Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pangulong Aquino, maglalakbay patungong United Kingdom

(GMT+08:00) 2012-05-30 17:11:48       CRI

PANGULONG AQUINO, MAGLALAKBAY PATUNGONG UNITED KINGDOM

NAKATAKDANG umalis patungong London si Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III sa darating na Lunes, ika-apat na araw ng Hunyo hanggang sa Miyerkoles bilang panauhin ng Pamahalaan ng United Kingdom.

Ayon sa Kagawaran ng Ugnayang Panglabas, ito ang kauna-unahang paglalakbay sa United Kingdom ni Ginoong Aquino bilang Pangulo ng Pilipinas. Ang United Kingdom din ang kauna-unahang bansa sa Europa na nakatakdang dalawin ni Pangulong Aquino.

Makakausap niya si Prime Minister David Cameron sa # 10 Downing Street at tatalakayin nila ang political at economic cooperation ng Pilipinas at United Kingdom, ang papel ng United Kingdom sa International Contact Group at regional at international issues. Kabilang din ang mga paksang may kinalaman sa programang lalaban sa katiwalian at good governance ng Pilipinas at United Kingdom.

Makakausap din ni Pangulong Aquino ang mga mangangalakal at lalahok sa Philippine Fun Tourism campaign ng Kagawaran ng Turismo. Makakausap din niya ang mga kasapi sa Filipino Community sa United Kingdom, ang pinakamalaki sa Europa.

Nagsimula ang relasyon ng dalawang bansa noong ika-apat ng Hulyo, 1946. Ang United Kingdom ang isa sa mga nangungunang investors mula sa Europa ng Pilipinas. Ika 23 trading partner ng Pilipinas ang United Kingdom na mayroong pinakamalaking tourism market sa Europa.

Sa Miyerkoles, makakadaupang palad ni Pangulong Aquino ang Duke ng York si Prince Andrew.

PAGHIRANG KAY AMBASSADOR SONIA BRADY BILANG SUGO SA TSINA, KUMPIRMADO NA

WALA nang anumang sagabal sa paglalakbay ni Ambassador Sonia C. Brady patungo sa Biejing, Tsina matapos makalusot sa Commission on Appointments ang kanyang nominasyon.

Ang lahat ng mga ambassador ay kailangang dumaan sa kumpirmasyon ng Commission on Appointments upang mabatid kung may kakayahan nga sa kanyang magiging tungkulin.

Naglingkod na si Ambassador Brady sa Tsina noong mula 2006 hanggang 2010 noong panahon ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo. Isang career diplomat si Ambassador Brady at naitalaga bilang consul sa Embahada ng Pilipinas sa Tsina noong dekada Sitenta. Siya rin ang magiging sugo ng Pilipinas sa Hilagang Korea at sa Mongolia.

IRAQI FOREIGN MINISTER, DADALAW SA PILIPINAS

DARATING sa Maynila ang Iraqi Foreign Minister, ang Kanyang Kamahalan Hoshyar Zebari mula bukas hanggang sa Sabado upang mapalakas ang relasyon sa pagitan ng dalawang bansa.

Inanyayahan si Ginoong Zebari ni Foreign Secretary Albert F. Del Rosario upang pag-usapan ang maraming bilateral issues kabilang ang pagtitipon ng Philippines – Iraq Joint Commission ngayong taon.

Ipinarating ni Kalihim del Rosario ang paanyaya sa Iraqi Foreign Minister noong nakalipas na ika-29 ng Enero.

Ito ang kauna-unahang pagdalaw ng isang high-ranking Iraqi official sa Pilipinas. Mayroong 279 na Pilipinong naka-rehistro sa Embahada ng Pilipinas sa Baghdad at mayroong 192 sa Kurdistan Autonomous Region.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>