|
||||||||
|
||
SA sesyong idinaos ng Commission on Appointments kahapon, nakapasa na sa kanilang pagsusuri ang pitong mga bagong ambassador na inaasahang magtutungo na sa kanilang mga bagong destino sa pinakamadaling panahon.
Kabilang sa mga nakapasa sina Ambassador Sonia C. Brady, Chief of Mission, Class I at Ambassador Extraordinary Plenipotentiary sa People's Republic of China na may hurisdiksyon sa Democratic People's Republic of Korea at Mongolia. Una na siyang naging Philippine Ambassador to China mula 2006 hanggang 2010. Naglingkod din siya bilang Foreign Affairs Undersecretary for Policy noong 2003 hanggang 2006.
Magtutungo na sa kanilang mga assignment si Ambassador Olivia V. Palala na itatalaga sa Kaharian ng Jordan na may hurisiksyon sa Palestine Republic. Naglingkod din siya bilang Charge d'Affaires sa Philippine Embassy sa Damascus, Syria at Consul-General sa Agana, Guam.
Kasama sa nakapasa sina Ambassador Benito B. Valeriano bilang Ambassador sa India, Ambassador Alejandro B. Mosquera bilang Ambassador sa Russian Federation, Ambassador Oscar C. Orcine na magtutungo sa Republic of Libya, Alex V. La Madrid bilang Ambassador sa Federal Republic of Nigeria. Aalis na rin si Ambassador Patricia Ann V. Paez na itinalaga sa Republic of Poland.
EKONOMIYA NG PILIPINAS, GUMAGANDA
MATAPOS ang isang taong matumal na takbo ng ekonomiya ng Pilipinas, lumago ang Gross Domestic Product (GDP) ng 6.4% sa unang tatlong buwan ng 2012 kung ihahambing sa revised growth na 4.9% noong 2011. Umunlad ang ekonomiya sa pagkakaroon ng pinasiglang services sector partikular sa larangan ng kalakal at iba pang uri ng serbisyo. Napuna rin ang pagbawi ng manufacturing sector na bumaba noong ikatlo at ikaapat na quarter ng taong 2011.
Ito ang pinakahuling balita mula sa National Statistics Coordination Board, isang ahensya sa ilalim ng National Economic Development Authority.
Kumita rin ang bansa sa net exports at sa marubdob na paggastos ng mga mamamayan at kanilang pamilya.
Nakatulong din ang ambag ng mga manggagawang Pilipino sa iba't ibang bansa. Nakita ito sa Net Primary Income na lumago ng 4.0% na nagtulak sa GNI/GNP growth na 5.8% mula sa 3.5%% noong 2011.
Ayon kay NSCB Secretary General Romulo A. Virola, sa projected population na 95.2 milyon, ang per capita GDP ay lumago ng 4.6% samantalang ang per capita GNI ay lumago ng 4.0% samantalang ang HFCE ay lumago ng 4.9%.
DATING FINANCE SECRETARY, PINARANGALAN
PINARANGALAN SI Dr. Roberto de Ocampo, isang dating finance secretary ng Pilipinas mula kay Queen Elizabeth II sa pagkialla sa pagsusulong ng relasyon ng United Kingdom at Pilipinas,
Nakatanggap si Dr. de Ocampo ng Honorary OBE sa kanyang kontribusyon sa pag-unlad ng relasyon ng dalawang bansa sa nakalipas na 40 taon.
Si British Ambassador to the Philippines Stephen Lillie ang nagbigay ng parangal sa pamamagitan ng isang hapunan sa karangalan ni Dr. de Ocampo. Isang medalya mula sa Queen of England ang ibinigay sa honoree. Binigyan siya ng honiorary commission sa Most Excellent Order of the British Empire.
Dumalo ang mga business leaders at high-level government officials sa hapunan. Ipinaliwanag ni Ambassador Lillie na ang Order of the British Empire ang kumikilala sa mahalagang kontribusyon sa larangan ng sining, agham, public service sa labas ng Civil Service at paglilingkod sa kapwa .
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |