Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pangulong Aquino, pinuri ang mga pribadong korporasyong naglilingkod sa mga mamamayan

(GMT+08:00) 2012-07-05 19:10:52       CRI
Pangulong aquino, pinuri ang mga pribadong korporasyong naglilingkod sa mga mamamayan

ANG pagdaraos ng 11th Corporate Social Responsibility Expo and Conference ay pagpapatunay lamang ng pakikiisa ng mga pribadong korporasyon sa pagpapa-unlad at pagtulong sa mga nangangailangan.

CONVERGENCE ANG SUSI SA PAGPAPAUNLAD.  Ito ang binigyang-diin ni Pangulong Aquino sa kanyang talumpati sa harap ng League of Corporate Foundations sa oagsisimula ng kanilang ika-11 Exposition at Conference sa SM Mall of Asia.  Tampok ang kanilang mga palatuntunan sa mga mahihirap na komunidad.

Sa kanyang talumpati, sinabi ni Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III na ang ginagastos ng mga korporasyon sa pagtulong sa mga mamamayan ay nagbubunga ng kaunlaran para sa lahat.

Ang pagkakaroon ng kakayahan ng mga mamamayang magkasalapi ay magiging dahilan upang umunlad ang kalakal, dagdag pa ni Pangulong Aquino. Sa pag-unlad ng kakayahan ng taong makapamili, lalago ang negosyo at ang lahat ay magwawagi.

MAHALAGA ANG PAPEL NG MGA KORPORASYON SA PAGTULONG SA MGA MAMAMAYAN.  Ito ang binigyang diin ni Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III sa kanyang talumpati sa 11th Corporate Social Responsibility Expo and Conference na sinimulan kanina sa SM Mall of Asia sa Pasay City.

Inihalimbawa niya ang ginagawa ng Nestlé na mayroong "convergence program" na tumutugon sa suliraning dala ng kahirapan at pagkapinsala ng kagubatan. Sa pagtatanim ng kape, nagkakasalapi ang mga mamamayan, may ginigiling na kape ang Nestlé at ang problema ng kahirapan at pagkapinsala ng kabundukan ay nababawasan pa.

Inamin ni Pangulong Aquino na maraming mahihirap na naninirahan sa mga peligrosong lugar na maglalagay sa kanila sa panganib sa bawat bagyong dadaan sa bansa. Hindi bababa sa 24 na bagyo ang bumabagtas sa Pilipinas sa bawat taon, dagdag pa ni Pangulong Aquino.

Sinabi niya na mahirap ilipat ang mga ito sa mas ligtas na pook at mas mahirap na bigyan sila ng hanapbuhay. Ito ang dahilan kaya't nananatili sila sa mga peligrosong lugar.

Isinailalaim na ang mahihirap sa Conditional Cash Transfer Program na humihiling sa kanilang bantayan ang mga puno at makatatanggap sila ng biyaya mula sa pamahalaan.

Kapuri-puri umano ang ginagawa ng Nestlé sa pagtulong sa mga komunidad kaya't nanawagan siya sa mga pinuno ng League of Corporate Foundations na pag-ibayuhin ang pagtulong sa mga nasalanta ng kalamidad at mga mamamayang nangangailangan ng hanapbuhay.

Ipinagmalaki niya ang pagsasama-sama ng mga kagawaran ng pamahalaan sa pagtulong sa mga mahihirap na bahagi ng lipunang Pilipino. Nanawagan din siya sa mga opisyal ng samahan na magmungkahi ng mga palatuntunang magtatagumpay sa pamamagitan ng "convergence."

Handa ang kanyang pamahalaang makipagtulungan sa mga korporasyong aayuda sa mga mahihirap na mamamayan.

PILIPINAS, NAGBIGAY NG NOTE VERBAL KAY AMBASSADOR MA KEQING

BINIGYAN ng Pilipinas ng isang note verbal si Chinese Ambassador to Manila Ambassador Ma Keqing upang i-protesta ang pagbuo ng Sansha City na sumasaklaw na sa nasasakupan ng Pilipinas.

Ayon kay Assistant Secretary Raul Hernandez, ang panibagong pangyayaring ito ang lumalabag sa soberenya ng Pilipinas sa Kalayaan Island Group at Bajo de Masinloc. Nananatili ang karapatan ng Pilipinas sa karagatan at continental shelf sa West Philippine Sea o South China Sea.

Ang deklarasyon ng pagtatatag ng Sansha City ay taliwas sa nilalaman ng Declaration on the Conduct of Parties in the South China Sea, dagdag pa ng tagapagsalita.

Bahagi ng Pilipinas ang Kalayaan Island Group at Bajo de Masinloc, ang karagatan sa kapaligiran at continental shelf, sabi pa ni Ginoong Hernandez.

KALIHIM DEL ROSARIO, DADALO SA 45TH MINISTERIAL MEETING SA PHNOM PENH

DADALO si Kalihim Albert F. del Rosario sa ika-45 Association of Southeast Asian Nations Foreign Ministers' Meeting sa Plenary at Retreat sessions sa Phnom Penh, Cambodia mula sa Linggo hanggang sa Huwebes.

Dadalo rin siya sa 13th ASEAN Plus Three Foreign Ministers Meeting kasama ang Tsina, Japan at Korea at Ministerial Meetings kasama ang Dialogue Partners na kinabibilangan ng Australia, India, Tsina, New Zealand, Canada, Japan at European Union, Russia, Korea, at Estados Unidos.

Makakasama rin si Kalihim del Rosario sa 10th Southwest Pacific Dialogue, isang pagtitipon na katatampukan ng mga pananaw at impormasyon sa mahahalagang isyu para sa mga bansang Pilipinas, Australia, Indonesia, Papua New Guinea, New Zealand at Timor-Leste.

Pag-uusapan ang mga paksang tulad ng pang-rehiyon at pang daigdigang isyu, maritme security at non-proliferation, karapatang pangtao, proteksyon ng mga mangagawang nangingibang-bansa, trafficking in persons, climate change, disaster management at biodiversity, ASEAN community at connectivity, kalakalan, micro small medium enterprises at ang renewable energy.

Mayroon ding bilateral meetings si Ginoong del Rosario sa mga kinatawan ng Brunei, Korea, Malaysia, Thailand, Singapore, India Hilagang Korea at Australia, kung magkakaroon ng pagkakataon.

MGA OBISPO AT MGA MAMBABATAS, MAGPUPULONG DAHILAN SA PAGMIMINA

GANAP na ika-pito't kalahati ngayong gabi magpupulong ang mga obispo at mga mambabatas upang pag-usapan ang isa sa pinaka-kontrobersyal na paksa: ang pagmimina.

Layunin ng pag-uusap na magkaroon ng pinagsanib na pagkilos sa pagpapanday ng batas upang maipagtanggol ang kapaligiran at mga komunidad.

Ayon kay Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo, pag-uusapan ang mahahalagang probisyon ng panukalang Philippine Mineral Resources Act of 2012.

Si Bishop Pabillo ang chairman ng National Secretariat for Social Action, Justice and Peace ng Catholic Bishops Conference of the Philippines. Makakasama sa pulong sina Arsobispo Jose Palma, Senador Sergio Osmena III at Kongresista Erin Tanada at Teddy Brawner Baguilat.

Inaasahang dadalo si Kalihim Ramon Paje ng Kagawaran ng Kapaligiran at Kalikasan at mga kinatawan ng mga civil society organizations.

Kontrobersyal na paksa ang pagmimina sa nakalipas na ilang taon. Pinaninindigan ng pamahalaan na malaki ang matatamong benepisyo sa pagmimina. Sa kabilang dako, sinasabi ng mga alagad ng simbahan at ibang mga non-government organizations na masama ang epekto nito sa kalikasan at kalusugan.

Ayon kay Bishop Pabillo, isyu ng lipunan at karapatang pangtao ang nakataya sa Leyte, Zamboanga at South Cotabato. Isyu rin ang fishkill at pagbaha sa Agusan, hindi pagkakaunawaan ng pambansa at panglalawigang mga pamahalaan ng South Cotabato at Romblon, hindi mapigil na paglabag sa mga karapatan ng mga katutubo sa Nueva Vizcaya, Palawan, Mindoro provinces at Sibuyan sa Romblon.

MINAHAN, PINASOK NG MGA REBELDE; TATLO KATAO, HOSTAGE

UMABOT sa mga 30 armadong guerilya ng New People's Army ang sumalakay sa VPO Mining sa Rosario, Agusan del Sur mga ika-lima ng umaga kanina.

Nadisarmahan ang mga security guard ng kumpanya at na-hostage ang tatlo katao kabilang ang isang Dodo Ocite, anak ng may-ari ng minahan. Humihingi umano ng mga armas ang grupo bilang kapalit ng pagpapalaya sa mga nabihag.

Ayon kay Major Eugenio Osias IV ng 4th Infantry Division, isang Engr. Vivencio Ocite ang may-ari ng minahan.

Humihingi umano ang grupo ng K3 submachine guns at mga M-16 rifles bilang ransom. Walong guerilya ang nagbabantay sa mga hostage samantalang naka-abang sa posibleng pagdating ng mga pulis at kawal.

Tumakas ang mga rebelled dala ang hostages ganap na ikatatlo ng hapon kanina. Hinahanap na sila ng mga alagad ng batas, dagdag pa ni Major Osias.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>