Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pangulong Aguino, makakaharap si Pangulong Obama sa Oval Office

(GMT+08:00) 2012-06-01 20:21:00       CRI

BILANG pagpapaunlak sa paanyaya ni Pangulong Barack Obama na dumalaw sa Estados Unidos, nakatakdang maglakbay si Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III sa Amerika mula sa Miyerkoles hanggang Biyernes, ika-anim hanggang ika-walo ng Hunyo.

Ito ang ibinalita ni Kalihim Albert F. Del Rosario ng Kagawaran ng Ugnayang Panglabas.

Sasalubungin si Pangulong Aquino ni Pangulong Obama sa Oval Office at paguusapan nila ang mga bilateral, regional at global issues na nag-uugat sa strategic partnership ng dalawang bansa.

Ito ang ika-apat na pagpupulong ng dalawang pangulo sa loob ng dalawang taon matapos ang pagkikita noong Setyembre 2010 sa Association of Southeast Asian Nations-United States Leaders Meeting sa New York, noong Setyembre, 2011 sa paglulunsad ng Open Government Partnership sa New York at ang ASEAN=US Leaders Meeting sa Bali, Indonesia noong Nobyembre 2011.

Higit umanong gumaganda ang relasyon ng dalawang bansa dahilan sa Bilateral Strategic Dialogue, pagdalaw ng mga mambabatas na Amerikano sa Pilipinas at ang 2+2 Meetings sa Washington, District of Colombia.

Isang pananghalian sa karangalan ni Pangulong Aquino ang inihahanda ni Secretary of State Hillary Rodham Clinton at sa kanyang delegasyon sa Benjamin Franklin State Dining Room sa State Department sa Washington, DC.

Makakaharap din ni Pangulong Aquino ang mga pinuno ng Senado ng America sa isang reception na itinaguyod ni Senate President Pro Tempore Daniel K. Inouye sa U. S. Capitol.

Panauhing pandangal si Pangulong Aquino sa paglulunsad ng US-Philippines Society, isang private sector initiative upang higit na pag-ibayuhin ang economic ties, magsusulong ng trade at investment, pagsuporta sa common strategic and political goals at magpapalakas ng cultural, technological, educational at people-to-people linkages.

Pinamumunuan nina Ambassador John D. Negroponte (dating US Ambassador sa Pilipinas) at Ginoong Manuel V. Pangilinan at Honorary Chairmen sina Washington Sycip at Maurice "Hank" Greenberg. Kasama ang mga nangungunang negosyante sa magkabilang panig bilang board of directors.

Sa kanyang pagbabalik sa Pilipinas, makakausap din niya ang Filipino-American community sa Los Angeles at makikipagbalitaan sa mga Filipino at Filipino-Americans.

Umaabot sa higit na tatlong daang libong mga Filipno ang nasa Los Angeles county at 3.1% ng mga mamamayan sa lungsod.

Kapayapaan sa Asia, hangad rin ng Tsina

ANG paghahangad ng kapayapaan, pagtutulungan at pag-unlad ang nangungunang prayoridad at nais ng mga mamamayan sa Asia-Pacific Region. Ito ang pananaw ni Chinese Foreign Ministry Spokesperson Liu Weimin sa kanyang pagharap sa mga mamamahayag.

Hiningan siya ng pananaw sa pagsisimula ng paglalakbay sa Asia ni Ginoong Leon Panetta, partikular sa mga bansang nasa paligid ng Tsina, mula noong Miyerkoles.

Ang mga isyu sa Asia-Pacific region ay nararapat panghawakan ng mga bansang nasa magkabilang-panig at nararapat panataliin ang kapayapaan, kaayusan at kaunlaran sa rehiyon sa halip na painitin pa ang tension at mga usaping pangseguridad.

Ipinagpapasalamat ng Tsina ang anila'y "constructive role" na ginagampanan ng America sa Asia-Pacific region at dalangin nila'ng igagalang din ang interes ng magkabilang panig, kabilang na ang Tsina. Umaasa rin silang ang Amerika ay makakasama ng Tsina at iba pang bansa sa Asia-Pacific region sa pagbuo ng isang rehiyon na mas payapa at mas maunlad.

Samantala, ang Tsina talaga ang mayroong indisputable sovereignty sa mga kapuluan sa South China Sea at sa mga karagatang nasa paligid nito. Ito ang binigyang-diin ni Ginoong Liu sa kanyang pahayag na ipinarating sa mga mamamahayag sa Maynila. Ang mga isyung ito ay magtatapos sa pamamagitan ng negosasyon at konsultasyon sa mga bansang sangkot sa paghahabol. Ang Tsina at ASEAN ay lumagda sa Declaration on the Conduct of Parties in the South China Sea at nagkasundo na sa Guidelines for the implementation of the DOC. Sa mga dokumentong ito, magkakaroon ng praktikal na pamamaraan sa South China Sea na kilala sa pangalang West Philippine Sea ng Pilipinas.

Pangalan ng Mambabatas, ipinaalis na sa talaan ng mababang kapulungan

IPINAG-UTOS ni Speaker Feliciano Belmonte Jr. ang pag-aalis ng pangalan ni Ginoong Ruben Ecleo, Jr. sa talaan ng mga kasapi sa House of Representatives. Sa isang memorandum na ipinarating sa media, nabatid na sang-ayon sa final at executor resolutions ng Korte Suprema na sumasang-ayon sa desisyon ng Sandiganbayan sa paggagawad ng parusa kay Congressman Ruben Ecleo, Jr. dahilan sa iba't ibang paglabag sa batas ng Anti-Graft and Corrupt Pratices ct na nagpapaloob ng panghabangbuhay na disqualification mula sa sa lahat ng uri ng tanggapan sa pamahalaan, at kabilang na rin sa Entry of Judgment, ipinag-utos na ni Speaker Belmonte ang pagbura sa pangalan ng mambabatas mula kahapon, huling araw ng Mayo.

Paglabas ng mga Pilipino patungo sa ibang bansa, patuloy pa rin

WALA pa ring humpay ang paglabas ng mga Pilipino upang maghanap ng trabaho sa ibang bansa. Ayon kay Fr. Edwin Corros, executive secretary ng Catholic Bishops Conference of the Philippines Episcopal Commission on Migrants and Itinerant People, ang kawalan ng mapapagkakitaan sa Pilipinas ang dahilan kaya't marami pa ring lumabas ng bansa.

Ikinalungkot ni Fr. Corros ang naganap sa tatlong Pilipinang nasawi sa Qatar na hindi dumaan sa tamang proseso. Ani Fr. Corros, ayon sa pamahalaan, lumabas ang tatlong Pilipina bilang mga turista kaya walang record sa Philippine Overseas Employment Administration at sa Overseas Workers Welfare Administration.

Sa panayam ng CBCP Online Radio, sinabi ni Fr. Corros na marami nang gustong umuwi sa Pilipinas dahilan sa pangambang tatamaan sila ng krisis na nagaganap sa Europa at America. Mahirap din umanong maunawaan samantalang may Eurocrisis at American economic meltdown ay higit pang lumaki ang remittances ng mga Pilipino at umabot sa 21bilyong dolyar.

Isang konsultasyon ang nakatakdang gawin ngayong buwan ng mga chaplain na mula sa iba't ibang bansa at susuriin ang pagkakahalintulad ng mga nagaganap sa iba't ibang bahagi ng daigdig, dagdag pa ni Fr. Corros.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>