Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pelikulang Tsino-DETECTIVE DEE AND THE MYSTERY OF THE PHANTOM FLAME

(GMT+08:00) 2012-05-14 20:13:09       CRI

Mahilig ba kayo sa mala-Sherlock Holmes na pelikula? Ang Detective Dee and the Mystery of the Phanton Flame ay isang action, mystery at fantasy na sine. Si Tsui Hark ang Direktor nito. Sya ang nag direk ng mga pelikulang Once Upon in China, Peking Opera Blues at Zu: Warriors of the Magic Mountain.

Poster ng Pelikula

Ang Cast ay kinabibilangan nila: Andy Lau, Carina Lau, Li Bingbing, Tony Leung Ka Fai at Deng Chao.

Ang tagpo ay sinaunang Tsina, ang pelikula at isang period piece. Sa kaharian ni Empress Wu ilang mga opisyal ang namatay o pinatay. Lumiyab sila at abo na lang ang naiwan. Walang bangkay na pwedeng pagbatayan ng imbestigasyon. Naatasan si Detective Dee na kilalanin ang nasa likod ng pamamaslang at alamin ang dahilan nito. Ito ang misteryo na dapat lutasin ni Detective Dee.

Si Andy Lau, bilang Detective Dee sa pelikula

Si Carina Lau, Bilang Empress Wu sa pelikula

Bagamat mga totoong personahe sa kasaysayan ng Tsina sina Empress Wu at si Detective Dee Renjie, ang kwento ay pawang kathang isip lamang. Ayon sa isang artikulo, sampung taon ang ginugol ng writer - producer na si Chen Kuo Fu para gawing pulido ang istorya.

Si Li Bingbing, bilang Shanguan Jinger sa pelikula

Si Tony Leung Ka Fai, bilang Sha Tuo sa pelikula

Si Deng Chao, isang actor mula sa Mainlan, China

Madaming napanalunang awards ang pelikula lalo na sa visual effects at costume design.

Ang Detective Dee and the Mystery of the Phanton Flameay isang pelikulang pampamilya. Masisiyahan ang bata man o matanda dahil hitek ang special effects nito. Tatapusin at nanaisin nyong tapusin ang pelikula para malaman kung ano ang dahilan at biglang lumuliyab ang mga biktima at kung sino talaga ang may pakana ng krimen.

Sina Andy Lau at Li Bingbing sa pelikula

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>