|
||||||||
|
||
Pelikula: The Message
Genre: Mystery /Thriller/Drama
Director: Chen Guo-fu & Gao Qunshu
Executive Producer: Feng Xiaogang
Cast: Zhou Xun, Li Bingbing, Huang Xiaoming, Alec Su, Zhang Hanyu, Wang Zhiwen, Ying Da
Release Date: January 10, 2009
Poster ng Pelikula
Kwento:
Sunod sunod ang pag-atake ng mga rebelde at ang asasinasyon sa mga opisyal at kasabwat ng papet na pamahalaan ng Hapon. Hinala ng dayuhang mananakop napasok na ng mga espiya ang Intelligence Bureau at dito nakakakuha sila ng impormasyon tungkol sa galaw ng mga Hapon.
Sina Li Bingbing at Zhou Xun sa pelikula
Para matukoy ang utak ng resistance movement, dinala ang isang grupo ng mga pinaghihinalaang mga opisyal ng military at decoders na Tsino sa isang tagong lugar. Dito naganap ang interogasyon, pagpapalitan ng akusasyon at torture sa mga bida. Pero ang tanong, sino si Phantom, ang espiya na nagbibigay ng intel sa mga rebelde? At gaano kalaki ang network nya sa loob ng papet na pamahalaan sa Nanjing noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig?
Sina Li Bingbing at Huang Xiaoming sa pelikula
Komento:
Habang pinapanood naalala ko ang mga libro ni AGATHA CHRISTIE – mystery suspense novels na ang tema ay tulad ng kwento ng pelikula. Hanggang sa dulo palaisipan kung sino ba talaga ang tunay na espiya.
Si Huang Xiaoming sa pelikula
Wala akong maipipintas sa pelikulang ito. Mataas ang production values at pulido ang pagkakagawa. Walang butas ang script at kapanipaniwala ang acting. Madadala ka sa kanilang pagganap. Ang bawat frame sa cinematography ni Jake Pollack ay masining na inilahad. Samantalang ang costume design ni Tim Yip ay sakto sa hiling ng panahon.
Si Li Bingbing sa pelikula
Si Zhou Xun sa pelikula
Ipinalabas ito kasabay ng paggunita ng 60th Anniversary ng Pagkakatatag ng PROC. At ang kwento ay taliwas sa nakagawiang imperial era costume piece at hindi rin ito WW2 propaganda na nauwi sa isang trahedya. Ang kwento ay may banayad na paglalahad ng pagiging makabayan. Kaya hindi mabigat at mawiwili kayo sa panonood.
Si Zhang Hanyu sa pelikula
Si Alec Su sa pelikula
Si Wang Zhiwen sa pelikula
Si Ying Da sa Pelikula
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |