Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Relasyon sa pagitan ng Tsina at Pilipinas, matagal na

(GMT+08:00) 2012-05-16 18:27:33       CRI

MATAGAL na ang pakikipagkaibigan ng Pilipinas sa Tsina at mayroong makasaysayang pag-uugnayan ng mga mamamayan. Ito ang binanggit ni Kalihim Albert F. del Rosario ng Kagawaran ng Ugnayang Panglabas sa kanyang talumpati sa pinagsanib na pagpupulong ng Makati Business Club at Management Association of the Philippines.

Ang Tsina ang ikatlong pinakamalaking "trading partner" ng Pilipinas at parehong nakikinabang ang dalawang bansa sa daigdig ng kalakalan. Umabot na sa halagang tatlong bilyong US dollars ($ 3B) ang investments ng mga Pilipino sa Tsina samantalang halos isa't kalahating bilyong US dollars ($ 1.5B) ang investments ng Tsina sa Pilipinas.

Binanggit ni Kalihim del Rosario na matagumpay ang naging pagdalaw ni Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III sa Tsina na na kinatampukan ng kasunduang naglalayong matamo ang $ 60 Bilyong kalakalan sa pagitan ng dalawang bansa sa loob ng limang taon at dalawang milyong turistang dadalaw sa Pilipinas sa loob din ng limang taon. Isusulong din ang mahahalagang bahagi ng mga kasunduan at ang mga isyu tulad ng West Philippine Sea o South China Sea ay ihihiwalay sa karaniwang mga paksang pinag-uusapan.

Ayon kay Ginoong del Rosario, ang Estados Unidos naman ang isa sa dalawang maituturing na "strategic partners" ng Pilipinas at kaisa-isang bansa na masasabing "treaty ally." Malawak, maayos at maganda rin ang relasyong nananaig sa dalawang bansa na mayroong kasaysayan, pinahahalagahan at mga pagsasakripisyo.

Sa Estados Unidos umano nagmumula ang pinakamalaking official development assistance kung mga grants ang pag-uusapan. Ang Amerika din ang ikalawang pinakamalaking kasama sa kalakal, ikalawa rin kung mga turistang dumadalaw sa bansa ang pag-uusapan at pangatlong pinagmumulan ng foreign direct investments.

Tungkol sa mga nagaganap sa South China Sea na kinikilala niyang West Philippine Sea, nagkaroon umano ng ilang pamamasok ng mgs Tsino sa Reed Bank na bahagi ng Pilipinas. Ito ay may 84 na nautical miles at nasa loob ng 200 milyang exclusive economic zone at continental shelf ng Pilipinas. Ayon kay Kalihim del Rosario, halos 600 nautical miles ang distansya nito sa pinakamalapit na baybay-dagat na sakop ng Tsina.

Nagprotesta na umano ang Pilipinas sa mga incursions na ito noong nakalipas na taon subalit sumagot ang Tsina na mayroon silang soberensya sa buong South China Sea ayon sa 9-dash concept. Ipinarating na rin umano ito sa United Nations ng Indonesia, Malaysia, Vietnam at Pilipinas. Hiniling na rin umano ng Singapore sa Tsina na ipaliwanag kung ano ang buod ng 9-dash position.

Binanggit din niya na natuon naman ang pansin sa Bajo de Masinloc o Scarborough Shoal na 124 nautical miles mula Zambales at higit sa 450 nautical miles sa baybay-dagat ng Tsina. Nilabag umano ng mga mangingisdang Tsino ang Fisheries Code ng Pilipinas at International Convention Governing the Trading of Endangered Species.

Pinagbawalan pa umano ng mga barkong Tsino ang mga alagad ng batas na magpatupad ng batas at inutusan pang umalis mula sa exclusive economic zone ng Pilipinas. Wala umanong magagawa ang Pilipinas kungdi manindigan at ipagtanggol ang soberenya ng bansa at ang mga karapatan ng bansa.

Naniniwala si Ginoong del Rosario na mahalaga ang karagatang ito sapagkat aabot sa 50,000 mga barko ang dumaraan sa bahaging ito ng daigdig.

Ayon kay Kalihim del Rosario, ang mga bansang Japan, Australia, Timog Korea, Estados Unidos at European Union ay nanawagan na rin sa Tsina at Pilipinas na iparating ang kani-kanilang claims ayon sa international law kasama na ang United Nations Convention on the Law of the Sea.

Bagama't nagaganap pa rin ang "stand-off" sa Huangyan Island na kilala rin sa pangalang Bajo de Masinloc, naniniwala ang Pilipinas na sa pamamagitan ng mga konsultasyon, mapayapang malulutas ang krisis sa pagitan ng dalawang bansa.

Sinabi na umano ni Pangulong Aquino na kinikilala ng Pilipinas ang Tsina na mayroong maayos, payapa, maunlad at responsibleng pamamaraan. Nais na umano ng Pilipinas na matapos ang stand-off at umasang magkakaroon ng mas magandang relasyon sa Tsina.

Ipinaliwanag pa rin ni Kalihim del Rosario na walang anumang bahagi ng kanilang pakikipag-usap sa Estados Unidos noong huling araw ng Abril tungkol sa pagpigil sa Tsina sa nagaganap sa South China Sea sapagkat ang maunlad na Tsina at maunlad ng Estados Unidos ay kapwa kapaki-pakinabang para sa Pilipinas. Magugunitang nakipag-usap sina Kalihim Albert F. Del Rosario ng Ugnayang Panglabas at Kalihim Voltaire Gazmin ng Tanggulang Pambansa kina US Secretary of State Hillary Rodham Clinton at Defense Secretary Leo Panetta.

WORLD BANK, SUMANGAYON SA PROGRAMANG TITIYAK NG MAS MABUTING SANITATION SERVICES

IPINASA ng World Bank Board of Executive Directors ang pagpapalabas ng $ 275 M para sa isang proyektong magpapabuti ng wastewater collection at treatment practices sa ilang bahagi ng Metro Manila. Mapapahusay din nito ang uri ng tubig sa Manila Bay.

Pinangalanang Metro Manila Wastewater Management Project, susuporta ito sa investments ng dalawang water concessionaires, ang Manila Water Company at ang Maynilad Water Services na mapataas ang collection at treatment ng wastewater mula sa mga tahanan at iba pangmga bahay-kalakal. Ang Land Bank of the Philippines ang nangutang mula sa World Bank na siya namang maglalabas ng salapi sa dalawang concessionaires.

Ipinagpasalamat ni Finance Secretary Cesar Purisima ang bagong financing sapagkat malaki ang maitutulong nito sa pagpipilit ng pamahalaang malinis ang mga tubigan sa paligid ng Metro Manila.

Sa oras na malinis ang tubig sa paligid ng Metro Manila, maaari na itong pakjinabangan sa recreational at tourism activites, dagdag pa ni Ginoong Purisima.

Ang Metro Manila ay nakakaipon ng dalwang milyong metriko kubiko ng wastewater araw-araw. Kung walang sapat na sewerage facilities, 17 porsiyento lamang ang sumasailalim ng treatment bago ito makarating sa mga estero at maging sa Manila Bay.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>