Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Mga manggagawang Pinoy sa Europa, nababahala dahilan sa krisis

(GMT+08:00) 2012-06-29 21:10:53       CRI

BAGAMA'T wala pang masusing pag-aaral sa nagaganap sa mga manggagawang Pilipino sa Europa, base sa mga panayam sa kanila'y marami ang nababahala kung ano ang mangyayari sa kanila.

 Ito ang ibinalita ni Dr. Maruja M. B. Asis ng Scalabrini Migration Center, isang dalubhasa sa mga isyu ng migration.  Mayroong dalawang araw na pagpupulong sa Ateneo de Manila University ang mga pari, madre, seminarista at mga layko na aglilingkod sa mga OFW sa iba't ibang bahagi ng daigdig.

Ito ang bahagi ng aking panayam kay Dr. Maruja M. B. Asis ng Scalabrini Migration Center na nagsabing nangangamba ang mga manggagawang Pilipino sa Espanya at Italya na matinding epekto ng Eurocrisis.

Nakapanayam ko si Dr. Asis sa pagdaraos ng dalawang araw na International Conference on Migration, Religious Experience and Mission with Migrants in Asia sa ika-25 taong anibersaryo ng pagkakatatag ng Scalabrini Migration Center, sa Ateneo de Manila University.

Ayon kay Dr. Asis, nangangamba ang mga manggagawa sa kanilang seguridad at kung anong mangyayari sa kanilang pension contributions sa nakalipas na ilang taon sapagkat matindi ang problema ng kani-kanilang mga pamahalaan.

Noong nakalipas na 2008, kung deployment ang pag-uusapan, hindi gasinong apektado ang mga Pilipinong manggagawa sapagkat kalat sila sa napakaraming bansa. Ang mga manggagawang mula sa Timog Asya ay karaniwang nasa Saudi Arabia lamang at ilang bansa sa Gitnang Silangan kaya't kung ano ang magaganap sa mga bansang ito'y tiyak na apektado ang mga migrant worker.

Ang mga kasambahay ay patuloy pa ring hinahanap sa iba't ibang bahagi ng daigdig. Nararapat pa ring suriin ang kanilang mga kalagayan sapagkat karaniwang nagkakaroon ng mga pag-abuso sa kanilang mga karapatan. Hindi rin kailangang basta tingnan ang bilang ng mga manggagawang nasa domestic work sapagkat iba't iba ang kanilang kalagayan.

Kung remittances ang pag-uusapan, bagama't hindi bumaba ang naipadalang salapi ng mga manggagawa mula sa iba't ibang bahagi ng daigdig, hindi naman naging malaki ang napadagdag sa remittances noong mga nakalipas na panahon. Noong 2011, umabot sa $ 21 bilyon ang naipadala ng mga Pilipinong nasa labas ng Pilipinas.

Kung si Dr. Asis ang tatanungin, iminungkahi niyang suriin din ang kanilang kinalalagyan sapagkat may ang posibilidad na isinangla na nila ang kanilang pasaporte at nakapangutang sa mga loansharks makapagpatuloy lang ang kanilang pagpapadala ng salapi sa kanilang pamilya sa Pilipinas.

Malaki ang nawala sa potensyal ng mga narses na makarating sa United Kingdom at Estados Unidos sapagkat tila tapos na ang kanilang pangangailan para sa health professionals. Ani Dr. Asis, kung mayroon mang mga narses na umaalis ng bansa, sa Saudi Arabia na sila nagtutungo.

Noong 1997 Asian financial crisis, hindi rin naapektuhan ang mga manggagawang Pilipino sapagkat bibihira ang mga taga-Singapore na tatanggap ng domestic work, tulad rin ng mga taga-Hong Kong. Inihalimbawa rin niya ang plantation workers ng Malaysia na nakalaan para sa mga migranteng manggagawa lamang. Hindi nagkakaroon ng kumpitensya sa mga migrant at local workers, dagdag pa ni Dr. Asis.

Subalit niliwanag niya na kailangang alamin ang kalagayan ng mga manggagawa sa mga sektor na ito sapagkat karaniwan silang hindi binabayaran ayon sa nakasulat sa kanilang mga kontrata.

Iba na rin ang mga problema ng mga migranteng Pilipino sa Hapon. Magugunitang wala nang mga entertainer na ipinadadala sa Hapon mula pa noong 2005. Kung mayroon mang nakakapasok sa Hapon ay sa unauthorized channels idinaan. Mga isyung pang-pamilya na ang hinaharap ng mga Pilipino doon tulad ng mga paraan upang magtagal ang buhay mag-asawa ng Pilipina at Hapon. Problema rin ang kalagayan ng mga batang isinilang sa mga inang mula sa Pilipinas at amang mula sa Hapon sapagkat nabibiktma ng kakaibang pagtrato sa mga paaralan. Kinatantiyawang hindi purong Hapones ang kanilang dugo, hindi makapagsalita ng Nippongo at nabibiktima ng "bullying" sa paaralan.

May sapat namang ginagawa ang pamahalaang Pilipino ayon kay Dr. Asis subalit kulang pa sa pagpapatupad ng mga napapaloob sa mga batas na nagbibigay ng proteksyon sa mga manggagawang nasa ibang bansa. Kailangan umanong maglaan ng salapi ang pamahalaan upang higit na magampanan ng mga ahensya nito ang kanilang responsibilidad sa mga mamamayan.

Nanawagan si Dr. Asis sa mga Pilipinong huwag mawawalan ng pag-asang magkaroon ng magandang buhay sa Pilipinas sapagkat hindi lahat ng lumalabas ng bansa ay nagtatagumpay. Malaki rin ang nawawala sa mga umaalis ng bansa tulad ng kawalan ng ama o ina sa pagpapalaki ng kanilang mga suplig.

Mas makabubuting pag-isipan ng mamalim ang anumang desisyong gagawin kung magtatrabaho sa ibang bansa, dagdag pa ni Dr. Asis.

PILIPINAS, NANAWAGAN SA MGA BANSANG ASEAN: "PAGTULUNGAN ANG KAMPANYA LABAN SA CYBER PORNOGRAPHY"

KAILANGAN ang pagtutulungan ng mga bansang kabilang sa Association of South East Asian Nations upang masugpo ang cyber pornography at cyber prostitution.

Ito ang panawagan ng Department of Social Welfare and Development, ang punong abala sa social protection at promotion ng mga karapatan at kalagayan ng mga mahihirap at vulnerable sector sa bansa. Nagtapos ang tatlong araw na pagpupulong kamakailan.

Pinangasiwaan ng DSWD ang tatlong araw na pagpupulong ng mga bansang ASEAN upang mapunuan ang pagkukulang sa batas at maipatupad ang malawakang programa para sa mga biktima ng cyber pornography at prostitution.

Sa pagyabong ng teknolohiya, ginagamit na rin ito ng mga sindikato upang mangalap ng mga kabataan upang pagkakitaan sa pamamagitan ng pornography at prostitusyon.

Nanawagan si Undersecretary Parisya H. Taradji sa mga delegado na pag-ibayuhin ang kanilang mga kampanya laban sa krimen sapagkat patuloy na tumataas ang bilang ng mga biktiam. Kailangan umanong mailigtas ang mga mahirap sa ganitong kalagayan.

Dumalo sa pagtitipon ang mga kinatawan ng Brunei Darrusalam, Camboadia, Indonesia, Lao People's Democratic Republic, Singapore, Thailand, Vietnam at Pilipinas.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>