|
||||||||
|
||
PAWANG pagpapaliwanag ng magkabilang panig ang narinig sa ika-43 araw ng Impeachment Trial sa Senado ng Republika ng Pilipinas.
Bago nagsimula ang sesyon mga ilang minuto ang makalipas ang ika-dalawa ng hapon, itinanong ni Senate President at Presiding Judge Juan Ponce-Enrile kay lead defense counsel dating Associate Justice Serafin Cuevas kung nagbigay nga siya ng pahayag na magtutungo sila sa Korte Suprema kung sakaling hindi sang-ayon ang magiging desisyon kay Chief Justice Renato Corona ang magiging desisyon ng impeachment court.
Inamin ni Ginoong Cuevas na totoo ang naging pahayag niya sa panayam sa isang himpilan ng radio kahapon.
Binanggit ni Chief Prosecutor Niel Tupas III na marapat lamang na mapatalsik sa puesto si Ginoong Corona sapagkat pinakamataas na pamantayan ang dapat gamitin sa usapin ng akusado. Binanggit pa rin ni Ginoong Tupas na mayroong isang kawani ng Korte Suprema na mayroong isang tindahan maliit ang tinanggal sa trabaho sa hindi pagkakasama ng kanyang kalakal sa Statement of Assets, Liabilities and Networth.
Samantala, sinabi naman ni Dean Eduardo Delos Angeles na hindi matatanggal si Ginoong Corona sa trabaho dahilan sa maliit na paglabag lamang sa batas ang kanyang nagawa. Hindi mapapatalsik sa trabaho ang isang tao dahilan lamang sa hindi pagkakalagay ng ilang assets sa kanyang Statement of Assets, Liabilities ang Networth.
Ayon kay Congressman Rodolfo Farinas, pawang mga palusot lamang ang ginagawang argumento ni Chief Justice Corona kaya dapat matanggal sa trabaho dahilan sa kawalan ng katapatan sa kanyang tunay na pag-aari. Umabot umano sa 98% ng kanyang kayamanan ang 'di naideklara sa kanyang SALN.
Sinabi naman ni Atty. Dennis Manalo ang tanong ay kung bakit tumanggi ang taga-usig na isailalim sa cross examination si Chief Justice Renato Corona noong humarap sa impeachment court. Hindi umano humarap ang mga bumubuo ng Anti-Money Laundering Council sa impeachment court sapagkat wala itong kautusang natanggap mula sa alinmang hukuman. Ito umano ang dahilan kaya mga taga-Commission on Audit na ang tinawag upang konsultahin ni Ombdusman Conchita Carpio Morales.
Binaggit ni Chief Defense Counsel Serafin Cuevas na wala pang sinuman ang naghabol sa constitutionality ng Republic Act 6426 o ang Foreign Currency Deposit System. Ang remedyo sa mga balakid upang magalaw ang foreign currency deposits ay pawang nasa batas. Kailangang magkaroon ng pag-susog sa kasalukuyang batas, particular ang R. A. 6426.
Wala umanong due process sa pagkalap ng mga lagda ng 189 mambabatas sa impeachment complaint, dagdag ni Justice Cuevas.
Huling nagsalita sa panig ng taga-usig ay si House Speaker Feliciano Q. Belmonte, Jr. Binigyang-diin niya na hindi inaasahang itatago ni Chief Justice Corona ang kanyang dollar accounts samantalang nararapat siyang maging halimbawa ng madla. Iisa lamang ang pamantayan ng batas para sa lahat, dagdag pa ni Ginoong Belmonte.
Idinagdag pa ni Speaker Belmonte na ang public office ay nangangailangan ng pagtitiwala ng bayan, at pagmamahal sa bayan. Mahalaga rin ang kabutihang-asal sa paglilingkod sa pamahalaan, dagdag pa niya.
Bukas, ganap na alas dos ng hapon, magtitipon na naman ang mga mambabatas upang gawaran ng hatol ang impeachment case laban sa punong mahistrado.
PAHAYAG NG TAGAPAGSALITA NG FOREIGN MINISTRY NG TSINA SA NAGANAP SA HUANGYAN ISLAND IPINARATING SA MGA MAMAMAHAYAG NG PILIPINAS
BINANGGIT ni Ginoong Hong Lei na nababahala ang Tsina sa reaksyon ni United States Secretary of State Hillary Clinton na pabor ang Amerika sa UNCLOS. Ayon sa tagapagsalita ng Ministry of Foreign Affairs, ang mga bansang hindi kabilang sa claimants at mga bansang nasa labas ng rehiyon ay may nauna ng paninindigan na hindi lalahok sa territorial disputes.
Nananatili ang Tsina sa layuning mapangalagaan ang kapayapaan at kaayusan sa South China Sea sa pamamagitan ng negosasyon at pakikipagkasundo sa mga bansang kabilang sa ASEAN sa Declaration on the Conduct of Parties in the South China Sea kasabay ng pagsusulong ng dispute settlement sa direktang pakikipag-usap sa mga bansang kasangkot.
Ipinarating ng Ministry of Foreign Affairs ng Tsina ang pahayag sa pamamagitan ng kanilang Embahada sa Maynila.
MGA AMBASSADOR NG EUROPEAN UNION, NAKIPAG-USAP SA TASK FORCE DETAINEES OF THE PHILIPPINES
HUMARAP ang mga ambassador ng European Union sa mga namumuno ng Task Force Detainees of the Philippines. Pinamunuan ni Head of the European Union Delegation Ambassador Guy Ledoux ang mga ambassador upang makibalita sa kanilang pinondohang proyekto na nagkakahalaga ng P 2,750,000 at talakayin ang kalagayan ng Karapatang Pangtao sa bansa lalo pa't mayroong isasagawang 2nd Universal Periodic Review sa Pilipinas mula bukas sa United Nations Human Rights Council sa Geneva, Switzerland.
Tinustusan ng European Union ang programang magpapalawak ng kabatiran ng madla sa kahalagahan ng Karapatang Pangtao.
Ayon kay Ambassador Ledoux, samantalang mayroong progreso sa larangan ng karapatang pangtaon, marami pa ring nararapat gawin upang mapunuan ang mga pagkukukang lalo na sa isyu ng impunity, extrajudicial killings at enforced disappearances. Tumutulong ang European Union sa pamahalaan at sa civil society sa pagtugon sa mga isyung ito, dagdag pa ni Ambassador Ledoux.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |