|
||||||||
|
||
Kayo poba ay mahilig sa mga kotse? Kayo po ba ay gumagamit ng kotse sa inyong pagpasok sa trabaho? Ito ba ay nagbibigay ng kombinyensya o problema, lalo na kapag natatrapik?
Mga kaibigan, sa kabila ng ala rocket na pagtaas ng presyo ng gasolina at langis, marami pa rin sa ating mga kababayan ang nangangailangan ng kotse or serbis sa kanilang pagpasok sa trabaho, pagnenegosyo, at marami pang iba. Dahil sa panahon ngayon, ang paggamit ng kotse ay isa nang nesesidad para sa marami sa atin.
Pero, para sa ilan, lalo na iyong mga nakakaangat sa lipunan, ito ay isang libangan. Mayroong bumibili ng mga mamahaling kotse na katulad ng Mercedez Benz, BMW, Mclaren, Mazeratti, at marami pang iba.
Pero, dahil dito, tumaas ang lebel ng polusyon sa mga kalunsuran at ang ating mga kalsada ay nagmistulang mga paradahan lalo na kapag rush hour. Sa Manila, makikita natin ang situwasyong ito diyan sa EDSA, Cubao, Taft Avenue, Quezon Avenue, at marami pang iba. Dito naman sa Beijing, ganyan din ang situwasyon, lalo na sa mga pangunahing lansangan na tulad ng Chang'an Avenue.
Narito po ang isang maikling programa ukol sa paksang ito, kasama na ang mga hakbangin na isinasagawa ng lokal na pamahalaan ng Beijing upang masolusyunan ang mga problemang dulot ng pagtaas ng bilang ng mga sasakyan.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |