Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pangulong Aquino, pamumunuan ang pagdiriwang ng Ika-114 ng Araw ng Kalayaan

(GMT+08:00) 2012-06-11 19:06:20       CRI

BAGONG pook ang pupuntahan ni Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III sa pagtataas ng bandila bukas ng umaga, para sa pagdiriwang ng ika-114 Anibersaryo ng Deklarasyon ng Kalayaan ng Republika ng Pilipinas.

Kinagawian na ng mga nakalipas na Pangulo ng Pilipinas na itaas ang watawat at mag-alay ng bulaklak sa sa harap ng bantayog ni Dr. Jose Protacio Rizal subalit ngayong tao'y sa Barasoain Church naman ito idaraos. Noong nakalipas na tao'y sa Kawit, Cavite isinagawa ang pagtataas ng watawat ng bansa.

Tradisyunal na idinaraos ito sa ganap na ika-pito ng umaga, subalit ngayo'y ganap ng ika-walo ng umaga ang pagsisimula ng mga seremonya.

Makakasama ni Pangulong Aquino sina National Historical Commission of the Philippines chairperson Maria Serena I. Diokno, Bulacan Governor Wilhelmino Sy-Alvarado, Congresswoman Ma. Victoria Sy-Alvarado, Punong Lungsod ng Malolos Christian D. Natividad, AFP Chief of Staff General Jessie D. Dellosa at PNP Chief Director General Nicanor A. Bartolome.

Samantala, pamumunuan naman ni Vice President Jejomar C. Binay ang pagtataas ng bandila at pag-aalay ng mga bulaklak sa bantayog ni Dr. Jose Protacio Rizal sa Luneta.

Si Senate President Juan Ponce-Enrile naman ang mamumuno sa flag-raising at wreath-laying ceremonies sa Kawit, Cavite at si Kalihim Leila de Lima naman ang mamumuno sa seremonyas sa bantayog ni Gat Andres Bonifacio sa Kalookan City.

Nakatakdang magtalumpati si Pangulong Aquino sa kahalagahan ng pagdiriwang matapos ang pag-aalay ng mga bulaklak at pagtataas ng watawat.

Ganap na ika-sampu ng umaga, darating si Pangulong Aquino sa Malacanang. Makikinig siya sa mga pagbati ng mga kinatawan ng iba't ibang bansa. Pamumunuan ni Pangulong Aquino ang tradisyunal na Vin d' Honneur sa Rizal Hall ng Malacanang.

Mag-aalok siya ng toast sa mga kinatawan ng iba't ibang bansa samantalang sasagot naman ang Dekano ng Diplomatic Corprs sa pamumuno ni Archbishop Guieseppe Pinto, na kumakatawan sa Vaticano.

MGA BIKTIMA NG TRAHEDYA, NANAWAGAN SA PAMAHALAAN: "HUWAG NINYO KAMING PABAYAAN!"

SA pagsapit ng ika-apat na anibersaryo ng paglubog ng M/V Princess of the Stars sa may lalawigan ng Romblon sa susunod na linggo, nanawagan ang mga kamag-anak at mga nakaligtas sa trahedya na huwag naman sana silang malimutan ng pamahalaan sa paghahanap ng katarungan.

Pinamumunuan ni Ernesto Clarin, ang samahang "Justice for the Victims of Princess of the Stars" ay patuloy na umaasang matatamo rin nila ang katarungan para sa kanilang mga mahal sa buhay na pumanaw sa trahedyang naganap noong ika-21 ng Hunyo 2008.

Ayon kay Ginoong Clarin, halos apat na taon nasa hukuman ang kanilang mga reklamong sibil sa Cebu at reklamong kriminal sa Maynila at wala pang nakikitang liwanag. Ani Ginoong Clarin, nagpapasalamat sila sa Public Attorney's Office sa ilalim ni Chief Public Attorney, Atty. Persida V. Rueda-Acosta sa walang humpay na pagtulong sa mga biktima ng trahedya. Malaki umanong utang-na-loob ang paglilingkod na ginagawa ng tanggapan ni Atty. Acosta sa interes ng mga biktima.

Nalulungkot umano sila sapagkat ang kumpanya ng barkong sangkot sa insidente ay matagal nang natampok sa mga sakuna na kinabibilangan ng pagbangga ng M/V Dona Paz sa Motor Tanker Vector noong ika-20 ng Disyembre 1987 na ikinasawi ng halos 4,500 katao. Ito umano'y mas malagim kaysa sa sinapit ng M/V Titanic may isang daang taon na ang nakalilipas.

Nasangkot din ang M/V Dona Marilyn na ikinasawi ng 254 katao dahilan naman sa sama ng panahon sa karagatan dala ng bagyong "Unsang." Naganap na naman ang isang trahedya noong ika-18 ng Setyembre, 1998 na ikinasawi ng may 150 katao.

Ayon kay Ginoong Clarin, noong ika-21 ng Hunyo 2008, lumubog naman ang Princes of the Stars na ikinasawi ng may 825 mga pasahero.

Idinagdag pa ni Ginoong Clarin na lubha siyang nagtataka kung paano nakapagpalit ng pangalan ang kumpanya ng Sulpicio Lines samantalang hindi pa nakakapagbayad sa mga napinsala.

Ngayo'y kilala na ang pangalan ng dating Sulpicio Lines sa Philippine Span Asia Carrier Corporation.

Sa darating na ika-21 ng Hunyo, idaraos ang paglilitis sa usaping sibil sa Cebu City Regional Trial Court. Itatanghal si Rear Admiral Luis Tuason, Vice Commandant ng Philippine Coast Guard bilang saksi ng paglilitis.

PAGPAPATIBAY NG CYBERSECURITY, MAHALAGA SA BANSA

MAHALAGA ang pagpapahusay ng cyber security capabilities ng Pilipinas kaya't kailangan ang maayos na cyber security infrastructure at matugunan ang pangangalangan sa impormasyon at komunikasyon dahilan sa mga cyber attacks na nagaganap.

Sa kanyang talumpati sa pagtatapos ng Information and Communications Technology Development and Cyber Security Enhancement Workship ng National Defense College of the Philippines, sinabi ni Ginoong Binay na ang information systems ng alinmang bansa ay 'di nakikita tulad ng mga hangganan sa pag-itan ng mga bansa subalit napakahalaga nito sa soberenya ng bansa.

Ang internet ay naging "borderless venue of information technology" at nakatutugon sa anumang layunin tulad ng personal propaganda.

Kung wala umanong magagawa, magagamit ng mga makabagong criminal ang teknolohiya upang isulong ang kanilang labag sa batas na gawain.

Ang cyber attacks sa malawakang kalakaran ang siyang magpapalugso ng political at economic position ng alinmang bansa. Kung hindi umano magtutulungan ang mga bnasa at kung walang susunduin alituntunin, kaduda-duda na hindi makakatugon ang alinmang bansa sa mga susunod na cyber attacks sa mga susunod na panahon.

Mabuti na lamang umano't isinusulong ng mga mambabatas ang pagpapasa ng Cyber Security Act of 2012.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>