|
||||||||
|
||
CHIEF JUSTICE CORONA, BINIGYAN NG HANGGANG BIYERNES UPANG HUMARAP SA IMPEACHMENT COURT
HANGGANG sa Biyernes na lamang ang palugit na ibinigay ng Senado kay Chief Justice Renato Corona na bumalik sa witness stand at sa kanyang mga taga-pagtanggol upang tapusin ang kanilang paglalahad ng mga ebidensya bago maglabas ng hatol sa susunod na linggo.
Sinabi ni Senate President Juan Ponce Enrile na sa Lunes, may nakatakdang oral argument at depende na sa hukuman kung matapos ang oral argument ay maglalabas na sila ng desisyon o maghihintay pa ng isang araw.
Ginawa ni Ginoong Enrile ang ruling matapos sabihin ni dating Supreme Court Associate Justice Serafin Cuevas at lead counsel ni Chief Justice Corona, na hindi nakabalik ang kanyang kliyente upang tumestigo dahilan sa kanyang kalagayan.
Sinabi pa ni Ginoong Cuevas na hindi nila naka-usap si Corona sapagkat nasa Intensive Care Unit ang chief justice. Bagaman, nakausap nila ang maybahay at mga supling ni Ginoong Corona sa Medical City sa Lungsod ng Pasig.
Tiniyak ng pamilya na babalik ang punong mahistrado upang humarap sa hukuman sa pinakamadaling panahon.
Humarap siya sa hukuman kahapon subalit matapos niyang magbigay ng kanyang opening statement ay umalis na lamang siya sa witness stand ng walang pahintulot ng Senado. Matapos ang higit sa isang oras, naka-upo na siya sa wheelchair ng ibalik sa session hall at nabatid na bumagsak ang kanyang blood-sugar.
Hindi itinuloy ni Senate President Enrile ang kanyang sinabi kahapon na buburahin ang mga sinabi ni Chief Justice Corona. Sinabi niyang isasama na ang pahayag ni Chief Justice kahapon at magiging bahagi ebidensyang madadala sa hukuman.
PAGAWAING BAYAN, MAGLILIGTAS SA EKONOMIYA NG BANSA
DAHILAN sa mahinang pamilihan ng mga produktong mula sa Pilipinas, ang pinakamagandang gawin ng Pilipinas upang mapanatili ang mataas na growth rates at makatiyak na maraming hanapbuhay at mabawasan ang bilang ng mahihirap ay ang paggastos sa pagawaing bayan at palakasin ang kalakal sa mga kalapit bansa.
Ito ang pahayag ng World Bank sa pinakahuling edisyon ng East Asia and pacific Economic Update ngayon.
Ayon sa report na pinamagatang "Capturing New Sources of Growth," tinatayang ang 2012 annual growth sa Silangang Asia at Pacific Region ay makakarating sa 7.6% dahilan sa mas mabagal na expansion ng Tsina na nagpababa sa regional aggregate. Kung hindi isasama ang Tsina, ang growth rate ay aabot sa 5.2% sa pagbalik ng Thailand sa normal na kalagayan matapos ang pagbaha. Ang mga commodity exporters na nakaranas ng magandang kalakal noong 2011 ay maaaring maapektuhan ng slowdown sa Tsina na magpapababa sa commodity prices.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |