Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pelikulang Tsino, nood tayo!-GUNS AND ROSES

(GMT+08:00) 2012-05-21 18:24:19       CRI

Ang pelikulang GUNS AND ROSES ay kasalukuyang ipinalalabas dito sa Beijing. Ayon sa Chinese Box Office Statistics ito ang top grossing mainland film. 20 million dollars ang box office sales ang Guns and Roses sa loob ng dalawang linggo ng pagpapalabas . At sa top ten, ito ay nasa ika-apat na posisyon base sa pinaka huling datos ng ENTGroup Consulting for April 30 – May 6 box office sales.

Poster ng Pelikula

Isang action packed comedy at period heist flick and Guns and Roses. Action packed at period film dahil naganap ang pelikula sa gitna ng Japanese Occupation sa Manchuria. Heist flick dahil plano ng mga bida ng nakawin ang kargamento ng ginto ng mga Hapon. Comedy dahil nag krus ang landas ng isang hustler at isang grupo ng mga rebolusyunaryo na kontra sa mga Hapon.

Ang cast ay kinabibilangan ng mga baguhan na sina LEI JIA YIN dating stage actor at gumaganap bilang XIAO DONGBEI at si CHENG YUANYUAN, bilang love interest na si XIXI.

Si Cheng Yuanyuan, bilang Xixi sa pelikula

Si Lei Jiayin, bilang Xiao Dongbei sa pelikula

Kasama din ang mga Ning Hao regulars na sina Guo Tao, Fan Wei, Liu Ye, Tao Hong at si Huang Bo na ayon sa mga balita ay hindi tumaggap ng talent fee dahil sa malalim na pinagsamahan nila ni Ning Hao and direktor ng pelikula. Sino nga ba si Ning Hao ?

Si Direktor Ning Hao

Ilang taon ding hinintay ng mga fans ang pelikula ng kilalang direktor na si NING HAO. Si Ning Hao ang direktor ng Mongolian Ping Pong (2005), Crazy Stone (2006) at Crazy Racer (2007). Mega hit ang Crazy Stone At Crazy Racer. Ang mga pelikulang ito ay independently produced, low budget at walang kilalang big stars… pero sa kabila nito tinangkilik ng mga manonood ang mga pelikula na naging daan para sumikat si Ning Hao bilang isang direktor dito sa mainland.

Ang Crazy Stone ay tungkol sa mga small time crooks na gustong nakawin ang isang mamahaling bato. Halos pareho din ang kwento sa Guns and Roses, pero dinagdagan ang story strands nito at mas mabilis ang pacing ng pelikula. Pag usapan natin ang mga story strands…

Una dito ang nabanggit na planong pagsabat sa isang kargamento ng ginto para sa pwersa ng Hapon. May love angle din ito. At may kaunting drama sa pagitan ng bidang si Xiao Dongbei at ng kanyang ama na dating ding rebolusyunaryo.

Sa kabuuan ang Guns and Roses ay isang magaan at simpleng "dramedy" kaunting drama at kaunting comedy. Happy watching 

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>