Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Matagumpay ang pagdalaw ni Pangulong Aquino sa United Kingdom

(GMT+08:00) 2012-06-07 17:36:28       CRI
NAGPALITAN ng kani-kanilang pananaw sina Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III at British Prime Minister David Cameron sa kanilang pagpupulong sa # 10 Downing Street.

Nagkasundo ang dalawang pinuno na ipagpatuloy ang pagtatalastasan sa pagitan ng mga opisyal ng dalawang pamahalaan. Nakatakdang isagawa ang third round ng Philippines United Kingdom High Level Talks sa London sa huling bahagi ng taon. Pagbabalik-aralan ng magkabilang panig ang mga paraan upang higit na yumabong ang magandang relasyon.

Binanggit din ni Pangulong Aquino ang pinakahuling nagaganap sa negosasyon sa Moro Islamic Liberation Front at kinilala rin niya ang mahalagang papel ng United Kingdon bilang founding at active member ng International Contact Group.

Ayon kay Prime Minister Cameron, patuloy na susuporta ang kanyang pamahalaan sa Mindanao Peace Process kabilang na ang pagbabahagi ng mga karanasan sa peace process na naging matagumpay sa Northern Ireland.

Nagkasundo ang dalawang pinuno na magtutulungan pa upang malabanan ang climate change, transnational crime at terorismo, maiwasan ang human trafficking at child exploitation, pagsusulong ng nuclear non-proliferation at disarmament at pagpapanatili ng kapayapaan sa daigdig.

Inanyayahan ni Pangulong Aquino si Prime Minister Cameron na dumalaw sa Pilipinas upang maging kauna-unanghang pinuno ng United Kingdom na makakadalaw sa Pilipinas.

Kasalukuyang nasa Estados Unidos na si Pangulong Aquino para sa kanyang tatlong araw na pagdalaw na maghahatid sa kanya sa White House at Capitol hill sa Washington, D. C. at sa Los Angeles, California. Makakaharap ni Pangulong Aquino ang iba't ibang opisyal ng America sa pamumuno ni Pangulong Barack Obama.

MINAHAN, UMAASANG MABIBIGYAN NG PAHINTULOT

KAHIT pa tinanggihan ng Department of Environment and Natural Resources ng Pilipinas ang Environmental Compliance Certificate ng Sagittarius Mines, Inc. noong nakalipas na taon, inilunsad pa rin nila ang kanilang 2011 Tampakan Project Sustainability Report sa Davao City at Metro Manila kamakailan.

Ayon kay Mark Williams, General Manager ng External Affairs ng SMI, ito na ang ikalimang sustainability report na inilathala ng Tampakan Copper-Gold Project. Unang inilabas ang kanilang report noong 2007 at sumunod sa Global Reporting Initiative o GRI G3 at ang Mining and Metals Sector Supplement guidelines.

Tuloy pa rin umano ang kanilang prohreso sa maraming inilaang targets para sa taong ito kahit pa nagkaroon na matinding "setback" noong 2011.

Magugunitang tinanggihan ng Department of Environment and Natural Resources ang kanilang Environmental Compliance Certificate noong 2011. Naharap din sila sa matinding security concerns sa kanilang pinagmiminahan at ang kawalan ng katiyakan dahilan sa pagbabawal ng pamahalaan ng South Cotabato sa open pit mining.

Ani Ginoong Williams, tuloy ang kanilang health, community at environment programs at nakita ang pag-angat sa mga proyektong ito kaysa noong nakalipas na taon.

Walong parangal ang kanilang natanggap kabilang na ang ika-apat na Presidential Mineral Industry Environmental Award, ang pinakamataas na parangal sa isang minahan mula sa gobyerno sa tagumpay nito sa kalusugan at kaligtasan, environmental management at community development.

Umabot na umanot sa 2.8 bilyong dolyar o 121 milyong piso na ang nagastos sa community development programs sa pagbibigay ng tunay at pangmatagalang kagalingan ng mga komunidad.

Idinagdag pa ni Ginoong Williams na inilabas nila sa madla ang kanilang findings sa Environmental Impact Assessment, na isa sa pinaka-komprehensibong pag-aaral na ginawa sa Pilipinas. Lumahok din umano sila sa National Greening Program sa pagtatanim at pagbabahagi ng seedlings sa lawak na 284 na hektarya.

Natulungan din umano nila ang pag-aaral ng higit sa 12,000 elementary, high school at college students sa school year na 2011-2012.

Sa idinaos na press briefing, binanggit din ni Ginoong Williams na ang kanilang proyekto ang nagdudulot ng pinaka-malaking foreign direct investment sa Pilipinas sapagkat aabot sa $ 6 bilyon ang halaga ng pagtatayo ng isang malaki at produktibong minahan.

PAGHAHANDA PARA SA PAGDIRIWANG NI BEATO PEDRO CALUNGSOD, ISINASAGAWA NA

PINAGHAHANDAAN na ng Simbahang Katoliko sa Pilipinas ang paghirang sa ikalawang Santo magmumula sa Pilipinas, si Beato Pedro Calungsod sa seremonyas na idaraos sa Oktubre sa Lungsod ng Vatican.

Ayon kay Arsobispo Luis Antonio Tagle, nagbubunyi ang sambayanang Pilipino sa pagkakataong ito at nakikilala na ang katapatan sa pananampalataya ng isang martir na katekista na kinilala sa pangalang Pedro Calungsod.

Pinaslang si Beato Pedro Calungsod samantalang kasama ng isang misyonerong Jesuita sa Guam mga ilang daang taon na ang nakalilipas.

Sa pagpupulong na dinaluhan ni Cebu Archbishop Jose S. Palma at Cebu Auxiliary Bishop Julito Cortes, isinasaayos na ng mga kasapi ng iba't ibang kumite ang palatuntunan upang masaksihan at mapakinggan ng mga Pilipino sa buong daigdig ang pagdiriwang sa darating na Oktubre sa Roma na pamumunuan ni Pope Benedict XVI.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>