karanasan ng iba't ibang bansa.

Hindi makikita ang tagumpay ng anumang programa sa pamamagitan ng growth rate lamang. Makikita ito kung mas marami ang makikinabang sa pag-unlad ng rehiyon at magkakaroon ng kaalaman (edukasyon) ang mga mamamayan.

PAGIGING MASINOP SA PAGKAIN, NARARAPAT IPATUPAD

ANG iba't ibang pamahalaan sa Asia at Pasipiko ay nararapat maghanap ng mga paraan upang mabawasan ang pagkasayang ng pagkain, maibsan ang nasisirang pagkain sa mga imbakan, maisulong ang kaunlaran sa kabukiran at magkaroon g sapat na pananggalang upang maiwasan ang kahirapan ng mga mahihirap sa pagkagutom.

Ayon sa isang ulat na itinampok sa ika-45 Annual Meeting ng Board of Governors ng Asian Development Bank, ang daigdig na tahanan ng may pitong bilyong mga mamamayan, ay kailangang matiyak ang food security kahit pa maraming hamong hinaharap ang mga sakahan at mga magsasaka, mahinang pagpapatakbo ng pagsasaka at pagbabago sa pandaigdigang klima. Kailangan ang palatuntunang ito nang hindi mababawasan ang paglago ng ekonomiya. Ito ang sinabi ni Xianbin Yao, Director General ng Pacific Department ng Asian Development Bank.

Sa ulat na pinamagatang"Food Security and Poverty in Asia and the Pacific, Key Challenges and Policy Issues", ang nagpapakita na kahit pa dagliang umuunlad ang rehiyon, nananatili pa rin ang "food insecurity" at "inequality" sa buhay ng milyun-milyong mga mamamayan.

Matingkad ang katotohanang ito sa Timog Asia na tinitirhan ng anim sa bawat sampung nagugutom sa rehiyon at kakikitaan ng walo sa bawat sampung kung sa timbang na mga kabataan.

Ayon pa sa Asian Development Bank, may 112 milyon katao ang nakaligtas sa kahirapan sa Asia kung hindi tumaas ang halaga ng mga pagkain.

KAGAWARAN NG UGNAYANG PANGLABAS, TUTULUNGAN ANG 55 OFWS SA NEW GUINEA

LIMAMPU'T LIMANG manggagawang nasa Manus, New Guinea ang nakatakdang bumalik sa Maynila sa tulong ng Embahada ng Pilipinas sa Papua.

Ayon kay Ambassador Bienvenido V. Tejano, mayroon ang special flight para sa mga manggagawa mula sa Manus patungong Port Moresby. Darating sila mamayang ika-walo ng gabi sakay ng Air Niugini Flight PX 010. Makakauwi na rin sila sa General Santos City bukas ng umaga.

Kinuha sila bilang land at sea-based crew members ng isang kumpanyang pangisda sa Papua, New Guinea subalit hindi nakapagsimula ang kumpanya ng kanilang operasyon sapagkat nagka-problema sa kanilang mga dokumento. Walang kinita ang mga manggagawa.

Binalikat na ng assistance-to-nationals fund ng Kagawaran ng Ugnayang Panglabas ang pamasahe ng mga manggagawa.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>