Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Dalawampu't isang magdaragat na Pilipino, pinalaya ng mga pirata sa Somalia

(GMT+08:00) 2012-06-08 18:09:25       CRI

PINALAYA na ng mga piratang mula sa Somalia ang Motor Tanker Liquid Velvet na kanilang binihag noong ika-31 ng Oktubre, 2011 noong nakalipas na Lunes, ika-4 ng Hunyo.

Ang barkong rehistrado sa Marshall Islands ay pag-aari ng mga Griyego at may lulang mga kemikal at langis at may 21 mga tauhang pawang mga Pilipino.

Ayon kay Assistant Secretary Raul Hernandez, taga-pagsalita ng Kagawaran ng Ugnyang Panglabas, nabatid na ng mga pamilya ng mga magdaragat ang pagpapalaya sa kanila.

Idinagdag pa ni Ginoong Hernandez na naglalayag na ang barko patungo sa Salalah, Oman.

Inutusan na ang mga tauhan ng Embahada ng Pilipinas sa Muscat na tulungan ang mga tripulante sa oras na dumaong sa Port of Salalah.

Sa pangyayaring ito, 45 na lamang na magdaragat na sakay ng limang barko ang nananatili sa kamay ng mga pirata sa Gulf of Aden.

PAUTANG PARA SA MINDANAO, NILAGDAAN

ANG Bangsamoro Development Agency at dalawang civil society organizations and lumagda para sa isang bago at tatlong taong partnership na nagkakahalaga ng $ 3 milyon sa iallaim ng Mindanao Trust Fund Reconstruction and Development Program ng World Bank para sa pagpaparating ng basic services sa magugulong pook ng Mindanao. Magkakaroon ng development assistance sa may 20,000 tahanan sa 21 bayan sa siyam na lalagiwan sa Mindanao.

Sinimulan noong 2006, ang development program ay mayroong $ 16 milyon na mula sa iba't ibang grupo na sumusuporta sa economic at social recovery at nagsusulong ng mas malawak at maayos na pamamalakad sa magugulong pook sa Mindanao. Kasama sa pagpapatakbo ng palatuntunan ang Office of the Presidential Adviser on the Peace Process at Bangsamoro Development Agency.

Sumusuporta rin ang palatuntunan sa kakayahan ng Bangsamoro Development Agency na siya namang development arm ng Moro Islamic Liberation Front. Saklaw ito ng 2001 Tripoli Agreement sa pagitan ng pamahalaan ng Pilipinas at MILF upang alamin, pamunuan at patakbuhin ang relief, rehabilitation at pagpapaunlad sa magugulong pook ng Mindanao.

Noong 2011, ang palatuntunan ay nakapagtayo ng mga silid aralan, health stations, access roads, water supply systems at community centers sa 31,000 mga pamilya at nakapagpalawak ng coverage mula sa 62 hanggang 162 barangay sa 75 mga bayan.

SANDATAHANG LAKAS NG PILIPINAS, NAKA-ALERTO SA LABAN NI MANNY PACQUIAO

HINDI magpapabaya ang Sandatahang Lakas ng Pilipinas sa araw ng Linggo, ang araw nang pakikipagtunggali ng "Pambansang Kamao" Manny Pacquiao para sa pandaigdigang Welterweight Championship laban kay Timothy Bradley. Naka-alerto ang mga kawal at magpapatuloy ang security operations samantalang papayagang manood ang mga walang trabahong kawal ng pinakaaabangang laban.

Libreng manood ang mga kawal na walang assignment sa malalaking kampo tulad ng AFP General Headquarters Gym at Grandstand, Philippine Air Force Headquarters, Philippine Army Wellness Center, Officers' Clubhouse at ang Army General Hospital sa punong himpilan ng Hukbong Katihan.

Bukas din ang punong himpilan ng Hukbong Dagat ng Pilipinas para sa mga tauhan at mga pamilya nila. Ang multipurpose hall sa Naval Base sa Cavite na may kapsidad na 200 ay bukas din. Ang anim na tanggapan sa La Union, Legazpi, Puerto Princesa, Cebu, Zamboanga at Davao ay bukas din para sa mga manonood mula 200 hanggang 500 katao bawat lugar.

Ang mga kawal sa V. Luna o AFP Medical Center ay mayroon ding pagkakataong makapanood sa AFP Medical Center Auditorium.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>