|
||||||||
|
||
ANG inilathalang larawan ng mga tauhang Tsino na may hawak na bandila ng Tsina sa Huangyan Island sa Philippine Daily Inquirer ay isang lumang larawan na kuha noong dekada otsenta ng magsagawa ng survey ang isang Chinese ocean expedition team sa Huangyan Island.
Maraming pagkakataon nang nagpadala ng expedition teams ang Tsina sa Huangyan Island, dagdag ni Ginoong Zhang Hua, tagapagsalita ng Embahada ng Tsina sa Pilipinas. Ang mga siyentipiko ng South China Sea Institute of Oceanology of the Chinese Academy of Sciences ang nagtungo na sa Huangyan Island noong Oktubre, 1977 at Hunyo 1978,
Idinagdag pa ni Ginoong Zhang na ang South China Sea Branch of the State Oceanic Administration ang bumuo ng isang malawakang survey sa Huangyan Island noong Abril 1985. Ang Chinese South China Sea Scientific Expedition Team ay bumalik sa Huangyan Island noong 1994.
Nagkaroon din ng mga radio exploration activities noong 1994, 1995, 1997 at 2007. Sa larawang ito, ani Zhang, pag-aari talaga ng Tsina ang Huangyan Island.
MULING iginiit ni Ginoong Zhang Hua ng Embahada ng Tsina sa Maynila na ang Huwangyan Island ay bahagi ng nasasakop ng Tsina. Nananawagan ang Tsina sa Pilipinas na alisin na ang mga sasakayang dagat nito mula ng magkaroon ng sigalot kamakailan. Napuna ng Tsinana ang dalawang sasakyang-dagat ng Pilipinas ay umalis na sa tinatawag na Bajo de Masinloc noong madaling araw ng Sabago ay umaasa silang higit na gagaan ang situasyon sa pagkakaroon ng bilateral cooperation sa pagitan ng dalawang bansa sa medaling hinaharap.
Ikinagulat ng mga Tsino kung ano ang binabanggit ng panig ng Pilipinas na aalisin ng Tsina ang mga sasakyang dagat nito. Sana raw ay huwag nang magkaroon ng mga ganitong mga kataga at higit ng kumilos upang mapa-igting ang relasyon ng dalawang bansa.
Sa pagkaka-alam umani ni Ginoong Zhang Hua, dahilan sa maalong karagatan, ang mga barkong pangisda ng Tsina ay umalis din upang magkanlong. Para sa kaligtasan ng mga Tsinong magdaragat at ng kanilang mga sasakyang dagat, ipinadala ng China Rescue and Salvage ang isang barko upang tumulong sa kahilingan ng China Fishery Administration at ng mga mangingisda. Kasabay nito, pangangalagaan at babantayan nila ang mga karagatan sa paligid ng Huangyan Island.
BATANG PINOY, UMAASANG MAGIGING NORMAL NA ANG BUHAY
ISANG 12-taong gulang na batang lalaki ang umaasang magiging normal na ang kanyang buhay matapos ang kanyang paninirahan sa Syria kasama ang kanyang mga magulang na kapwa manggagawang Pilipino.
Humingi siya ng tulong sa Embahada ng Pilipinas sa Syria upang makapag-aral, makapag-aral sa Pilipinas ng ligtas sa kaguluhang nagaganap sa kanyang kinagisnang lupain.
Kabilang siya sa 28 repatriates na darating ngayong ika-sampu ng gabi sakay ng Emirates Airlines flight EK 334.
Tatlumpu't isang overseas Filipino workers ang nakatakdang dumating sa bansa bukas ng ika-apat ng hapon sakay ng Emirates flight EK 332. Dalawang iba pa ang dumating noong ika-17 ng Hunyo.
ARSOBISPO NANAWAGAN NA PANGALAGAAN ANG KAPALIGIRAN
NANAWAGAN si Palo Archbishop John Du sa mga kinauukulan na siyasatin ang pagkapinsala ng mga palayan sa Lake Bito, Mac Arthur, Leyte, ang lugar na pinagmiminahan umano ng Nicua Mining Corporation, sinasabing kumpanyang Tsino. Dumalaw din ang arsobispo sa barikadang inilagay ng mga mamamayan dahilan sa peligrong dulot ng minahan mula pa noong nakalipas na ika-tatlumpu ng Abril.
Lubhang nalungkot ang arsobispo sa kanyang nakita. Mula noong Marso 15 hanggang ika-12 ng Mayo, dalawang fish kill na ang naganap sa Lake Bito na pinagmumulan ng magnetite mining. Wala umanong kasalanan ang minahan sa fish kill ayon sa Mines and Geosciences Bureau.
Sa pagsisiyasat naman ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources, nalaman na ang fish kill ay dahilan sa domestic pollution, aquaculture practices at kontaminasyon mula sa minahan. Sa pagsusuri ng Department of Science and Technology, nagkaroon ng over-concentration ng langis at grasa sa lawa ay mas mataas kaysa sa karaniwang standards.
Ang minahan ay tuloy sa gawain sa loob ng 24 na oras at ikinatuyo na ng tubig sa mga kalapit na pook.
Nanawagan na sila kay Director Leo Jasareno ng Mines and Geosciences Bureau at Department of Environment and Natural Resources Secretary Ramon Paje na dalawin ang pook ang magsagawa ng pagsisiyasat.
Nag-utos na rin ang Department of Agrarian Reform na siyasatin ang illegal conversion ng farm lands upang gawing mga minahan. Ipinagtataka rin ni Director Eliasem Castillo ang pagmimina sa lupaing sakahan.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |