|
||||||||
|
||
Mga kaibigan, sino po ang pumapasok sa inyong isipan kapag binabanggit ang salitang bayani? Marahil, ang iba sa atin, ang sasabihin ay Dr. Jose Rizal, Andres Bonifacio, di kaya, Heneral Gregorio Del Pilar, o Ninoy Aquino. Siguro iyong iba naman, sasabihin, ang mga OFW.
Alin man diyan ang ating sagot, tama po lahat iyan. Pero, alam po ba ninyo na lahat tayo ay maituturing na bayani sa ating sariling paraan?
Minsan tayo ay bayani para sa ating mga natutulungan, tayo ay bayani para sa ating mga kapatid, mga magulang at kaibigan, o minsan naman, ang ating mga kaibigan kapatid, at magulang ay ating mga bayani.
Mayroon ding matatapat at mabubuting-puso na tsuper ng taxi, FX, at jeep na nagsasauli ng mga naiwan ng kanilang mga pasahero. Mayroon ding iba na nagbubuwis ng kanilang buhay para mabuhay at maging maligaya ang iba.
Kamakailan ay may isang pangyayari rito sa Tsina, na mainitan ngayong pinag-uusapan. Ito ay tungkol sa isang tsuper ng bus mula sa Hangzhou Long-distance Transport Group, na nagngangalang Wu Bin. Si Ginoong Wu ay 18 taon nang kasal at 48 taong gulang.
Lulan ang 24 na pasahero, habang tumatahak ang iminamanehong bus ni Wu Bin sa probinsyang Jiangsu, papuntang probinsyang Hangzhou sa bilis na 94 na kilometro bawat oras, bigla na lang may lumipad na piraso ng bakal na may bigat na 2.5 kilogramo at 30 sentimetro ang haba mula sa kabilang highway na bumasag sa windshield ng kanyang bus at tumurok sa kanyang gawing tiyan.
Ang resulta, ilan sa kanyang mga buto sa tadyang ay nabali at ang kanyang atay ay grabeng napinsala.
Sa kabila ng kanyang tinamong sugat, pinilit pa ring maayos na itabi ng pobreng tsuper ang bus sa gilid ng kalye.
Pinilit din niyang tumayo sa driver seat upang paalalahanan ang mga pasahero na bumaba ng maayos at mag-ingat dahil delikado ang manatili sa tabi ng highway.
Bago siya mawalan ng malay, sinabihan din niya ang ilan sa mga pasahero na tumawag ng pulis at humingi ng saklolo.
Agad namang dumating ang saklolo at naidala ang tsuper sa ospital. Pero, dahil sa kanyang tinamong pinsala, kahit ang makabagong medisina sa Tsina ay hindi naging sapat upang isalba ang kanyang buhay.
Ang kanyang huling salita sa kanyang asawa, habang sila ay magkahawak kamay ay "paalam." Sa kabila ng mabilis na pag-unlad ng ekonomiya at lipunan ng Tsina, maraming mga kritiko sa loob at labas ng bansa ang nagsasabing nawala na sa mga Tsino ang pagkamatulungin at kagandahang loob.
Anila, wala nang inatupag ang mga tao kundi magparami ng pera, at wala na silang pakialam sa ibang tao.
Dagdag pa nila, ang lipunan ng Tsina sa ngayon ay naging materialistiko at nakasentro lamang sa negosyo.
Sa tingin ko, ang ginawa ng tsuper na si Wu Bin ay isang pagpapatunay na buhay pa rin ang pagiging matulungin at kagandahang loob ng mga Tsino.
Sa kabila ng pinsalang kanyang natamo, inisip pa rin ng pobreng tsuper ang kapakanan ng kanyang mga pasahero, at sa kabila ng sakit na kanyang nararamdaman, nakuha pa niyang paalalahanan ang mga ito na mag-ingat at tumawag ng saklolo.
Dahil sa kanyang ginawa, mainitang tinanggap ng mga mamamayang Tsino ang gawaing ito, at tinagurian siyang isang bayani.
Maraming mga kaibigan at kanyang mga nailigtas na pasahero ang nagbigay pugay sa kanya at kanyang pamilya. Maging sa internet ay marami rin ang nagbibigay galang sa kanya.
Hayaan po ninyong basahin ko ang ilan sa mga ito.
Sabi ni Apple: Really moving. An ordinary driver's high sense of responsibility to his work and the passengers.
Sabi ni Ganzhuolin: A true hero indeed! Sadly such accidents are too common where there is heavy traffic.
Sabi Xie Hefu: Condolence to the family. Great action, exceptional humanity. So easy to confirm that there are still common people with great love to others. Thank you, sir. The world will not leave your family alone. We'll all gather around your family. Be at peace, sir.
Narito po ang maikling programa ukol dito:
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |