Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Tsina, umaasang mananatiling payapa ang asia-pacific region

(GMT+08:00) 2012-07-04 19:04:15       CRI
Tsina, umaasang mananatiling payapa ang asia-pacific region

SA likod ng balitang baka humingi ng tulong si Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III sa Estados Unidos upang magpadala ng mga eroplanong magpapatrolya sa karagatan sa kanluran ng Pilipinas, sinabi ni Ginoong Zhang Hua, tagapagsalita at Political Officer ng Embahada ng Tsina sa Pilipinas, na narinig nila ang mga pahayag at inulit niya ang layunin ng panig ng Tsina a mapapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa Asia-Pacific region at ang magkabilang panig ay magpapatuloy na kikilos tungo sa kapayapaan at katatagan.

Hindi magtatagal ay idaraos ang ASEAN Regional Forum sa Cambodia at umaasa ang panig ng Tsina na makapalitan ng mga pananaw ang magkabilang panig tungkol sa relasyong namamagitan sa China at ASEAN, pagtutulungan ng mga bansang nasa Silangang Asia, Asia Pacific security cooperation at ang pangrehiyon at pandaigdigang kalagayan at makapaghanda para sa nalalapit na East Asian Summits sa darating na Nobyembre.

Ayon kay Ginoong Zhang, umaasa sila na ang matatamong pagtutulungan ay magdudulot ng pagtitiwala sa mga bansang nasa Asia at mapanatili ang kapayapaan, katatagan at kaunlaran.

Isang mahalagang kalipunan ang ASEAN Regional Forum Foreign Ministers Meeting sa pagpapalakas at pagpapasigla ng pagtutulungan. Hindi ito ang tamang okasyon upang pag-usapan ang isyu sa South China Sea.

Bukas ang linya ng komunikasyon sa pagitan ng Tsina at iba pang bansa. Handa ang Tsina na makipagusap sa mga bansang interesado na malutas ang mga isyung bumabalot sa South China Sea sa mapayapang paraan.

KALIHIM LACIERDA, NANAWAGAN SA TSINA: MAGING MAINGAT SA MGA PAHAYAG

NAGBABALA ang taga-pagsalita ni Pangulong Aquino, si Kalihim Edwin Lacierda sa Tsina na maging maingat sa mga pananalita. Sa press briefing na ibinalita ng mga mamamahayag mula sa Malacanang, sinabi niya sa wikang Mandarin ang "Xiao xin yi dian" o "Maging maingat sa mga pananalita," tungkol sa napalathala sa People's Daily na ang Pilipinas ay nagtatangkang painitin ang tension sa West Philippine Sea o South China Sea.

Ang nalathala sa People's Daily ay nag-ugat sa sinabi ni Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III sa panayam ng Reuters na kabilang sa posibleng gawin ng Pilipinas ay ang paghingi ng tulong sa America para sa US surveillance upang bantayan ang mga nagaganap sa pinagtatalunang mga kapuluang nasa kanluran ng Pilipinas.

Ayon kay Kalihim Lacierda, makikita sa transcript ang konteksto ng pahayag ni Pangulong Aquino. Hindi umano nagpapainit ng situwasyon ang pahayag na ito, dagdag pa ng tagapagsalita ng pangulo.

Sinabi naman ni Kalihim Ricky Carandang ng Presidential Communications Group na ang kahilingang magkaroon ng surveillance planes ay isa lamang sa pinagpipilian at wala pang desisyong ginagawa si Pangulong Aquino.

PILIPINAS, LUMAGDA SA FINAL ACT NG TRATADONG BINUO SA BEIJING

LUMAGDA ang Pilipinas sa "Final Act" na sumasangayon at kumikilala sa Tratado upang magkaroon ng proteksyon ang Audiovisual Performances sa Beijing, China noong Martes, ika-26 ng Hunyo.

Ayon kay Director General Ricardo R. Blancaflor ng Intellectual Property Office, ang tratado ay nagbibigay sa mga artista, mga mang-aawit, at iba pang alagad ng sining na ang gawa'y nakakasama sa mga pelikula, naisasahimpapawid at naikakalat sa internet, ng ilang karapatang kumita at makontrol ang paggamit sa kanilang mga ginawa na kumikilala rin sa interes ng mga producer at ng mga manonood.

