Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Kababaihan, kalahati ng kalangitan

(GMT+08:00) 2012-06-21 09:56:51       CRI

Minsan ay sinabi ni Chairman Mao Zedong, na "Hawak ng mga Kababaihan ang Kalahati ng Kalangitan." Ito ay bilang pagkilala sa pagkakapantay-pantay ng mga lalaki at babae sa Tsina, at pagkilala sa karapatan at kontribusyon ng mga kababaihang Tsino sa pag-unlad ng mundo. Noong nakaraang Sabado, ang mga katagang ito ay literal na nagkatotoo.

Ganap na ala sais treinta y siete (6:37pm) ng gabi, Sabado, eastern time, inilunsad ang Shenzhou 9, manned spacecraft ng Tsina patungo sa kalawakan. Ang misyon ng naturang sasakyang pangkalawakan ay makipaghugpong sa Tiangong I, space laboratory module sa pamamagitan ng pagkontrol ng mga astronaut. Sakay nito ang tatlong astronaut na sila Jing Haipeng, Liu Wang, at Liu Yang, kauna-unahang babaeng astronaut na Tsino. Pareng Rhio, ito na ang kaganapan ng mga katagang binitiwan ni Chairman Mao, na hawak ng mga kababaihan ang kalahati ng kalangitan.

Maaring ang ibig sabihin ni Chairman Mao nang banggitin niya ang mga salitang iyon ay ang pagkapantay-pantay ng mga babae at lalaking Tsino. Pero, sa pagkakalunsad ng Shenzhou 9, ang salitang ito ay nagkaroon ng mas makabuluhan at mas malalim na kahulugan. Sa ngayon, ang kalahati ng kalangitan ay totoong hawak na ng mga kababaihan

Simula nang isagawa ng Tsina ang programa nito sa mapayapang paggamit ng kalawakan, napakarami na rin ang mga pag-unlad na nakamtan, kagaya ng pagpapadala ng ibat-ibang misyon sa kalawakan (Shenzhou I to VIII), paglulunsad ng Tiangong I, paghuhugpong ng Tiangong I at Shenzhou VIII, at siyempre, ang pagpapadala ng kauna-unahang babaeng astronaut na Tsino sa kalawakan.

Buhay at pinagmulan ni Liu Yang

Si Liu Yang ay tubong probinsyang Henan. Siya ay 33 taong gulang, may asawa, mahilig sa mga bata, magaling sa pagtatalumpati, at mahilig ding magluto. Nang mapanood niya sa telebisyon ang kauna-unahang pagpapadala ng astronaut ng Tsina sa kalawakan noong 2003, naitanim sa kanyang isipan ang tanong na "ano kaya ang hitsura ng mundo mula sa kalawakan?" Ang pangyayaring ito ang nagsilbing inspirasyon upang siya ay maging unang babaeng Tsino sa kalawakan, matapos ang 9 na taon.

Pagkaraan niyang magtapos sa mataas na paaralan, isang guro ang kumumbinse sa kanya na pumasok sa paaralan ng mga abyador (aviation school), at noong 1997, naging miyembro siya ng People's Liberation Army (PLA). Pagkatapos ng 1,680 oras na pagpapalipad ng eroplano, siya ay naging isang beteranong piloto at naging pangalawang lider ng isang yunit panghimpapawid. Noong Mayo ng 2010, isa siya sa mga napili na sanayin upang maging astronaut ng Tsina.

Pagkatapos ng dalawang taon pagsasanay, nahubog ang mga kakayahan ni Liu Yang bilang astronaut. Nagpakita rin siya ng mga kagalingan na nag-angat sa kanya sa kanyang mga ibang kasamahan. Dahil dito, napili siya bilang isa sa mga piloto ng Shenzhou IX.

Sa isang panayam, sinabi ni Liu, "noong piloto ako, lumipad ako sa kalangitan. Pero, ngayong ako ay isa nang astronaut, lilipad naman ako sa kalawakan. Ito ay isang mas mataas at mas malayong paglalakbay." Dagdag pa niya, "nagpapasalamat ako sa aking bansa at aking mga kababayan. Ikinararangal kong lumipad sa kalawakan alang-alang sa daang milyong babaeng Tsino.

Ayon naman kay Jing Haipeng, komander ng naturang misyon, "kahit huling nagsimula ng pagsasanay si Liu Yang, ang kanyang kakayahan sa ngayon ay kapantay na ng sinuman sa mga miyembro ng misyon." "

Siya ang mamamahala sa mga eksperimentong medikal sa kahabaan ng misyon. Malaki rin ang kanyang responsibilidad sa paghuhugpong ng Tiangong I at Shenzhou 9, dahil isa siya sa mga magkokontrol ng paghuhugpong na ito.

 

 

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>