|
||||||||
|
||
LUMABAS sa pagdinig ng Senado ng Pilipinas sa impeachment ni Chief Justice Renato Corona na mayroon siyang $ 10 milyon sa bangko ay nagmula sa Anti-Money Laundering Council na kilala sa pangalang AMLC.
Ito ang ibinunyag ni Ombudsman Conchita Carpio-Morales na naluklok sa witness stand sa pagpapatuloy ng pagdinig sa usapin.
Ayon sa Ombudsman, nakatanggap sila ng report na si Chief Justice Corona ay mayroong $ 10 milyon at ang report ay ibinase sa ulat na ibinigay sa kanya ng AMLC. Ito ang tugon sa mga katanungan ni chief defense counsel, dating Supreme Court Associate Justice Serafin Cuevas. Binanggit din ni Ombudsman Morales na nagmula ang impormasyon sa 17 pahinang report.
Binanggit umano ni Ombudsman Morales ang tungkol sa bank account sa liham na ipinadala niya kay Chief Justice Renato Corona na kailangang sagutin ng punong mahistrado sa loob ng tatlong araw.
Tuloy pa ang powerpoint presentation ni Ombudsman Morales hanggang sa sinusulat ang balitang ito matapos sumang-ayon ang karamihan ng mga senador na hayaan ang pagtatanghal nito sa pagdinig.
EXPORTS NG BANSA, NARARAPAT PALAWAKIN
INUTUSAN ni Pangulong Aquino ang mga opisyal ng pamahalaan na gawin ang lahat upang matugunan ang pagkabalam ng mga prutas na ipinadadala sa iba't ibang pamilihan, partikular ang saging na ipinadala sa Tsina.
Sa panayam ng mga mamamahayag sa Davao, sinabi ni Pangulong Aquino na dagdagan ang mga bansang pinagbibilhan ng mga prutas na mula sa Pilipinas at bigyan ng kaukulang pagkakataon ang mga negosyanteng sangkot sa sektor ng tropical fruits.
May instructions na umano si Pangulong Aquino mula pa noong nakalipas na taon na dagdagan ang mga bansang pinagbibilhan "para hindi matali sa isang bansa lamang na pag may problema ay apektado kaagad ng madali ang industriya ng saging."
Sinabi ni Kalihim Proceso Alcala na nakikipag-usap na ang mga opisyal ng Kagawaran ng Pagsasaka sa mga Tsinong nasa Kagawaran ng Pagsasaka upang tiyaking ligtas ang mga saging na nagmula sa Davao City at walang anumang mga peste tulad ng unang lumabas sa media.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |