Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pelikulang Tsino, nood tayo!-Hear Me

(GMT+08:00) 2012-06-18 18:40:43       CRI

Director Cheng Fenfen

Cast: Eddie Peng, Ivy Chen, Michelle Chen, Lo Peian, Lin Meihsiu

Poster ng Pelikula

BUOD NG KWENTO:

Ang Hear Me ay isang light hearted na love story nila Si TIAN KUO (Eddie Peng) at YANG YANG (Ivy Chen). Si Yang Yang ay masipag at maalalahaning kapatid ni XIAO PENG (Michelle Chen) isang swimmer na bingi. Nag tratrabaho si Yang Yang para suportahan ang kapatid na balak sumali sa Deaflympics. Masayahing delivery boy naman si Tian Kuo. At isang araw matapos magdala ng pagkain sa ensayo ng swimming team ni Xiao Peng, na love at first sight si Tian Kuo kay Yang Yang.

Si Eddie Peng sa pelikula

Si Ivy Chen sa pelikula

Pero akala ni Yang Yang bingi din Xiao Peng at iniwasan nito ang manliligaw. Kasunod nito ang paglalahad ng kwento ng pag-ibig, pakikisama, pakikipag-usap, pang-unawa at ang pagpapahalaga sa pamilya.

KOMENTO:

Sign Language ang gamit ng mga bida imbes na dialogo. Handog ng pelikula ang pag silip sa buhay ng mga kabataang bingi. Mahirap magka-intindihan kung ganito ang sitwasyon pero kung bukas ang kaisipan at tunay ang nararamdaman, pasasaan ba't magkakamabutihan ang mga tauhan sa kwento. Ika nga nila di-kailangan sambitin, mas mainam kung ipararamdam ang pag-ibig.

Isang tagpo sa pelikula

Oo nga't love story ang Hear Me, pero kung susuriin pokus din ng pelikula ang buhay ng mga ordinaryong tao na kabilang sa "lower class" na nagbababat ng buto para kumita, maganda ang pananaw ukol sa trabaho, simple at masigasig kaya naman madaling makaka relate ang mga manonood dito.

Mahirap man ang buhay, positibo at masaya pa rin ang pananaw . At pinalutang ito ng direktor, Ito marahil ang dahilan kung bakit pumatok ito sa takilta at naging isa sa pinaka matagumpay na pelikula sa Taiwan noong 2010.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>