|
||||||||
|
||
Isang black comedy na dinerehe ni Ning Hao at prinodyus ni Andy Lau ang Crazy Stone. Blockbuster ang pelikula sa mainland noong 2006 at kumita ito ng 23Million RMB o US$ 3 Million.
Poster ng pelikula
Maniwala kayo't hindi ang budget ng pelikula ay 3 Million HK$ 0 US$400,000 lang. Ang mga bida ay hindi kilalang mga artista. Kasama sa cast sina Guo Tao, Liu Hua, Huang Bo, Yue Xiaojun, Teddy Lin Chun, Hou Shu, Chen Zhenghua, Peng Bo, Gang Liu, Wang Xun, Xu Zheng, Wang Jianing, Jie Du
At ang script ay isinulat naman nila Ning Hao Zhang Cheng Yue Xiaojun
Kakaiba ang istilo ng Crazy Stone patunay sa malikot na isip ng mga writers ng pelikula.
Si Guo Tao, bilang isang body guard sa pelikula
Bakit naging mega hit ang pelikula, wala naman itong bankable stars? Base sa aking movie buddy na si Andrea, binasag ng Crazy Stone ang ilang pormula sa paggawa ng pelikula. Ang mga dialogo ay labu-labo dahil gamit ng mga actor ay dialect ng Chongqing, Henan at Shandong meron ding mga Hong Kong idioms na nakadagdag sa katatawanan sa pelikula.
Tatlong mandurukot ng mainland China sa pelikula
Ipinakita ng Crazy Stone ang ilang mahahalagang usaping panlipunan sa Tsina kabilang dito ang lottery fraud, problema sa real estate developers, panggagantso ng mga scammers, one night stand at pinakamahalaga ang lapanang pagdami ng mga peke o fake na produkto.
Mandurukot na Taga-Hong Kong sa pelikula
Ang Crazy Stone ang unang pelikula ni NIng Hao na ipinalabas sa sinehan. Di nagkamali si Andy Lau ng isali sa Focus First Cuts ang direktor dahil ipinamalas ni Ning Hao ang angking galing at sariling istilo sa paggawa ng pelikula. Kuha nya ang kiliti ng mga manonood at bagamat naglalaro sa kanyang paggamit ng paiba-ibang anggulo at patalon talon ang kanyang mga eksena hindi naman ito nakakalito at madali pa ring masusundan ang istorya.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |