Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Dalawang Tsinong mangangalakal, dinukot sa Zamboanga Sibugay

(GMT+08:00) 2012-06-05 17:32:16       CRI

PINAGHAHANAP ng mga alagad ng pulisya ang mga kalalakihang nasa likod ng pagdukot sa dalawang Tsino kagabing mga ika-walo sa Barangay F. L. Pena, Kabasalan, Zamboanga Sibugay.

Sa aking panayam sa pamamagitan ng telepono kay Chief Supt. Napoleon Estilles, Regional Director ng Philippine National Police sa Kanlurang Mindanao, nagpanggap ang mga armado na mga tauhan ng National Bureau of Investigation.

Kinilala ni Chief Supt. Estilles ang mga biktima na sina Jampong Lin-Yuankai, 38 taong gulang, binata at isang Jian Luo, 43 taong gulang, binata at kapwa taga-Guandong, Tsina.

Matapos ang isang oras, natagpuan ng mga pulis at militar ang isang get-away vehicle na isang kulay puting van na may plate number WTE 606 na abandonado at sinunog pa ng mga salarin sa Barangay Salipyasin, Kabasalan, Zamboanga Sibugay.

Ayon kay Chief Supt. Estilles, malaki ang posibilidad na kidnap-for-ransom gang ang nasa likod ng pagdukot sapagkat halos pareho ng mga nakalipas na kidnapping ang naganap kagabi.

Isinakay umano angmga biktima sa isang bangkang de motor at 'di pa malaman ang pinagdalhan sa kanila. Wala pang grupong nagsasabing nasa kanila ang mga Tsinong mangangalakal.

Nalalagay ang Zamboanga Peninsula sa mga balita sapagkat madalas maganap ang mga pagdukot sa bahaging ito ng Kanlurang Mindanao. Isa sa mga prominenteng dinukot ay si Fr. Luciano Benedetti noong 1998. Nadukot din si Fr. Guieseppe Pierantoni noong 2001. Napalaya siya matapos ang anim na buwan.

Si Fr. Giancarlo Bossi ay nadukot noong 2007 sa bayan ng Payao, Zamboanga Sibugay at nabimbin ng ilang buwan. Si Fr. Mick Sinnot, isang Irish Missionary, ay dinukot sa Pagadian City at nasa kamay ng kidnap-for-ransom-groups ng isang buwan noong 2009.

Ayon kay Chief Supt. Estilles, maaaring matagal na sa Kabasalan ang mga biktima sapagkat mayroon na silang mga kapiling na Filipina sa kanilang tahanan ng maganap ang pagdukot. Tiniyak ni Chief Supt. Estilles na patuloy ang kanilang pagsisiyasat at pagtugis sa mga nasa likod ng pagdukot sa dalawang Tsinong mangangalakal.

Wala pang pahayag ang mga opisyal ng Embahada ng Tsina sa Maynila.

 

Maganda ang kinahinatnan ng konsultasyon

NAGPALABAS ng maikling pahayag ang Kagawaran ng Ugnayang Panglabas ng Pilipinas.

Kasunod ng mga konsultasyon, ang dalawang maritime vessels ng Tsina at ang sasakyang-dagat ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources, ay lumisan na sa Bajo de Masinloc o Huangyan Shoal.

Patuloy na isasagawa ang mga konsultasyon upang matugunan ang nalalabing mga isyu na may kinalaman sa Bajo de Masinloc o Huangyan Shoal, dagdag pa ng Kagawaran ng Ugnayang Panglabas ng Pilipinas.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>