Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pelikulang Tsino, nood tayo!-Mulan

(GMT+08:00) 2012-07-02 20:43:02       CRI

Sikat na sikat sa mga batang Pinoy si Mulan dahil sa Disney animated movie at sa musical ng Repertory Philippines. At syempre malapit ang pelikula sa pusong Pinoy kasi si Lea Salonga ang singing voice ni Mulan.

Poster ng pelikula

Dito naman sa Tsina, isang totoong bayani si Mulan. Sya ay isang babaeng heneral. At ang kwento nya ay isang folksong na nagpasalin-salin na sa maraming henerasyon ng mga Tsino. Sa middle school kasama sa paksang pinag-aaralan ang ambag ni Hua Mulan sa kasaysayan.

Ipinagbubunyi ngayon sa Tsina ang tagumpay ng first lady astronaut kaya naman isang pelikulang nagbibigay pugay sa papel ng kababaihan ang napili namin.

Ang pelikulang MULAN ay pinagbibidahan nila

• Zhao Wei as Hua Mulan

Si Zhao Wei, bilang Mulan sa pelikula

• Chen Kun as Wentai

Si Chen Kun, bilang Wentai sa pelikula

• Hu Jun as Mendu

• Jaycee Chan as Fei Xiaohu

Si Jaycee Chan, anak ni Jackie Chan, sa pelikula

• Nicky Lee as Hu Kui

• Liu Yuxin as the Rouran princess

• Yu Rongguang as Hua Hu

• Sun Zhou as the Wei emperor

• Vitas as Gude ( Russian singer nag iisang foreigner sa pelikula)

Si Vitas sa pelikula

Ang direktor ng pelikula ay si Jingle Ma at ang Screenplay ay mula kay Zhang Ting.

Maganda ang pagkakagawa ng Hua Mulan, de kalidad ito. Maging ang character development ni Hua Mulan ay walang butas ang pagkakasulat. Pulido ang mga war scenes. Ang mga mensahe ng pelikula na pag-aalaga sa ama, pagtatanggol sa bayan, pagpaparaya sa sariling kasiyahan para sa kapakanan ng taong bayan ay banayad na inilahad. Ang Hua Mulan ay isang siryosong war movie, at wala itong puwang para sa lelembot-lembot na bida. Dahil dito pinuri ang pagganap ni Zhao Wei. Happy viewing dahil makikita na sa mga sikat na web hosting sites sa Pilipinas ang pelikula.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>