Sa ilalim ng tratadong ito, ang mga artistang tulad ni Dolphy, ay nakatitiyak na ang kanilang mga pagtatanghal ay may proteksyon sa buong daigdig at maaaring pagkunan ng salapi para sa kanila at kanilang pamilya. May isang taon ang Pilipins na sumang-ayon sa nilalaman ng dokumento.

BAGONG PANGULO NG WORLD BANK, BINATI NI KALIHIM PURISIMA

BINATI ni Kalihim Cesar V. Purisima ang ika-12 Pangulo ng World Bank na nagsimulang manungkulan ngayon. Ang bagong pangulo ng World Bank ay si Dr. Jim Yong Kim.

Sa isang pahayag, sinabi ni Kalihim Purisima na napakahirap ng panahon ngayon para sa pandaigdigang ekonomiya at napakahalaga para sa isang institusyon tulad ng World Bank na matiyak na may sapat itong kakayahang makagawa ng mga palatuntunang pangkaunlaran. Umaasa ang Pilipinas na kakayahin ni Dr. Kim na pamunuan ang ahensya sa pagkakaroon ng technical at financial support sa mga bansang nais magkaroon ng kaunlarang pangekonomiya at mabawasan ng malaki ang kahirapan.

Sinuportahan ng Pilipinas ang kandidatura ni Ginoong Kim at tinitiyak din ang patuloy na suporta para sa World Bank Group. Ani Ginoong Purisima, umaasa rin ang bansa na higit na maisusulong ang mas malaking representation at mas malalim na democractization sa loob ng bangko at makapagpatupad ng epektibo at maayos na paraan upang mabawasan ang kahirapan sa buong daigdig.

PAMAHALAAN, NAGLAAN NG 86,000 EKTARYANG LUPAIN SA MGA KABUNDUKAN PARA PAGTAMNAN NG KAPE

MAYROONG 86,000 ektarya sa mga kabundukan upang pagtanman ng kape sa ilalim ng National Greening Program.

Ayon kay Kalihim Ramon J. Paje, ang pagsasama sa kape sa ilalim ng high-value crops na itatanim sa ilalim ng palatuntunan ay tumutugon sa food security objective ng pamahalaan.

May 25,000 ektarya ang matatamnan sa Cordillera region, 12,000 ektarya sa Cagayan Valley, at 10,000 ektarya sa Timog Mindanao. Samantala, mayroon ding mga pagtatamnan na tig-lilimang libong ektarya sa Gitnang Luzon, Southern Tagalog at Mimaropa regions. Mayroong tig-aapat na libong ektarya sa Bicol, Gitnang Kabisayaan at Silangang Kabisayaan. May tig-dadalawang libong ektarya naman sa Hilagang Kanlurang Mindanao at Gitnang Mindanao. May tig-iisang libong ektarya sa Ilocos Region, Kanlurang Kabisayaan at Caraga Region.

PAGPASLANG SA ISANG DUTCH NATIONAL, KINONDENA

IBA'T IBANG alagad ng simbahan ang nagpaabot ng kanilang pag-kondena sa pagpasalang kay Willem Geertman, 67 taong gulang na binaril ng dalawang lalaking sakay sa isang motorsiklo sa harap ng tanggapan ng kanyang non-government organization sa San Fernando City, Pampanga.

Si Geertman ay executive director ng Alay Bayan Inc., isang grupong kasama ng Alyansang Magbubukid ng Gitnang Luzon, ang samahang kabilang sa mga magsasaka mula sa Hacienda Luisita.

Ikinalungkot ni Bishop Broderick Pabillo ang insidente. Isang banyagang tumutulong sa mga Pilipino ang napaslang. Kabilang din si Geertman sa mga tumututol sa Aurora Pacific Economic Zone.

Hindi pa rin natatapos ang extra judicial killings sa ilalim ng dalawang taong panunungkulan ni Pangulong Aquino, dagdag pa ng obispo.

Hinahamon niya ang pangulong ibalita sa kanyang State of the Nation Address ang kanyang nagawa upang mapigilan ang mga pagpaslang.

Sinabi naman ni Fr. Marlon Lacal, co-chairman ng Association of Major Religious Superiors in the Philippines na isang malaking kawalan sa mga magsasaka ang paspaslang sa Dutch national.

Ayon kay Fr. Lacal, naniniwala siyang may koneksyon sa Hacienda Luisita ang pagpaslang kay Geertman.

Kinondena rin ng National Council of Churches in the Philippines ang pagpasalang kay Geertman.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>